|•21•|: I'm okay..

36 4 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"Yana, okay ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Tal.

"Mukha ba 'yang okay? Sinabi ko na kasi sayo eh! Kung hindi mo sya pinilit edi sana okay pa sya ngayon!" Sagot naman ni Nicole.

"She deserves to know!" Sambit nya.

"Anong she deserves, she deserves! Gaga! Tingnan mo nangyari sakanya sa kaka-she deserves mong punyeta ka!" Inis na sabi ni Nicole.

"Well, truth hurts." Sagot ni Tal.

"Tss." Sambit ni Cole.

"Kayong dalawa, imbis na i-comfort nyo 'tong kaibigan natin, nag-away pa talaga kayo sa harap nya!" Inis na sabi ng kakarating lang na si Ashi. "Liya oh." Sabi nya at inabot sa'kin ang isang solo pack ng ice cream.

Binigyan nya naman sina Lucas, Leo, Tal at Nicole. Nagpa-deliver kasi sila ng Starbucks at nagpa-grab naman sila ng anim na solo pack. Tag-iisa kami.

"Salamat." Bulong ko at suminghot.

Kasalukuyan kaming nasa rooftop ng bahay nila Tristal ngayon. Buti nga at may bubong yung rooftop nila at may apat na electric fan kaya pwedeng tumambay dito. Kanina kasi habang nakatulala ako sa harap nila Nico ay hinila na agad ako ni Ashi paalis. Tapos sumunod naman sila Nicole, Tristal, Lucas, at Leo. Si Yuan naman ay nag-stay ata sa school.

In short, nag-cut kami ng class.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at sinimulang lantakan ang ice cream na bigay ni Ashi.

"Sa ginawa mong pagpilit kay Yana, tignan mo nangyari, broken hearted ang lola mo!" Sabi ni Nicole.

"Atleast nalaman nya ang totoo. Sabi nga ni Eleven sa Stranger things, friends don't lie." Sabi naman ni Tal saka uminom sa kape nya.

Napailing na lang si Ashikira. "I knew this day would come. Bakit ba kasi bumalik pa 'yang Andrea na 'yan?" Sabi nya.

Lahat kami napatingin kay Nicole na busy sa kakainom ng kape nya. Tumingin sya sa'min. "What?" Tanong nya.

"Alam mo ba na babalik si Andrea?" Tanong ni Ashi sakanya.

Uminom muna sya bago sumagot. "Actually, hindi ko alam. Nito ko lang din nalaman." Sambit nya at kumuha bg ice cream. "Naalala nyo ba nung last na tumawag ako tungkol sa ganap natin sa Sports fest?" Tanong nya, tumango naman kaming lahat. "The day before that day, nalaman namin ni Lucas na nakauwi na si Andrea. We saw her and Nico after class. Nag-uusap sila sa isang restaurant malapit lang sa school." Sabi ni Nicole at tumingin kay Lucas. "Dun lang namin nalaman na umuwi na nga si Andrea." Aniya. "That's why we're always MIA din, iniimbistigahan kasi namin sila Nico." Dagdag nya saka napabuntong-hininga bago uminom ng kape.

Natahimik ako. So that explains kung bakit bothered si Nico this past few days. Yun din ang dahilan kung bakit sya uminom nung gabing dapat kami ang magkasama ni Kevin at.. kung bakit nya nasabi lahat ng nasabi nya nung gabing iyon.

"Sa tingin mo, Cole, mahal pa ni Nico si Andrea?" Tanong ni Tal kay Cole.

Nagkibit-balikat sya. "No one knows." Sagot nya at kumain ng ice cream.

Napabuntong-hininga na lang ako nang biglang sumali si Leo at Lucas sa usapan.

"Hindi naman sila nag-kiss diba?" Tanong ni Lucas.

Binatukan agad sya ni Nicole. "Tanga! Kaya nga umiyak 'tong si Yana eh! Malamang nakita nyang naghahalikan!" Inis na sabi nya.

"Sorry naman, mahal." Pang-aasar ni Lucas.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now