15

31K 1.4K 1.8K
                                    

SOUNDTRACK

SET FIRE TO THE RAIN by Adele

KULANG SA TULOG nang nagdaang gabi kaya mainit ang ulo ni Lucky nang umagang iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KULANG SA TULOG nang nagdaang gabi kaya mainit ang ulo ni Lucky nang umagang iyon. Papunta siya sa bahay nina Kate. Sumosobra na ang babaing 'yon! Hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag niya. Ni ayaw sumagot sa mga text messages niya. Ayaw rin siyang harapin kapag dumadalaw siya.

Pagkatapos nilang magkasundo na maging friends with benefits, isang bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaang mas pinili nito kaysa tanggapin ang alok niyang kasal, bakit tila mas lalong naging malabo ang relasyon nila ni Kate? Lalo itong lumalayo sa kanya. Parang galit ito sa kanya.

Parang pinatakim lang siya, tapos wala na. Parang droga itong sininghot niya at na-addict agad siya, pero naubusan agad ng supply. At heto siya, parang mababaliw na sa pagnanais na matikman ulit iyong "high" na dulot ng drogang 'yon.

Mas mabuti pa yata noong hindi pa niya nakukuha si Kate. Iyong hanggang pantasya lang siya. Iyong hindi talaga niya alam kung ano ang pakiramdam ng maangkin ito. Iyong imaginary lang ang amoy nito, ang lasa nito, ang init ng sensuwalidad nito. Hindi ganoon kahirap tanggapin noon na hanggang pantasya lang siya.

Pero ngayon, alam na niya ang pakiramdam. Alam na niya kung gaano katamis ang mga labi nito, kung gaano kabango ang katawan nito, kung gaano kasarap angkinin ito. Nakakasira ng ulo iyong alam niyang nakuha na niya tapos mawawala. Lalo na kung maagaw ng iba. Makakapatay siguro siya.

Nababaliw na nga siya.

Pumikit siya at isinandal ang ulo sa backrest. Dapat ay papunta siya sa Subic ngayon, pero inuna niyang puntahan si Kate. Hindi siya matatahimik buong araw sa trabaho kapag hindi man lang niya ito nakita ngayon.

Napabuntong-hininga siya. Naalala niya ang sinabi nito noong nakaraang araw. Tinanong siya nito kung sex na lang ba ang dahilan bakit sila magkasama ngayon.

Tinamaan siya doon. Masakit. Kasi hindi naman totoo iyon. Hindi naman sex lang ang habol niya rito. Pakakasalan nga eh. Kahit siguro walang sex, basta bumalik lang iyong dating closeness nila. Okay, kalabisan na 'yon. Kahit hindi madalas ang sex, basta magkasama sila palagi, titiisin niya.

Maybe he was doing something wrong? Nagkaganito lang naman si Kate matapos may mangyari sa kanila sa Punta del Sol. Kung hindi siguro nangyari iyon, baka mas lalo pa silang naging malapit sa isa't isa ngayon. Kasi dadamayan naman niya ito hanggang maka-move on ito kay Nico. Kahit masaktan pa siya.

Ngayon lang niya gustong pagsisihan ang nagawa, kasi nasasaktan na siya nang sobra sa mga rejections ni Kate sa kanya. Akala niya kaya niya na hanggang sex lang sila. Tang-ina, siya iyong nagbibilang ng babae dati, ngayon ay siya ang naghahabol na parang tanga. Sobrang dikdik na ang pride niya kay Kate. Nakakababa na ng dignidad.

But she missed her so much, and it was killing him everyday. Miss na miss na niya iyong prinsesa niyang masayahin at palaging nakangiti. Gusto niyang bumalik ang Kate na 'yon sa kanya, iyong thoughtful at inaalagaan siya. At kaya niyang gawin ang magpakababa. Ang lamunin ang pride niya. Ganoon niya kamahal si Kate.

LUIS IÑAKI DE ANGELOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon