|•8•|: Confession

63 5 1
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"I like you." Deretsong sabi ko.

Ackkkkk ba't ko sinabi yun?! Bobo ka Yana! Bobo! Bobo!

Nakita ko ang gulat sa mukha nya kaya yumuko na lang ako. Argh! Bakit ko ba sinabi yun?! Tanga ka talaga Yana!

"W-What?" Dinig kong gulat na sabi ni Nico.

Huminga muna ako ng malalim bago nag-angat ng tingin sakanya. "I-I like you, Nico. Matagal na." Pag-amin ko at yumuko ulit. "I'm not afraid of you rejecting me, kasi ako naman may gusto nito. Ginusto kong umamin sayo." Saka ako bumuntong-hininga. "There's no point in lying my feelings for you anyway." Nag-angat ako ng tingin. "D-Do you l-like me too?" Tanong ko.

Oo na! Desperada na kung desperada pero gusto kong malaman ang isasagot nya. Malay mo diba?---- Well eto na naman ako susugal sa hindi sigurado--- pero malay mo hehe.

Tumingin si Nico ng seryoso sa'kin. Hindi ko alam kung bakit sya naging seryoso sa sandaling iyon. May mali ba sa sinabi ko? Tahimik na tanong ko sa sarili.

Bobo, diba nga umamin ka tapos tinanong mo sya ng, "Do you like me too?" Mali lahat ng sinabi mo gaga! sagot ng utak ko.

Aish!!! Bakit ba kasi ang straight forward kong tao?! Nakakainis naman oh!

"I don't like you." Diretsong sagot nya din kaya napanganga ako.

'I don't like you.'

'I don't like you.'

'I don't like you.'

Awtsuu!! Yung puso ko parang pinunit ng paulit-ulit sa sinagot nya. Yumuko ako dahil sa kahihiyan, boba ka kasi! Bakit ba umamin ka?! Mabilis na nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Parang sirang plaka na paulit-ulit sa pandinig ko yung sinabi nya.

'I don't like you.'

'I don't like you.'

Tanga ka kasi Yana! Tanga! Tanga! Sabi ng utak ko.

Pasimple kong pinunasan ang luha ko at saka ngumiti at nag-angat ng tingin. Yung totoo?! Mukha akong tanga ah! Kanina umiiyak tas ngayon ngumingiti? Bipolar ka GhoRl?

"Mmmm, o-okay." Sagot ko.

Huminga sya ng malalim bago tumayo. "Sige, nice talking to you, Yana. Mauna na ako." Blangkong expresyon na sabi nya.

Tumayo din ako at ngumiti ulit. "B-But, even though y-you rejected me, please be aware that I won't g-give up on you." Nakangiting malungkot na sabi ko.

Tinignan nya lang ako ng blangko bago umakyat habang hawak yung bag nya. Napaupo na lang ako dahil sa panghihina ng tuhod. Finally! Nakilala na ako ni Crush bilang ako. Pero yun nga lang hindi nya ako gusto.

'I don't like you.'

'I don't like you.'

'I don't like you.'

Ugh!!! Bakit ba kasi kailangan paulit-ulit yun sa utak ko?! Letche! Wala kang kwenta brain! Wala! Pati ikaw bibig! Letche ka ba't ba ang straight forward mo?! Bwisit!

"You okay?"

Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Si Nicole pala, may dala syang tray na may laman ng juice at cake. Malungkot syang nakatingin sa'kin bago ibinaba ang tray sa center table.

"Oo naman." Sagot ko at pilit na ngumiti.

"I know you're not." Sagot nya at bumuntong-hininga. "Sorry for what my brother said, gano'n lang talaga 'yun." Malungkot na sabi nya.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now