Ariyana Caliya Nishiuchi
You know what it feels like feeling a different level of pain in your life? And because of that pain, you're feeling numb, all of a sudden. That's what I'm feeling right now.
Umiiyak. Nakatulala. Namamanhid. Parang bato.
"Liya.." rinig ko ang malumanay na boses ni Ashi.
I never felt this kind of pain in my entire life before. Yung parang sinisira ka. That's what I'm feeling right now, parang pinupunit ng paulit-ulit ang puso ko. Winawarak, hanggang sa wala ka nang maramdaman.
I never realize that hurting Kevin would be this painful. Mas masakit, mas para akong sinisira.
"Liya, kumain ka na naman oh. Ilang araw ka nang hindi kumakain, baka mamayat ka na nyan, sige ka." Biro ni Ashi pero nanatili akong nakatulala.
Naaninag ko namang lumapit si Yuan sa'kin. "Ari, you need to eat. Tatlong araw ka nang hindi kumakain. Come on, Ari, you're not this weak. Wag mong hayaang ganituhin ka nila, you're strong and brave, right?" Pagkumbinsi sa'kin ni Yuan.
But still, I remained silent.
Dinig ko ang pabuga ng hininga ni Ashi na para bang naiinis na sya. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa ugali ko diba? Kaya nga ako iniiwan eh. Boom nagdrama. Lumapit sya sa'kin at umupo sa harap ko. Tinignan ko lang sya ng walang emosyon habang ang kanyang mukha ay seryoso.
"Ariyana, hindi porket sinaktan ka ay papabayaan mo na din ang sarili mo---"
"Hapon, wag mo munang pilitin--"
"Hinde! Manahimik ka d'yan, Yuan! Ilang beses na natin 'tong pinagbigyan, napupuno na ako!" Inis na sigaw ni Ashi sa kasintahan saka tumingin sa'kin at hindi ko inaasahan ang sunod ginawa nya.
SINAMPAL NYA AKO!!!
Solid.
"Aray!!!! Amp*ta masakit!!" Reklamo ko.
"Ayan, punyeta ka kumain ka na! Hindi porket brokenhearted ka eh papabayaan mo na 'yang sarili mo. Sampalin kaya kita?!" Inis na aniya.
Sinampal mo na nga eh.
Tinignan ko sya ng masama. "Eh sa ayoko ngang kumain eh! Wala nga akong gana kaya pwede ba," inis akong umayos ng upo. "Wag mo akong pilitin! Sungalngalin kita d'yan!"
Pinantayan nya ang tingin ko. "Napaka-arte mo kase! Pwede ka namang mag-drama pagtapos kumain, kinangina! Kumain ka muna at ayusin mo ang sarili mo dahil hindi mo ikakayaman 'yang pagdadrama mo! Bwisit!" Sigaw nya.
Ang harsh talaga ng babaeng 'to.
Napanguso ako. "Bawal bang mag-emote muna ako kasi brokenhearted ako?" Tanong ko.
"Pwede ka namang mag-emote," saka sya napabuntong-hininga. "Pero kumain ka muna para may energy ka, tatlong araw ka nang hindi kumakain eh." Sagot nya saka umalis sa kama ko.
Napabuntong-hininga na lang ako bago nakangusong tumayo. Sabagay, may point sya. Puro page-emo na lang din ginagawa ko eh, nakakapagod din.
"Oh ano? Tara na, kumain na tayo." Hila nya sa'kin.
Tumingin ako kay Yuan na hindi makapaniwalang nakatingin sa'min. Siguro hindi nya inaasahang ganun ka-savage ang girlfriend nya. Psh, masanay na sya. Jinowa nya ba naman ang Reyna ng mga babaeng walang filter ang bibig at savage.
Nang makababa kami ay hinila agad ako ni Ashi sa kusina. Agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ng aroma ng pagkain. Mukhang masarap! Ilang araw din akong hindi kumain kasabay sila. Akala nila Ashi ay hindi ako kumakain nitong mga nagdaang araw. Pero hindi nila alam, kumakain ako tuwing gabi, pag tulog na sila.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...