***WRITTEN IN TAG-LISH***Hotel magnate LUCKY DE ANGELO is wealthy, influential and drop-dead gorgeous. He can take his pick of any woman he wants, but he only wants one woman. The one he can't have.
KATE DELESTE is Lucky's best friend, his princess...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THE NEXT DAYS were really difficult for Kate. Nagkukulong siya sa kanyang kuwarto buong araw at gabi. Maya't maya ay sumisilip ang mga magulang niya na para bang sinisigurong buhay pa siya. Maging si DL ay extra-sweet sa kanya. Dini-delay ng kapatid ang pagpunta sa Europe para maghanda sa nalalapit na Italian Grand Prix. Alam niyang siya ang dahilan niyon. Worried ito sa kanya. Pero minsan ay naiirita na siya sa mga ito. All she wanted was to be left alone in her misery.
Ni hindi siya lumalabas para kumain sa dining room nila. Nagpapahatid lang siya ng kanyang meals sa kuwarto niya. Wala rin naman siyang ganang kumain. Everything tasted bland. She couldn't differentiate one food from the other.
Marami siyang mga kamag-anak at mga kaibigang dumadalaw sa kanya, pero hindi niya nilalabas ang sinuman. Pakiramdam niya ay naroon lamang ang mga ito para kaawaan siya. Baka nga lihim pa siyang pinagtatawanan. Malay ba niya sa mga kaibigan niya kung sino ba ang totoo sa kanila. She thought Nico and her were very close friends, too. She expected honesty and respect from him, and yet he still betrayed her in the most cruel way.
At kapag naiisip niya ang katangahan niya kay Nico, parang nginangatngat ang kalooban niya sa sobrang galit. Galit na hindi naiibsan. Hindi niya tipo ang magwala at magbasag ng mga bagay para mailabas ang galit. At sa bawat paglipas ng mga araw, nadadagdagan pa ang poot niya, parang nag-uumpugang mga bato sa loob niya. So many wasted years for a good-for-nothing bastard. A cheating, lying asshole! Gusto niyang makaganti!
I hate him, hate him, hate him!!!
She and Nico went a long way back. Matalik na magkaibigan ang mga ama nila at malapit na malapit sa isa't isa ang mga Sanvictores at Deleste clans. Karamihan sa kanilang mga kapamilya ay magkakasosyo sa negosyo. May mga ilang relatives siyang nakapag-asawa ng mga Sanvictores. Parang extended family nila ang isa't isa. And it was only fitting that she and Nico would end up together as husband and wife dahil sila ang mga anak ng mga lider ng dalawang pamilya.
They were perfect together at the beginning. Baby pa lang siya noong ipinagkasundo sila ni Nico. It was a barbaric tradition by present-day standards, but the Sanvictoreses and Delestes were very clannish. They liked to consolidate their wealth and power, keep everything within both families.
Matanda si Nico sa kanya na mga pitong taon, but it was a perfect age-gap because he started as her other big brother while growing up. And then they became great friends. She really felt that he truly loved her as the years went by. Nang maging formally engaged sila noong 18 na siya, mahal na mahal na nila ang isa't isa. Nag-aral ito ng college sa America, pero constant ang communication nila. Kung umuuwi ito ng Pilipinas noon, priority nitong mag-spend ng time sa kanya. Nagbago lang ang lahat nang maging presidente ito ng Sanvictores Group noong 26 years old ito. A couple of years later, he became the CEO. Naging sobrang busy na ito sa trabaho at nabawasan na ang panahon nila sa isa't isa. Ngunit hindi naman niya gaanong ininda iyon kasi naroon naman si Lucky na BFF niya. Ito ang parang pumuno sa absence ni Nico.