SOUNDTRACK
IF I WERE A BOY by Beyonce
Words are deadlier than the sharpest blade. They can kill a thousand times more than a mortal wound. The latter lays your body to rest. The former condemns your soul to a living hell. And more often than not, we utter these words to the ones we love.
PARANG AYAW NG BUMANGON NI KATE nang umagang iyon, pero kailangan. Ang bigat-bigat ng kalooban niya. Halos wala siyang tulog nang nagdaang gabi. Madaling araw na nang igupo siya ng pagod sa utak at katawan. Saka lang siya nakatulog.
Today was no different. She had to face her family again and deal with them. Lalo na ang kanyang ama. Ito ang mataas na pader na kailangan niyang matibag para makausad siya sa bahaging iyon ng buhay niya.
Bumangon siya at nagtungo sa banyo, naligo at nagbihis. Saka siya bumaba sa dining room. Linggo ngayon, kadalasan ay sabay na nag-aalmusal ang mga magulang niya sa sun room.
Ngunit wala ang mga ito ngayon sa sun room. May nakahandang pagkain ngunit mukhang wala pang gumagalaw. Sumilip siya sa karatig na kusina. "Yaya Nena," tawag niya sa isa sa mga maids nilang matagal ng nanunungkulan sa pamilya nila.
"Ma'am Kate, good morning po. Kakain na po kayo?"
"Ah, sina Mommy at Daddy, kumain na ba?"
"Ay, opo. Nagpahatid po sila ng pagkain sa kwarto nila kanina."
"Ahh." Parang alam na niya kung bakit. Ayaw siyang makita ng mga magulang. Iniiwasan siya.
"Sandali lang po, Ma'am. Ikukuha ko kayo ng orange juice."
Bumalik siya sa sun room at naupo. Wala siyang gana pero pinilit niyang kumain. Kailangan ng baby niya ang tamang sustansiya. Inihatid ni Nena ang baso niya nang malamig na orange juice.
"Salamat."
Maya-maya'y pumasok si DL sa sun room. Naka-gym outfit ito, nangingintab sa pawis ang balat, mukhang katatapos lang mag-work out. Natigilan ito nang makita siya.
Medyo nag-alangan ito sa may archway. Pumormal ang mukha nito at walang imik na nilampasan siya at pumasok sa kitchen. Pagbalik ay may dala itong bote ng mineral water. Walang imik pa rin itong umupo sa isang silyang kaharap niya at uminom mula sa botelyang hawak.
Walang imik rin siyang nagpatuloy sa pagkain, hindi ito pinansin.
"Kate..."
"Hmm?" aniyang ngumunguya, hindi tumitingin dito.
"Kate, look at me."
Huminto siya sa pagkain at tumingin nang diretso rito.
"I love you. You know that, right?"
Her brother rarely sat down with her in a serious talk. He was not an emotional person and was rarely verbally expressive of his affection. He was more of an action guy. He'd usually buy her expensive stuff, but to tell her straight that he loved her? Not his thing. He must be feeling extremely guilty to be doing this. But she wouldn't let him off the hook that easily.
BINABASA MO ANG
LUIS IÑAKI DE ANGELO
Romance***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have. KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...