|•54•|: College plans

22 2 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"Tanong ko lang ulit, Ari, ah. Bakit nga ba tayo nag-eroplano papunta rito?" Clueless na tanong ni Makoy sa'kin.

Natawa ako habang inaayos ang gamit ko. Uuwi na kami sa monday at dalawang araw na lang kami dito. Bukas ang last day namin at mamayang gabi ang last night.

Natatawa akong nagkibit-balikat. "Malay ko rin eh, gusto kasi nila Ashi." Sagot ko.

Nakita ko ang pag-irap nya kaya natawa ako. Ang bakla talaga neto. "Grabe, nung nag Palawan kayo nila Kevin, naka-kotse lang kayo. Tapos, ngayong nag Batanes tayo, naka-eroplano. Yung totoo? Nasaan utak ng mga kaibigan mo, Ariyana?!" Naasar na tanong nya.

Dun ako humagalakpak sa tawa. Hindi ko din alam kung bakit kami nag-eroplano papunta dito, habang papunta sa Island nila Kevin sa Palawan eh nag-kotse lang kami. Kung tutuusin mas malayo ang Palawan keysa sa Batanes, haha.

Na-i-kwento ko kasi kay Makoy yung nangyari diba? Detelyado yon kaya alam nya lahat lahat. Including yung nangyari sa isla nila Kevin, na sa Palawan pala.

"Grabe ka naman. Hoy, hindi porket matalino ka gaganonin mo na kaibigan ko." Natatawang pag-bawal ko. "At isa pa, weird talaga kaming lahat mag-plano. Pag trip namin mag-eroplano, mage-eroplano kami. Pag trip naming mag-road trip, magr-road trip kami--"

"Ah, so, trip nyo lang mag-eroplano, Pinagod nyo pa 'ko? Ang galing ano, ang bait nyo talaga." Sarkastikong sabi nya dahilan para matawa ako ng malakas.

Inayos ko na ang gamit sa bagahe ko saka nilagay lang yun sa gilid. Pabagsak akong humiga sa tabi ng kama ni Makoy kung saan natulog kagabi si Yuan. Tumingin ako sakanya saka napangalumbaba.

"Gano'n talaga, my friends are weird." Natatawang sabi ko.

Inirapan nya 'ko. "Whatever." Aniya saka umupo na lang. "What's your plan in college, by the way?" Biglang tanong nya. "May usapan kayo ng mama mo na hindi ka na nila bibigyan ng pera pag dating mo sa college, diba?"

Tumango ako habang iniisip ang usapan namin ni mama. Sila mama ang nagbayad ng condo ko at silanna din sa tuition ko, pero kailangan ko nang matutong magtrabaho para sa groceries and para na din sa mga gamit ko. Gawa na naman ang condo ko, may kotse na din ako, sa tingin ko naman hindi ako mahihirapan humanap ng part time job.

"Saan ka magtatrabaho?" Tanong nya.

I shrugged. "Siguro sa mga cafe na lang o kaya sa mga fast food chains. I don't know. Magw-waitress na lang siguro ako." Sagot ko.

Nagsalubong ang kilay nya. "Waitress?"

"Oo, sa Jollibee o kaya sa McDo. Kung hindi, sa Dunkin Donuts na lang." Nakangiting sabi ko.

"Bakit waitress?" Takang tanong nya.

"Pake mo? Gusto ko eh." Mataray na sagot ko saka inirapan sya.

Umiling sya na parang hindi makapaniwala. "Kung gusto mo naman pala, edi sa café shop ka na lang ni ate Zia. Kulang sila ng waitress don---"

"May shop si ate Zi?!!" Gulat na tanong ko at napaupo sa kama.

Kumunot ang noo nya. "Oo, hindi mo ba alam? Halos lagi ngang nandoon si Cadler ah." Takang sagot nya.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Lagot ka saken mamaya kuya! Buset, hindi man lang sinabi sa'kin na may café shop pala si ate Zia.

Naging interesado ako bigla kaya umayos ako ng upo at tinignan sya. "Saan yon? Magkano sweldo?" Tanong ko agad.

Natawa sya. "Hindi ko alam, pero kung interesado ka, I'll tell ate Zi. Sigurado naman akong matatanggap ka dahil sa kasipagan mo." Aniya.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now