Ariyana Caliya Nishiuchi
"Here, tikman mo." Sambit ko at inabot ang isang slice ng cake kay Ashi.
Tinanggap nya iyon at tinikman. Napatango-tango sya. "Mm, sarap!" Masiglang aniya saka nilantakan iyon.
Nilagyan ko ng powder ng kape ang ibabaw ng dalgona coffee na ginawa ko for the finishing touches saka ko iyon inilagay sa tabi ng platito ni Ashi.
"Ayan, tikman mo kung okay." Nakangiting sabi ko saka umupo sa harap nya.
Tinikman nya iyon saka sya napapikit na parang sarap na sarap sya. "Ang sarap! Grabe, girl, pwede ka nang mag-café!" Puri nya.
"Salamat.." ngiting sabi ko saka sinimulang lantakan ang cake na gawa ko.
Kasalukuyan kaming nasa kitchen ngayon. Wala naman kasi kaming ginagawa kaya naisipan kong gumawa na lang ng cake. Sariling recipe ko ang ginamit ko. Syempre para kompleto ang meryenda ay sinamahan ko na din ng Dalgona coffee. Kaya heto, sarap na sarap si Ashi.
Ngayon ko lang din napansin na pati pala ang mga maids namin ay wala. Wala din si yaya Lita na mayordoma ng bahay namin. Oha, mayordoma na sya ngayon.
Usually kasi diba tawag sa mayordoma ng bahay ay 'manang' eh ayaw daw ni yaya Lita ng ganun. Mas gusto nya daw ang 'yaya' dahil nakakabata daw.
Sosyal si Yaya.
"Oo nga pala, kamusta na kayo ni Kevin?" Pagbasag ni Ashi sa katahimikan. "Ay joke, maling tanong. Ano na pala kayo ni Kevin? Kayo pa din ba?" Pag-iintriga nya.
Nginiwian ko sya. "Alam mo ang chismosa mo." Natatawang sambit ko.
Mahina syang natawa. "Syempre. Minsan na nga lang kita intrigahin eh." Aniya. "So ano nga? Ano na kayo ni Kevin? Kayo pa?" Ulit nya.
Napabuntong-hininga ako nang maalala si Kevin. Alam ko, may mali ako. I'm giving him false hopes. Pero, naguguluhan din kasi ako eh. I don't know what I feel for him. I can't name it. I mean, if I really love Nico, then there's something more for what I feel for Kevin. Kasi kung ako ang tatanungin, ang wirdong nararamdaman ko para kay Kev ay mas wirdo kesa sa nararamdaman ko kay Nico. Kung mahal ko na talaga si Nico, eh ano yung nararamdaman ko kay Kevin if the highest feeling of like is love?
I need to name this feeling of mine. Kailangan mapangalanan ko na ito bago pa mahuli ang lahat. Pero alam ko din na may mali ako. I'm aware of my doings. Maling-mali ako sa parteng binibigyan ko si Kev ng motibo kahit na hindi pa ako sigurado.
"Oh ano? Tatanga ka na lang d'yan?" Boses ni Ashi ang pumukaw sa'kin.
Napabuntong-hininga muli ako. "Wala na kami." Naiiling na sabi ko. "Pero naipakilala ko na sya kila Papa."
Nanlaki ang mata nya. "Legit?!" Gulat na tanong nya.
Tumango ako. "Yes, pero hindi ko narinig ang usapan nila dahil inutusan ako nun ni papa. Sinabi lang sa'kin ni Kevin na ang sabi nya daw kay papa ay 'manliligaw' ko daw sya." Sambit ko.
Hindi na ako nagulat nang bigla syang tumili. Napailing na lang ako bago muling binalingan ang pagkain ko. Ang sarap talaga ng cake pero mas bet ko ang ice cream. My favorite desert! And also my comfort food.
"Omg!!!!!" Tili nya at biglang natigilan. Taka ko lang syang tinignan habang nakatingin din sya sa'kin at nakakunot ang noo. "Teka nga, kung ganon naman pala eh bakit hindi nyo na lang tinuloy ang pagiging kayo?" Tanong nya.
I looked at her flatly. "Alam mo naman siguro ang kasunduan namin nung birthday nya diba? Hanggang dun lang yun. Kung ano man ang nangyari sa isla, mananatili yun dun." Sagot ko.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...