19

36.4K 1.6K 1.6K
                                        


HINDI MAPALAGAY SI KATE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI MAPALAGAY SI KATE. Five days na mula nang huli silang magkita ni Lucky sa Polo Club. Five days na rin itong hindi tumatawag sa kanya, at once a day lang kung mag-text. Ang laman ng mga texts nito ay napaka-casual pa. Wala na iyong dating lambing at intimacy, walang possessiveness. Mga ordinaryong messages lang ang ipinapadala nito.

I hope you're having a good day.

Have a great day.

Have a productive day today.

All generic and impersonal messages. Hindi naman ito ganoon mag-text sa kanya dati.

Pero may bouquet of flowers na dumating sa opisina niya kaninang umaga. Wala nga lang note. Pero alam niyang galing kay Lucky 'yon. Tinamad ng magsulat ng note?

Pilit niyang nilalabanan ang disappointment na nararamdaman. Eh, ano kung hindi ito tumawag sa kanya para kumustahin siya? So what kung wala itong sweet messages na ipinapadala tulad ng dati? Hihinto ba ang mundo niya kung mawala lahat iyon?

Pero niloloko lang niya ang sarili. Ang totoo, affected siya. Kahit naman noong simpleng mag-BFF lang sila ay sweet na sweet ito sa kanya. Napakalambing. Napaka-protective. Pakiramdam niya'y isa siyang prinsesang inaalagaan nito. Iniingatan. Pero ngayon, ang lamig na nito sa kanya. Oo nga't may flowers, pero... iba pa rin 'yong tatawag ito sa kanya para kumustahin siya.

Ay, ewan ba niya? Bakit ba siya apektado nang ganito kung tumahimik man 'yong tao? Malamang na busy rin ito. Kung tutuusin, mas marami itong trabaho at responsibilidad kaysa kanya. Lucky headed a hotel chain all over Asia and was responsible for thousands of employees. At wala siyang karapatang mag-demand o mag-expect ng oras at atensiyon nito. Siya ang may gustong ganito sila. She wanted to be left alone.

She made her bed. She should lie in it.

Pilit siyang nag-focus sa trabaho. Pero pasulyap-sulyap siya buong araw sa cellphone niya. Bawat message na dumating ay dali-dali niyang binabasa. Deep inside, inaasam niyang galing kay Lucky ang mga iyon. Pero galing lang naman sa mga kaibigan niya. Kapag may tumatawag sa cellphone niya, lumulundag ang puso niya, hoping it was Lucky, pero hindi naman. Either mga kaibigan niya o mga business associates.

Napabuntong-hininga siya nang malalim. Hindi na niya maintindihan ang sarili. She wanted space, but she now realized, not this much space na parang tuluyan na rin itong nanlamig pati sa pagkakaibigan nila.

Tumayo siya at lumabas ng kanyang opisina, naglakad-lakad sa kahabaan ng kanyang boutique. Kinawayan niya si Aina na nasa kabilang panig ng store, kinakausap ang isa sa mga sales ladies nila. Lima ang empleyado niya rito sa shop, pang-anim si Aina.

Biglang tumunog ang hawak niyang cellphone. Napalundag na naman ang puso niya, pero si Aris ang tumatawag. Sinagot niya iyon.

"Hello, Aris?"

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon