Ariyana Caliya Nishiuchi
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ilaw na tumatama sa mata mukha ko. Napabangon ako bigla saka agad na napadaing ng maramdamang sobrang sakit ng ulo ko.
"Araaayyy!!" Mahinang daing ko.
Hinawakan ko ang noo ko dahil sa sobrang sakit. Grabe naman, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng may hang-over. Bwisit! Ang sakit!
"Take this."
Gulat akong napaangat ng tingin kay Kevin nang magsalita sya. Iniabot nya sa'kin dalawang advil saka isang baso ng tubig.
Kinuha ko ito saka tinignan. "Salamat." Bulong ko saka ininom ito.
Kunot-noo akong tumingin sakanya ng tumabi sya sa'kin. Saka ako napatingin sa mga katabi ko at napansing wala sila Ashi.
Gulat akong tumingin kay Kevin. "N-Nasaan sila---" natigilan ako nang makita ang ngiti sa labi nya. Kumunot ang noo ko. "Anong ngiti yan?" Tanong ko.
Bigla nyang hinawakan ang pisngi ko dahilan para maramdaman ko ang kuryenteng dumaloy mula hintuturo hanggang buong katawan. Nahugot ko ang hininga ko habang nakatingin sa mukha nya.
"Good morning." Bati nya.
Putek! Ang gwapo naman ng lalaking 'to!
"G-Good morning." Awkward na sabi ko. "N-Nasaan ba sil---"
"Nasa baba sila, nags-swimming." Sagot nya.
"B-Bakit ka pa nandito?"
"I was waiting for you to wake up." Ngiti nya.
Putek! Puso kumalma ka! Wag OA!
"B-Bakit?"
"Kailangan mo kasing kumain ng breakfast. Kahapon nalipasan ka na, I won't let it happen again." Aniya.
My gosh! Heart!
Kagat-labi akong tumango. "O-Okay.."
Ngumiti ulit sya saka ako hinalikan sa noo. "I'll prepare your breakfast. Okay?" Aniya.
Nakangiti akong tumango. Hinalikan nya muli ako sa noo bago lumabas ng kwarto. Napabuntong-hininga na lang ako bago pasimpleng kapain ang dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok nitong puso ko.. ibang-iba sa tibok nito kay Nico.
Tumayo ako saka nagpunta sa banyo. Naligo muna ako bago nagsepilyo. Pagtapos ay lumabas na ako at sinuot ang rashguard na dala ko saka nagsuot din ng cycling.
Napatingin ako bigla sa bintana saka napalapit duon. Tinignan ko ang magandang view ng dagat saka napangiti. Grabe, ganito kaganda ang dagat nila Kevin. Sana all ganito kayaman. Pag ako naging mayaman gusto ko magkaron ako ng ganto---
Napasinghap ako sa biglang yumakap sa'kin sa likod. Sa tibok pa lang ng puso ko ay alam ko nang si Kevin yun. Haharap sana ako sakanya kaso hindi nya ako hinayaan.
"A-Anong--"
"Let's stay like this for a while." Sambit nya.
Napangiti ako saka sinandal ang likod ko sa dibdib nya. Pinagsalikop nya ang kamay namin na nasa tyan ko. Ramdam ko ang hininga nya sa tenga ko dahilan para tumaas ang balahibo ko sa batok.
"I hope we can be like this.. forever." Bulong nya.
Napangiti ako ng malungkot. "I hope so too.." bulong ko saka humarap sakanya. Sinukbit ko ang braso ko sa balikat nya saka malungkot syang tinignan. "Uuwi na tayo mamaya.." malungkot na sambit ko.
Napabuntong-hininga sya saka niyakap ang dalawang braso sa likod ko at hinapit ako palapit. "Times up na tayo.." malungkot na bulong nya.
Hinawakan ko ang pisngi nya. "It's okay, wala namang magbabago sa'tin eh." Ngiti ko.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Novela JuvenilWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...