Ariyana Caliya Nishiuchi
Mabilis akong tumayo saka hinarap si Nico. Sumalubong sa'kin ang naguguluhang mukha nya at ang nagtatanong, nagtataka, at naguguluhan nyang tingin.
"N-Nico," Gulat na sambit ko.
Biglang sumama ang tingin nya sa'kin. "Ikaw si Cali?!" Galit na tanong nya.
Tumungo na lang ako. Hindi ko alam kung ito na ba yung tamang panahon para sabihin ko sakanya ang totoo, pero, matagal na din simula ng ipagkait ko sakanya ang katotohanan.
Aaminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong gusto ko nang pakawalan ang nakaraan at balewalain na lang iyon na parang walang nangyari. Kaso hindi ko iyon magawa-gawa dahil lagi kong iniisip ang mga what if's ko.
Noon, ang mga what if's ko ay iyong mga What if pag naalala nya ako, mahalin nya ako? What if pag naalala nya ako mapansin nya na ako? What if pag naalala nya na ako ay bumalik kami sa dati? What if pag naalala nya na ako maging magkaibigan ulit kami? What if?
Ngayon, tinatanong ko ang sarili ko. Alam kong wala na akong nararamdaman kay Nico, halos araw-araw kong tinatanong ang sarili ko kung mahal ko pa ba sya. Kaso, ang laging sagot sa huli ay ang si Kevin ang mahal ko.
Umiyak ako, hindi dahil sa nasasaktan ako sa isiping hindi nya ako mahal o ano man. Umiyak ako dahil nasasaktan ako at naghihinayang. Nasasaktan ako dahil marami kaming pangarap noong mga bata pa kami, kahit na sabihing ang bata pa namin noon ay pinahalagahan ko yun. Kaya ganon na lang kasakit para sa'kin na kalimutan nya ang lahat ng iyon. Kaya ganon na lang ang paghihinayang ko sa mga nakalipas na taon. Ang dami na sana naming nagawa nang magkasama, hindi lang natuloy dahil hindi nya ako maaalala.
"I'm asking you, Ariyana. Ikaw ba si Cali?!" Medyo tumaas ang boses nya kaya bahagya akong napaigtad.
Humugot ako ng malalim na hininga bago tumingin kay Makoy. Napabuntong-hininga na lang sya bago tumingin kay Nico.
"Ari's tired, kailangan nya ng magpahinga---"
"Why, Ariyana?" Hindi pinansin ni Nico si Mckoy, sa halip ay nanatili ang tingin nya sa'kin.
Hindi ko sya magawang tignan sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung bakit hiya ang nararamdaman ko, sa totoo nga lang ay dapat wala akong ikahiya. Dapat nga si Nico ang mahiya, pero ako ito, hindi sya magawang tignan.
"Alam mong hinahanap ko si Cali noon, bakit hindi ka nagpakilala?"
Agad akong nag-angat ng tingin nang maramdaman ang lungkot sa boses nya. Napalunok ako nang makita ang malungkot nyang mukha. Hindi tulad noon, wala na akong nararamdaman ngayon na kirot pag nakikita ko ang malungkot nyang mata. Kahit anong kapa ko, wala na talaga.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Matagal kitang hinanap, Cali, bakit?" He sounded begging.
Napayuko na lang ulit ako at hindi sya sinagot. Aaminin ko, ito ang gusto ko. Ang tanungin nya ako at sabihin ko sakanya ang totoo, pero bakit ngayong nandito na ay parang naduduwag ako? Bakit?
"You were that little girl in my dreams..." Sabi nya na ikina-angat ko ng tingin. Sinalubong nya ang tingin ko. "You were the girl whom I promised to spent my life with.."
Nanlaki ang mata ko at hindi ko nagawang magsalita. Tila natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya. P-Paano nya nalaman 'yun---Mas lalong nanlaki ang mata ko.
"N-Naalala m-mo na..." Bulong ko.
"You were the first girl I allowed to enter my life, other than Nicole and mom. Ikaw 'yong babaeng pinangakuan ko na papaksalan ko pagtanda, sayo ko binigay ang bracelet ni lola..." Napailing sya. "All this time, ikaw pala yung babaeng hinahanap ko, pero bakit hindi ka nagpakilala?"
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...