|•47•|: It's been a long time.

37 2 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"N-Nico?" Gulat na bulong ko.

Mukhang gulat din sya. Nakaawang pa ang bibig nya habang nakatingin sa'kin.

"A-Ariyana?" Gulat din na sabi nya.

Mabilis akong nakabawi sa gulat at agad syang nginitian. "Nico! How are you?" Tanong ko.

Kahit gulat pa din ay unti-unting bumalatay ang ngiti sa labi nya. "Woah, you look pretty." Parang hindi makapaniwalang sabi nya. "Prettier, I mean." Aniya kaya natawa ako.

"Thanks," ngiting sabi ko saka tinignan sya.

He looks taller than before, still handsome and his voice were more deep. Nakasuot sya ng plain black t-shirt saka denim pants.

"Kamusta? Bakit ka nga pala nandito sa sanitary section?" Natatawang tanong ko.

He sighed. "Si Coley kasi eh, pinapabili ako para daw sa trip nila bukas." Sambit nya at napailing. "Anyways, you look really pretty. How have you been?" Tanong nya.

Napailing-iling ako. "Long story." Sagot ko saka sinimulang itulak muli ang cart. Nasa tabi ko naman si Nico habang hawak ang mga sanitary napkin na color pink.

Kalalaking tao, may hawak na napkins.

"Eh ikaw? Bakit ka nandito sa grocery? You're buying groceries for your mom?" Tanong nya.

Umiling ako. "Nope, I'm buying groceries for myself." Nakangiti akong bumaling sakanya. "My family's still in Japan. Ako lang ang nasa Pilipinas dahil gusto kong mag-college dito."

"Really? Sa bahay nyo pa rin ba ikaw nakatira?" Tanong nya ulit habang masuyong nakatingin sa'kin.

Umiling ulit ako. "Nope, I have my own condo now. My mom bought it for me, she wants me independent."

"Buti hindi nagalit papa mo at ang kuya mo. I mean, your father and your brother's strict."

Tumango-tango ako. "Yeah, they are. Pero wala naman silang magawa kasi si mama ang nagsabi. Though, I'm not really comfortable being alone, but I know I'll live."

Natawa sya. "What can I say, moms are bosses."

"True." sagot ko.

Natatawang tumango sya. "So you said you're living alone now, in your own condo. Mind telling me where?"

I shrugged. "Yeah, I don't mind." Sambit ko at sinabi sakanya ang room ng condo ko, pati na din ang address nito.

"Your mother's good at picking." Puna nya.

I chuckled. "Yeah, she is."

He sighed. "So, may bibilhin ka pa?" Tanong nya.

Mabilis kong tinignan ang gamit sa cart ko kung kumpleto na ba. At nang makitang ayos na ay nag-thumbs up ako sakanya.

"Wala na." Sambit ko saka napatingin sa wrist watch ko. "It's past ten, good." Ngiting sabi ko saka tinulak ulit ang cart ko. "Ikaw may bibilhin ka pa?"

Umiling sya. "Nah, I'm done. Ito lang naman ang pinapabili sa'kin ni Coley."

Tumango ako. "Then let's go."

Dumeretso kami sa cashier at buti na lang talaga hindi mahaba ang pila dahil nga umaga pa lang. Puro kami usap ni Nico at hindi natatapos ang usapan namin.

Kung nagtataka kayo kung bakit nakikipag-usap ako kay Nico ay dahil wala naman syang kasalanan sa'kin. The last time I checked, I had forgave him the night of my birthday. Kaya komportable akong kausap sya.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now