|•30•|: Drunk Ariyana

50 4 0
                                    

Ashikira Yamaha

"Hoy bakla." Tawag ko kay Yuan na nakatulala sa'kin.

Baklang bakla talaga.

"Hoy! Ano, tititigan mo na lang ako?" Tanong ko pero nanatili syang tahimik.

Ano bang problema ng baklang 'to qt parang tangang titig na titig sa'kin? Psh, bakit nga ulet ako nagkagusto sa lalaking 'to?

"Sige, pag hindi ka pa nagsalita kukutusan----"

"Ang ganda mo." Biglang sabi nya.

Ramdam ko ang biglaang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi nya. Putek! Natigilan ako at parang natulos sa kinatatayuan ko.

Bwisit, ang korni.

Biglang natawa si bakla dahilan para masama ko syang tignan. Pagtawanan daw ba 'ko?! Kutusan ko kaya 'tong baklang 'to, bwiset eh.

Binatukan ko agad sya. "Aray!" Reklamo nya.

"Depungal ka! Wag mo nga akong pagtawanan, bwisit ka!" Inis na sabi ko.

Natawa sya at bigla akong hinapit palapit sakanya. Ramdam ko ang elektrisidad na dumaloy mula hintuturo hanggang sa buong katawan. Nahugot ko ang hininga ko habang nakatingin sa gwapo nyang mukha. Bwisit! Ang gwapong bakla nito!

"Pero seryoso, ang ganda mo." Nakangiti munit seryosong sabi nya.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. "S-Salamat." Nahihiyang sabi ko.

"Tara, may ipapakita ako sayo." Bulong nya at naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko sa ilalim ng tubig.

"H-Ha? Lumangoy muna tayo." Pigil ko sakanya.

"Mamaya na, may ipapakita muna ako." Nakangiting aniya saka ako kinindatan.

Naguguluhan man ay tumango na lang ako saka sumunod sakanya. Umahon kami sa dagat saka naglakad palapit sa malaking payong na pinagtatambayan namin kanina ni Liya. Kinuha nya ang t-shirt nya at inabot yun sa'kin.

Kumunot agad ang noo ko. "Anong gagawin ko d'yan?" Tanong ko.

"Ano bang ginagawa sa t-shirt? Diba sinusuot?" Sarkastikong sagot nya.

Napangiwi ako bago sya binatukan. "Eh tanga ka pala eh, ang ibig kong sabihin, bakit ko susuotin 'to? What for?" Kunot-noong tanong ko.

Napabuntong-hininga sya. "Kasi ayokong nakikita ka nilang nakaganyan. Halos kita na buong kaluluwa mo, oh, hindi ka ba nahihiya?!" Inis na sabi nya saka lumapit sa tenga ko. "At ayokong nakikita nila kung gaano ka kaganda dahil akin ka, gets?" Seryosong bulong nya dahilan para mapalunok ako.

Bwisit 'tong baklang 'to, nakakakilig bumanat amputek!

Napatango na lang ako bigla saka sya tinulak palayo sa'kin. Natatawa naman nya akong tinignan at pabiro ko syang inirapan. Sinuot ko yung malaking t-shirt nya saka napatingin sakanya.

"Okay na?" Sarkastikong tanong ko.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Bakla talaga! "Pwede na." Sagot nya saka hinawakan ang kamay ko. "Tara, dun tayo." Turo nya sa left side ng beach.

Hinila nya ako patungo sa kung saan man at wala akong nagawa kung 'di ay magpatianod na lamang. Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa baklang 'to. As far as I remember, naiinis ako sakanya, but somehow, hindi din nabubuo ang araw ko nang wala sya.

Naalala ko pa kung paano sya umamin. Hahaha gagi nagulat ako nun. Parang nabakla ako bigla kahit babae ako hahaha!

|•Flashback•|

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now