DEAR REKLAMADOR READERS. Hindi ako magmumura, pramis.:)
May mga nagsa-suggest diyan ng kung anu-ano para di sila mahirapan basahin ang bawat epi ni Lucky. Noong una, ako ang nagso-sorry kahit na naaasar ako.
Pero ngayon, ay hindi na. Ang gusto kasing mangyari ay hindi na ako mag-edit ng trabaho ko dito once na nai-pubish ko na.
Let me tell you this. Pag ganyan ang tabas ng mga kokote ninyo, there's the door. Gagawin ninyo pa akong pito-pitong writer para lang sa convenience ninyo, mga ewan kayo.
I'm doing major revisions with Lucky and added scenes. It's like writing a new novel. Mahirap ma-gets ito kung hindi ka writer, tulad ko. Akala ninyo it's effortless for me to do this since nasulat ko na naman ito noon pa? IT IS NOT. It's lots of hard work.
OC ako magsulat, so expect lots of edits once na-post na 'yong story. If that causes glitches in your convenience to read Lucky, then wala akong magagawa. Watty ang may problema diyan, hindi ako.
Yung ibang stories ko, halos pulido na ang mga 'yon, at wala ako dagdag scenes o binagong scenes, kaya wala akong binabalikang chapters once uploaded na. Kung meron, konti lang. Still binabalikan ko pa rin until feeling ko wala ng errors. Kahit isang typo pag nakita ko, babalikan ko 'yan at i-edit. I JUST CAN'T RESIST DOING THAT. I'm a writer, editor, publisher, so it comes with my training. Ganyan ang ugali ko at hindi ko babaguhin 'yan. Kaya ako nakatagal sa industriyang ito dahil sa ugali kong iyan. Ganyan ang personality ko.
I review my stories a lot once I've uploaded it. Kahit sa Amazon ilang beses akong mag-reupload. Same goes here. There is an edit button in the Watty writing app and it should not cause any problem with the readers if the author edits an already published part. I'm really wondering why nagiging problema ito. But I will not spend a huge number of my time perfecting a chapter para pag na-publish ko na, hindi ko na babalikan o gagalawin. Imposible 'yan. Buwis-career 'yan for me. I am a traditionally published, as well as an indie author. May reputasyon na akong na-establish, and I will not lower my standards just to please some reklamador readers.
Watty is a WRITING TOOL, NOT JUST A READER TOOL. Aabutin tayo ng siyam-siyam mag-UD kung uunahin ko ang convenience ng readers sa bagay na ito. Ano'ng gusto ninyo, madalang na UD o diskartertehan ninyo ang Watty paano mabasa si Lucky? I'm writing other stuff, too, hindi lang dito sa Watty. PAID works. So kung ganyan ang siste, I will prioritize my other works na lang and Watty gets the bottom pit again. Doon kasi sa Amazon, pinipintasan ako dahil hindi pulido ang trabaho ko regarding typos, etc, kahit akala ko na-perfect ko na siya technically. Siyempre pag PAID works dapat very minimal errors. Pero they still buy my stuff regardless. I have fans there na sobrang avid at nagrereklamo na nawawala sa Kindle nila 'yong ebooks ko, dahil siguro nag-reupload ako. Still, they make tiyaga and do the re-downloading ng new version para may copies sila ng works ko sa Kindles nila palagi kahit nabasa na nila. See the difference here and there? Ayokong ipamukha pero nakakaloka na kung saan ka namimigay nang libre, may mga gustong isubo mo lahat sa kanila.
So, no, I will do as I always do with Lucky. You'll just have to bear with this "napakalaking" HIRAP sa pag-archive/unarchive ng bawat parts pag hindi ninyo mabasa. HOW DARE YOU EVEN SUGGEST NA HINDI NA AKO MAG-EDIT kasi hindi nagre-refresh agad ang Watty at your convenience? I hate to say this, but know the difference between us. Writer ako. Reader ka. May kanya-kanya tayong hirap. Kung talagang gusto mong mabasa, magtitiyaga. Tulad ko, gustong-gusto kong makapasaya ng readers ko, kaya nagtitiyaga akong puyat, sakit likod sa kauupo nang tuwid para hindi makuba (nakakangawit sobra!), pagod at gasgas ang utak sa kaiisip para may maisulat nang libre para sa mga mahal kong readers. NAHIHIRAPAN KANG MAGBASA at tamad dumiskarte, ako pa ang magsasakripisyo para wala kang kahirap-hirap?
WOW.
Mula ngayon, ayokong makakita ng kung ano-anong suggestions na ganyan. I'm not anti-solution, but the solution you are suggesting is unacceptable to me. Antayin na lang ninyong mag-improve and writing features ng Watty. Kay Watty kayo mangulit, hindi sa akin.
Better yet, imbes na magreklamo, dumiskarte kayo.
Lastly, don't tell me you love me and then tell me to degenerate as a writer. That's just so low.
PS 1. To all who truly love me then and now, hindi ito para sa inyo. Pasensiya na sa pagpapalabas ko ng saloobin. Pero salamat na rin sa pagbasa.
xoxo
BINABASA MO ANG
LUIS IÑAKI DE ANGELO
Romance***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have. KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...