|•2•|: First Encounter

138 5 1
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"Kung hindi ka ba naman, mamalasin.." bulong ko.

Aba't Letche naman kasi talaga. Sa lahat ng magiging classmate namin nitong si Ashi eh si Lucas pa! Langyang 'yan, buwesittt!!

"Oh! Ariyana! Long time no see!!" Magalak na salubong nya.

Long time no see your face dumbass.

Inirapan ko lang sya. Okay letche na naman buong year ko nito. Bakit ba kasi nagpakita pa 'yan?

"Oh wala bang, 'I miss you' jan?" Tanong nya sa'kin.

"I miss you your face! Dun ka nga Lucas!! Naiirita ako sa mukha mong letche ka!" Sigaw ko sakanya.

Natawa naman si tarantado. Nabubuset talaga ako pag nakikita ko pagmumukha nyang tarantadong yan.

Si Lucas San Juan, ex ko sya. Oo na isa na akong DAKILANG TANGA. Umaasa sa crush ko pero may ex 'di ba? Alam nyo ba kung paano ko sya sinagot?

•|| Flashback (2 years ago) ||•

"Yanaaa!!!!"

Napatingin ako sa sumigaw. Si Tristal, sa likod naman ay nandu'n si Leo, and boyfriend nya.

"Bakit?" Tanong ko at nagpatuloy sa pagsusulat.

Kasalukuyan akong nasa rooftop. Gumagawa ako ng report para sa Economics namin. May reporting kasi kami mamaya.

"Tara dali!!!" Aniya at hinablot ang braso ko.

"H-ha? Bakit? Ano ka ba, Tal may ginagawa ako." Saad ko sakanya.

"Mamaya na 'yan!! Tara na dali!! Baka naghihintay na sya!!" Masigla nyang aniya.

Nagtataka akong tumingin sakanya. Ano na naman problema nito?

"Leo, ano na naman nangyari jan sa girlfriend mo?" Tanong ko kay Leo.

Nagkibit-balikat sya. "Ewan ko d'yan.." balewalang sagot nya.

Taena, anyare na naman ba dito kay Tal?

Nagsign of the cross ako sa harap nya. "Kung sino ka mang sumapi sa kaluluwa ni Tal, binabalaan kita, umalis ka sa katawan nya sa ngalan ng panginoo." Saad ko.

Nakangiwi naman nya akong tinignan. Tapos umirap sya. Dukutin ko kaya ngala-ngala nito?

"Gaga, 'di ako sinasaniban. Ano ba! Tara na kasii!!!!" Aniya.

Taena nito, bigla bigla na lang manghahablot. Sarap patulan eh, kung hindi ka lang maliit baka nasuntok na kita----joke.

"U-uy, teka chill, yung gamit ko!" Sambit ko.

Iwan daw ba gamit ko? Aba! Nagpakahirap ako gumawa ng report tapos hindi naman pala kukunin. Isang malaking pakshet na lang oh!?

"Mamaya na yan! Leo kunin mo yung gamit nya!!" Utos nya sa kasintahan.

Wala naman nagawa si Leo kundi ang sundin si Tristal. Oh taray! Under sya sa jowa nya. Eh kayo, may jowa ba kayong under sainyo? Wala!

Waw akala mo naman sya may Jowa-sabi ng konsensya ko.

Alam nyo minsan iniisip ko, bakit pa ba tayo nagkakonsensya na ang lakas ng trip barahin tayo 'no? Letche!

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now