Ariyana Caliya Nishiuchi
Mabilis akong pumasok ng bar kung nasaan si Nico. Hindi ko alam kung bakit sya uminom na naman basta bigla na lang sinabi sa'kin ni Nicole na wala daw si Nico sa bahay nila.
Nagtataka nga ako kung bakit lagi ding wala si Nicole sa bahay nila. I mean, sabi nya kanina nang kausap ko sya ay kasama nya daw si Lucas at may ginagawa daw sila kaya ako na lang daw ang sumundo kay Nico.
Tsk. Nakakapanghinala na talaga yung dalawang yun.
Pagpasok ko sa bar, as usual, ang ingay na naman at ang wild. Agad kong hinanap si Nico at natagpuan ko naman agad sya sa bar counter at umiinom ng alak.
Nang makapunta ako sakanya ay agad kong hinila paalis ang bote ng alak na dala nya. "Nico, tama na." Bulong ko.
"Andrea? Ikaw ba yan?" Tanong nya.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Ayokong masaktan dahil alam ko ang patutunguhan nito. I'll cry and my heart will be numb. Sinabihan pa naman ako ni Tito Kairro na wag masasaktan dahil yun ang hindi kakayanin nito.
"Hindi, si Yana 'to, Nico. Let's go.. lasing ka na." Sabi ko.
Lasing syang tumingin sa'kin. "A-Ariyana?"
Ngumiti ako. "I'm here Nico, don't worry. Let's go. Umuwi na tayo." Sambit ko.
Nagulat ako nang bigla nya akong halikan. Sa isang linggong hindi ko pinapansin si Nico dahil sa nararamdaman ko ay ngayon ko lang ulit naramdaman ang labi nya na nakalapat sa labi ko. Pitong araw na hindi ko sya pinapansin kahit na magkatabi lang kami sa room. Mukhang napapansin nya iyon dahil sa ilang beses nya akong sinubukang kausapin pero hindi sya hinahayaan ni Ashi.
Nalalasahan ko ang alak sa bibig nya. I kissed him back hanggang sa maalala kong mali pala 'to. Mali ang ganito.
Humiwalay ako. "Nico, you're drunk---"
"Ariyana *hik!* P-pansinin mo 'ko.." sabi nya.
Agad na bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko. Huminga muna ako ng malalim bago sya nginitian.
"Nico, tara na, umuwi ka na. You're drunk and your sister is looking for yo---"
"I miss you.." bulong nya na ikinatigil ko.
Parang nangangarera ang puso ko sa sobrang bilis. Gusto ko syang sagutin ng i miss you too dahil sa isang linggong hindi ko sya pinapansin ay hindi ko makaila na namiss ko sya. Hindi sya nawala sa isip ko sa mga nakaraang araw.
Huminga muli ako ng malalim. "Nico, you're drunk. Let's go, gabing-gabi na. Hinahanap ka na ng kapatid mo." Sabi ko at inakbay ang braso nya sa balikat ko.
Dahan-dahan ko syang inalalayan paalis ng bar. Pagewang-gewang pa kami habang naglalakad pero pinilit kong ideretso ang lakad namin. Hinihingal na ako dahil sa bigat ni Nico pero push lang. This is for my baby---charot. Ang harot eh 'no?
Habang naglalakad sa parking ay kinapa ko ang susi sa bulsa nya at nang makapa iyon ay kinuha ko ito kaagad. Pinindot ko ang alarm button ng susi nya at nang tumunog ang kotse nya ay agad ko syang hinila papunta duon.
Hinihingal na inayos ko sya ng upo sa passenger seat. Nang maayos ay malalim akong napabuntong-hininga saka sya nilagyan ng seat belt.
Sumakay ako sa driver's seat at napatingin kay Nico. Biglang nilukob ang buong katawan ko nang kaba nang maalalang magda-drive nga pala ulit ako.
"Shit!" Bulong ko habang hawak ang manibela. Huminga muna ako ng malalim. "Okay lang yan, Yana, kaya mo 'to. You drove once and you can drive twice." Bulong ko at ni-start ang makina ng kotse.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...