Ariyana Caliya Nishiuchi
Pumasok ako sa kwarto ni Vynn at nakita syang nag-susuklay ng buhok sa vanity table nya. Tatlong araw na ang nakalipas nang magsimula ang school fest. Ngayon ay Friday na at last day na ng school fest. Lagi ko namang kasama si Nico. Sa dumaang araw, naging masaya kaming dalawa at naging close din. Ang banda nga pala nila ang nanalo sa battle of the bands at ngayong araw, buong araw sila tutugtog.
May oras naman na ako ang kakanta. Kumbaga pag ako kumanta, pahinga muna nila sa pagtugtog. Mga dalawang oras din ako na puro kanta kaya may oras sila ng pahinga.
In short, ako ang pahinga ni Nico.
Sa sobrang saya ko nang nagdaang araw, nakalimutan ko nang dapat pala sasamahan ko si Vynn sa gala nila ni Asha nung monday. Pero hindi ko nagawa dahil hindi ko din napansin ang oras nu'n at nakalimutan ko.
Ngayon ko lang makakausap si Vynn about dun sa napangako ko sakanya dahil sa school din ako natulog nang nagdaang araw. May part kasi ng school na malawak at pwedeng camping site. Du'n kami natulog magkakaibigan. Si daddy ang kumuha ng gamit namin ni Yuan at sya rin ang naghatid nu'n sa school. Ganu'n din ang ginawa ng daddy ni Ashi at Tristal. Si Leo, Lucas at Nico naman ay umuwi para kunin ang gamit nila. Si Nicole naman ay nagpasabay na rin ng kuha ng gamit kay Nico.
Sa isang tent kami magkatabi ni Ashi. Si Tal at Nic naman sa isang tent din. Gano'n din si Lucas at Leo. Si Yuan at Nico magkatabi din nu'n sa isang tent. Ang saya dahil nakapaikot ang apat na tent at pag gabi, kumakanta muna kami sa bonfire na nasa gitna ng nakapaikot naming tent at nagkwe-kwentuhan.
"Vynn.." sabi ko.
Tinignan nya ako sa salamin nya kapagkuwanan ay umirap sya. Jusko, itong batang 'to ang Attitude ah.
"'Wag mo 'kong irapan." Inis na sabi ko saka inirapan din sya.
Kung ma-attitude sya, ma-attitude din ako. Ano akala nya sa'kin? Magpapatalo? Huh! She wish!
"What do you want?!" Inis na sigaw nya.
"Aba! Sinisigawan mo na ako ngayon?! Hoy Vynn, hindi porket hindi ko natupad pangako ko na sasamahan ka nung isang araw eh hahayaan na kitang sagut-sagutin ako. FYI, ate mo pa rin ako kaya wala kang karapatan." Inis na sabi ko saka pinandilatan sya.
Napayuko naman sya kapagkuwanan ay umirap din saka tahimik na pinagpatuloy ang pag-susuklay nya.
Bumuntong-hininga ako umupo sa kama nya. Bale kaharap ko yung likod nya ngayon. "I'm sorry, hindi ko natupad pangako ko sayo na sasamahan ka nung monday. Nakalimutan ko eh. I was just having fun. I'm sorry.." sinserong sabi ko.
Humugot sya ng malalim na hininga saka humarap sa'kin. "Yes, ate, I'm mad. Nakalimutan mo kasi eh. You always keep your promises kaya nagtampo ako ngayon kasi ngayon mo lang hindi tinupad ang pangako mo." Sambit nya. "Tell me ate, ganoon ba kaimportante at kasaya ang nangyari nung Monday kaya nakalimutan mong sasamahan mo pala ako?" Tanong nya.
Magiliw agad akong ngumiti. "Sobrang saya!" Masayang sabi ko saka bumulong. "It's like me and Nico had a date." Kinikilig na sabi ko.
Agad na bumalatay ang gulat sa mukha nya. "For real?!" Nakangangang tanong nya habang gulat na gulat.
Tumango-tango ako. "Oh yes! Sobrang saya." Tuwang-tuwa na sabi ko.
"OMG!! YIEEEEE!!! Mag-kwento ka naman!" Kinikilig na sabi nya.
*BEEP!* *BEEP!*
"Oh I'll tell you, but not now. Kailangan ko nang pumuntang school, nanjan na sundo ko eh. Ba-bye my dear sister!" Natatawang sabi ko saka tumakbo pababa.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...