|•28•|: Kevin's Birthday!

47 4 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"Ang galing nyo, Love!" Sigaw ni Cole at niyakap ang pawis na pawis na si Lucas.

Eww

Nagyakapan sila dahilan para asarin si Lucas ng mga team mates nya.

"Nice one dre!" Sabi ni Zach at nagtawanan sila.

Napailing na lang ako at napatingin kay Ashikira na kasalukuyang kinukulit ni Yuan.

"Dun ka nga, bakla! Ang lagkit mo!" Inis na sabi nya.

"Yakap lang eh! Tignan mo nga si Nicole at Lucas, ang sweet nila oh!" Parang batang sabi ni Yuan habang naka-pout at lumalapit kay Ashi.

Kita ko ang iritasyon sa mukha ni Ashi habang palayo ng palayo kay Yuan. "Tumigil ka nga bakla! Kadiri ka! Ang lagkit mo!" Inis na sabi nya.

Natawa na lang kami sakanila. Agad na hinanap ng mata ko si Nico at nakita syang nakatingin sa'kin. Nawala ang ngiti ko nang makitang matalim ang mga mata nya habang nakatingin sa'kin at sa katabi ko. Napabaling ako sa katabi kong si Kevin na tumatawa.

Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko ang ganoong tingin ni Nico, alam kong galit sya.

Ano na namang kasalanan ko?

Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makitang naglakad sya palapit sa'kin habang ang mukha ay seryoso. Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko. Nang makalapit sya ay napalunok na lang ako.

Umatras ako ng kaunti. Naaninag ko sa gilid ng mata ko na natigilan sila Nicole, lalo na si Kevin. Natahimik din ang lahat habang nakatingin sila sa'min.

Tumikhim ako at ang mga ka-team mates ni Nico ang hinarap.

"Hi g-guys, ang g-galing nyo. Congratulations b-by the way." Nakangiting at nauutal na bati ko sakanila.

Pilit kong hindi tinitignan si Nico kahit na nasa harap ko sya. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko na animo'y may nagkakarera sa loob.

Puso, kalma ka lang.

Natawa bigla si Andy, Zach, Nico, Mark, Carl at ang ibang mga ka-team mates nila sa hindi ko malamang dahilan. Kita ko ang pekeng pagtawa ni Nicole, Tal, Leo, Yuan at Lucas. Ako naman ay kumunot ang noo at pareho kaming nagkatinginan ni Kevin.

"B-Bakit kayo tumatawa?" Tanong ko.

Si Mark ang sumagot sa'kin. "Nothing. Don't mind us." Aniya at nagtawanan ulit silang lahat.

Nagtataka man ay tumango na lang ako saka napatingin kay Nico na matiim na nakatingin sa'kin.

"C-Congrats nga pala, ang galing mo." Bati ko sakanya.

Tumango sya saka ngumiti. "Hindi mo ko chineer." Aniya.

Napakamot ako ng ulo. "E-Eh kasi----"

"Nico!"

Natigil ako sa pagsasalita nang may tumawag sakanya at nang mapatingin ako dun ay agad na nawala ang emosyon sa mukha ko nang makitang si Andrea yun at kasama ang ibang cheer dancers.

Nakangiti syang lumapit kay Nico. Naramdaman ko agad ang paninikip ng dibdib ko nang isabit nya ang mga braso sa balikat nito.

"You were so awesome. Ang galing mo! We should celebrate." Nakangiting sabi ni Andrea.

Napaiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang sakit sa puso ko lalo na nang mapatingin ako sa kamay ni Nico na nakahawak sa bewang ni Andrea.

"Oo nga." Ani ng isang cheer dancer na hindi ko kilala.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now