11

32.1K 1.4K 1.7K
                                    


SOUNDTRACK

THE HEART WANT WHAT IT WANTS cover by Boy Epic (Orig. by Selena Gomez)

THIS CHAPTER IS DROPPING on OCT. 19 SATURDAY (USA TIME)

 19 SATURDAY (USA TIME)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"HEY, KATE, ang layo naman yata ng iniisip mo."

Wala sa loob na tiningnan ni Kate si Karen. Kasalukuyan silang nagla-lunch, kasama ang dalawa nilang malapit na kaibigan na sina Lara at Nessa sa isang restaurant sa Rockwell Center. "Uhm, what did you say, girl?"

"Hay naku, girl, forget him. He's gone! Kaput!" medyo naiiritang sabi nito.

"I wasn't thinking of Nico," depensa niya. And that was the truth. Wala naman talagang ibang nakakaalam sa totoong dahilan ng hindi pagkakatuloy ng kasal nila ni Nico maliban kay Lucky. Surprisingly ay hindi niya napagtuunan ng isip ang anuman tungkol kay Nico nang mga nagdaang araw. Masyado siyang binabagabag ng ibang bagay.

"I heard that Nico is back in town!" excited na bulong ni Lara. "His father threatened to disown him if he didn't come back to Manila."

Hindi siya umimik. Nagkibit-balikat lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Pero bumangon ang galit niya sa sinabi ni Lara, hindi lang siya nagpahalata.

For the past month or so, she had not cared to read the news or watch TV or browse her social media accounts. Subsob siya sa trabaho at hindi alintana ang mga tsismis sa kanyang paligid. Her life was having a drastic transformation where Lucky was concerned.

Napabuntong-hininga siya. Ilang araw ng hindi nagpapakita sa kanya si Lucky. Ni hindi ito tumatawag.

"According sa friend kong nagtatrabaho sa SGC, nagkagulo nang husto ang kompanya nang mawala si Nico. It was recently found out na nagtago pala ito sa isang maliit na island sa bandang Visayas," pagbabalita pa ni Lara. Sa lahat ng mga kaibigan niya ay ito ang pinakamadaldal at mahilig sumagap ng tsismis sa A-list grapevine. Taklesa rin kung minsan.

"Really?" pasimpleng komento niya. So, nagbalik na talaga sa Manila ang hayop na 'yon?

"Yeah. Paano kung bumalik si Nico sa 'yo, Kate?" tanong ni Nessa.

Tumawa siya. "Imposible."

"Malay mo. Sayang din naman si Nico, 'no? He's your match pa naman in all aspects," sabi ni Lara.

"What are you talking about, girl?" sabat ni Karen dito. "After what he did? Subukan niyang magpakita, pupudpurin ko itong mga Louboutins ko sa pagmumukha niya!"

"Gosh, ang barbaric mo naman, girl," matulis ang ngusong sabi ni Lara na humigop sa straw ng sparkling drink nito. "Chill."

"Hay naku, there's no point in crying over spilled milk, Kate," sabi ni Karen.

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon