Ariyana Caliya Nishiuchi
"Kevin, how are you?" Nakangiting tanong ko.
Gulat pa din sya. Para bang may nakita syang multo. Sa ganda kong 'to? Multo? Pasimple akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang taksil!
Taksil ka, heart! Taksil!
Pareho pa din silang gulat ni Anie. At dahil gulat sila ay ngayon lang nag-sink in sa utak ko na nandito sa condo ni Anie si Kevin. Pati ang pagtawag nya ng Anie-baby kay Anie, ngayon ko lang napansin.
Oh, napansin ko lang, walang malisya yun.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sakanila. Anie's wearing pajamas, while Kevin... He's wearing a white sando with his pajamas on. Lihim akong natawa. Wow ang cute---
Ops! Naka-move on ka na, Ariyana. Paalala ng utak ko.
Napailing na Lang ako bago ngumiti sakanila. "Wala naman siguro akong naistorbo, 'no?" Plit na biro ko, para naman hindi awkward diba?
Wow, nag-joke si Ariyana!
Nanatili pa din silang ganun ang reaksyon na ikinangiwi ko. Gandang ganda ba sila sa'kin? Napailing na lang ako ulit bago muling ngumiti ng malapad.
"Anyways, kung ayaw nyo akong kausapin. Osya, sige, bahala kayo." Natatawang sabi ko saka tumingin kay Anie. "I just came here because the gang wants to go on a trip. Batanes daw tayo sa makalawa, and kasama kayo nina Rysii. Dahil kaibigan namin kayo, of course, Haha. It's, ahm, I think a welcome home party for us? Yeah, sila Cole nag-aya. Kaya, sama kayo, ha?" Nakangiting sabi ko saka sinulyapan si Kevin. "Don't worry, wala kayong gastos. The flight is on me and the foods, house and everything is on Nicole. If want nyo ng update, basa na lang kayo sa group chat natin." Shit! Ang hirap ngumiti ha.
Nang hindi sila pareho sumagot ay tinapik ko na lang ang balikat ni Anie saka nakangiting tinanguan si Kevin kahit na sobrang nangangarera na yung puso ko sa dibdib ko. Konti na lang lumabas na sya sa ribcage ko eh.
"So, kung ayaw nyo talaga magsalita. Aalis na lang ako, yun lang naman talaga ang pinunta ko dito." Biro ko saka natawa kunwari ng mahina. "Anyways, sige na, sorry sa istorbo. Basta sama kayo ah? By the way, I live here. Kung may questions kayo, dun lang yung room ko." Turo ko sa pangatlo sa dulong pinto nitong hallway ng floor. "Room 501, good night." Paalam ko saka tumalikod agad.
Halos lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa pinto ng condo ko. Pumasok ako agad at sinarado ang pinto. Kapagkuwanan ay napasandal ako dito saka napasapo sa dibdib ko.
"Okay ka lang, heart. Okay ka lang." Bulong ko saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Nang hindi kumalma ay dumeretso ako sa kusina at kumuha ng baso saka ito nilagyan ng tubig. Dire-diretso lang ang inom ko hanggang sa naubos ko na ang isang pitcher.
Pero hindi pa din ako kumakalma!
Nasapo ko ang noo ko saka napailing na lang bago dumeretso sa isa ko pang ref at kumuha ng ice cream. Dalawa kasi ang ref ko; yung isa, pang-pagkain talaga. Para sa luto, ganyan. Para sa karne. Habang yung isa naman ay puro ice cream, chocolate, chocolate drinks, sweets at kung ano ano pang matatamis ang laman. (Pero karamihan talaga Ice cream.) Kumuha ako ng isang solo pack na cookies and cream bago lumabas ng kusina at dumeretso sa living room.
"Calvin! Calvin come down, baby!" Sigaw ko.
Matalino naman si Calvin kaya for sure, naririnig nya ako. Huminga ako ng malalim bago sinandal ang likod sa sandalan nitong sofa saka binuksan ang TV. Nawala bigla ang antok ko dahil sa letcheng pagtibok nitong puso ko.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Novela JuvenilWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...