4

25.4K 1.6K 3.8K
                                    

SOUNDTRACK

HERE WITHOUT YOU 

cover by Jay Smith, originally sang by Three Doors Down

cover by Jay Smith, originally sang by Three Doors Down

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"THERE IT IS, LUCK, white sand all over."

"Sigurado kang nariyan si Nico ngayon?"

"Yup, he flew in on his private plane this morning."

So, Nico had this island all along. Alam kaya ng mga magulang nito ang ginagawa nito? Malamang ay hindi. Nico's parents would surely hit the fucking roof if they knew. Botong-boto ang mga iyon kay Kate.

"May sariling airstrip, huh?" komento niya.

"Yeah. Perfect location. He can fly in and out anytime and no one will notice. Definitely no nosy papz can come in here to sniff on his business."

Mataman niyang pinagmasdan ang islang pag-aari ni Nico. Si Jett ang nasa cockpit ng SU chopper at kasalukuyan na nitong ibinababa ang altitude niyon, tinatarget ang landing strip ng isla.

May sumalubong sa kanilang apat na lalaki, mga bodyguards ni Nico at sigurado niyang kargado lahat. Magalang silang binati ng mga ito at agad na itinuro kung nasaan si Nico.  So, alam na ni Nico na siya ang lulan ng chopper.

Nilakad niya ang daan patungo sa villa nito may tatlumpong metro ang layo. It was a sprawling white structure nestled in between trees. Nagpaiwan sa chopper si Jett.

Ilang minuto pa'y magkaharap na sila ni Nico.

Nagsukatan sila ng tingin. Nasa balkonahe sila ng malapad na villa nito.

"What took you so long, Luck?" There was resignation in his tone as if he'd been waiting for this conversation to happen. 

"Akala ko kasi lilinisin mo ang kalat mo bago mo pakasalan si Kate. Nagkamali ako. I didn't know until recently that you've been hiding your dirt all the way here."

His eyes flared. "I see. Alam kong alam mo ang bawat galaw ko, pero bakit ngayon mo lang ako kinompronta tungkol dito?"

"Alam kong hindi ka naman seryoso sa mga 'yon at na kay Kate pa rin ang loyalty mo. Bilang Ialaki, I understood your needs. Kate told me na hindi pa kayo..." his voice trailed off.

He smiled sarcastically and shook his head. "She told you about that? Close nga kayo."

Hindi siya nagkomento. Wala itong karapatang mag-isip ng kung ano sa kanya. Alam nito kung gaano niya nirerespeto si Kate at ang pamilya nito. Ito ang may ginagawang kagaguhan, he wouldn't dare project his shit on him.

Nico sighed. "I was discreet all the time. Ayokong masaktan siya."

"Alam ko. Kaya hindi ako nakikialam sa 'yo noon dahil confined naman sa Lothario ang lahat. We have a code in the club. Pero iba ngayon, Nic. Hindi ka masyadong nag-ingat. May nakarating na mga balita kay Kate."

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon