PLAY SOUNDTRACK FOR THIS CHAPTER FOR THE FEELS:)
Video links above and within the chapter.
I TOUCH MYSELF by Divinylis
CLOSER by Nine Inch Nails
ISANG MAINIT NA POLO MATCH ang kasalukuyang nagaganap sa open field ng Manila Polo Club. Championship match iyon ng opening tournament ng polo season, kung kaya't well-attended ang naturang event nang magkakahalong polo enthusiasts, celebrities, politicians, at mga taga-media.
Abante sa scoreboard ang team ni Lucky. Apat sila sa team. Siya ang No. 1, o ang Forward, ang pinaka-aggressive at offensive player sa team na siyang pinakaresponsable sa pag-shoot ng bola sa goal ng kalaban.
Ang No. 2 at back-up Forward ay si Russel Valdeverro. Ang No. 3 ay si Jonathan Miguel "Jonty" Silverio, ang kanilang Team Captain at siyang pinaka-experienced sa kanilang lahat sa larong ito. Ang No. 4 at Back o guwardiya ng goal nila ay si Dylan Ray Anderson, ang half-American business tycoon na nawili nang manirahan sa Pilipinas.
Kalaban nila ang team ni Nico Sanvictores, na siyang Team Captain ng kabilang grupo. Si Marcus Alexis "X" Benedicto ang Forward ng mga ito, back-up Forward naman si Marco Buenavista, at Back si Azul "Blue" del Rosario.
Ang polo ay maihahalintulad sa larong football o hockey na ang main objective ay ipasok ang bola sa goal. Sa polo nga lang, nakasakay sa mga kabayo ang mga players.
Ngumisi si Alexis habang ginigitgit siya sa paghabol sa tumatakbong bola sa patag at luntiang damuhan. Milyon ang ginagastos upang ma-maintain ang ganda ng polo field.
"Shit! X, huwag kang masyadong lumapit!" babala niya rito. Siya ang nasa right of way. Malapit na sa foul ang ginagawa ni Alexis. Hinigpitan niya ang hawak sa renda ni Wild Card, ang kanyang itim na Arabian pony.
Malutong ang tawa ni Alexis. "Relax, pare, abante na kayo!" Lalo pa nitong inilapit ang kabayo nito sa kanyang kabayo. Halatang enjoy na enjoy ito sa ginagawa. Alexis loved to test boundaries. He thrived on living on the edge. Kabaliktaran niya na kalkulado ang bawat galaw. He hated it when his opponents would intentionally break rules just to win. Lagi siyang patas makipaglaro.
Nakakuha siya ng pagkakataon. Yumuko siya sa tagiliran ni Wild Card at inasinta ang bola ng hawak niyang mallet. Hinataw niya ang bola. Sinangga ni Alexis ng mallet nito ang kanyang foreshot. Halos magbanggaan na ang mga kabayo nila.
Napamura siya. "Fuck, X, back off!" galit na niyang sigaw dito. Sa wakas ay bumigay ito.
Nakaabante siya at muling hinampas ang bola. Mga labinlimang yarda ang layo niya sa goal ng kalaban. Lumipad ang bola sa mismong ulunan ni Blue at tuloy-tuloy sa goal.
Isang neck shot ang ginawa niya. Mahirap 'yon. Pinalo niya ang bola mula sa ilalim ng leeg ni Wild Card at top speed.
"Fuck!" narinig niyang sigaw ni Blue.
BINABASA MO ANG
LUIS IÑAKI DE ANGELO
Romance***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have. KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...