5

22.1K 1.7K 2K
                                    

SOUNDTRACK

BAD ROMANCE cover by 30 Seconds To Mars (Orig. by Lady Gaga)

IT WAS HER BIG DAY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


IT WAS HER BIG DAY. Her wedding day. Papunta na siya sa Santuario de San Antonio. Sa simbahang iyon gaganapin ang kanyang kasal.

Butterflies seemed to be flapping wildly in her belly. Her gown was made of delicate lace. She favored the whimsical look for her wedding gown, not going for the typical structured designs. Gusto niyang komportable siya sa araw ng kanyang kasal at makahinga nang maayos. Ngunit sa kabila ng flowing design niyon, parang kakapusin pa rin siya ng hininga. God, bakit ba ako kinakabahan nang ganito?

This was the last day of her life as a single woman. Natural lang siguro na nerbiyosin siya. Mawawala rin siguro iyon maya-maya.

Muli niyang pinasadahan ang sarili sa floor-length mirror sa kanyang silid. Mag-isa siya roon at nasa labas na ang lahat ng entourage niya, naghihintay na rumampa siya pababa sa grand staircase ng kanilang mansiyon. The videographers were waiting to cover her descent. Nauna na sa simbahan ang pamilya niya. Malapit lang naman ang Santuario sa bahay nila. Si Karen lang ang kasama niyang naiwan sa mansiyon at ang mga assistants niya.

She lightly smoothed her hands down the sides of her body. Hindi naman siya fashion designer, pero nagawa niyang idisenyo ang wedding gown niya sa sarili niyang specifications, and it came out really great.

Hindi siya conceited sa looks niya, pero gandang-ganda siya sa sarili niya ngayong araw. Napangiti siya nang malapad saka nagbuga ng hangin upang maalis ang kaba niya.

Bumukas ang pinto ng kanyang silid.

Nagulat siya. Pumasok si Nico at marahang isinara ang pinto.

Bahagya pa siyang nag-blush, but her heart filled with joy at the sight of him. Her dashing groom came to see her at the last minute. Kinilig siya nang sobra.

His tux was perfect on him from head to toe. Ang swerte-swerte niya talaga. Tall, well-built and very handsome, Nico was every woman's dream, and he would be hers in the eyes of man and God today.

"Hon! I thought you were already at the church waiting for me."

Hindi ito umimik, nakatayo lang malapit sa may pinto. Napansin kaagad niya ang pagkabalisa sa mukha nito.

"Kate..."

Natunugan niya ang anxiety sa tono nito. Nilapitan niya ito. Up close, doon niya napansing  haggard ito, parang hindi masyadong nakatulog nang nagdaang gabi.

"Are you okay, honey?" Hinaplos niya ang mukha nito.

Mahigpit na hinawakan nito ang mga kamay niya, parang humuhugot ng lakas ng loob. Ang sumunod na mga sinabi nito ay parang kidlat na dumurog sa mga pangarap niya.

"Kate...forgive me. Please, find it in your heart to forgive me one day, but I can't go through with this. Sinubukan ko. God, I tried, Kate. I tried to live up to my obligations to you and my family, but it's killing me. I can never make you happy, Kate. I'm in love with another woman. Siya ang gusto kong makasama habang-buhay. I never meant to hurt you. You've been so good to me, the perfect girlfriend and fiancee any man could ever wish for. But I don't deserve you. I'm not the right man for you. I'm so sorry."

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon