Ariyana Caliya Nishiuchi
Pagdating ko sa lamesa ay marami nang pagkain na nakalahad. Naglaway ang bagang ko ng makita ito. Ugh! I miss Filipino foods.
"Guys tara na, kain na tayoo!!!" Nakangiting anyaya ni Cole saka naupo sa pinaka-dulo ng lamesa.
Umupo na lang ako sa pinakamalapit na upuan sa'kin at hindi inalis ang tingin sa pagkain. Takam na takam na akong kainin iyon kaso ayaw kong maunang kumain. Mamaya pagkamalan pa akong patay gutom eh.
"Wow, sinong naghanda?" Tanong ni Anie habang nakatingin sa mga pagkain.
Nicole giggled. "Me of course, pero humingi ako ng tulong kay mamita, ang care taker at mayordoma ng bahay. Pagtapos namin lutuin 'to ay umalis sya eh, may gagawin daw." Naiiling na sabi nya.
Nagulat ako nang maupo sa tabi ko si Kevin. Gulat lang akong nakatingin sakanya habang ang mukha nya'y seryoso munit kalmado.
"Tsk, sabi nang 'wag marupok eh." Dinig kong bulong ni Makoy sa kabilang gilid ko.
"Okaaaay!! Pray na tayo." Ani Nicole.
Sabay-sabay kaming nag-sign of the cross. "Bless us oh lord, and this thy gifts which we are about to receive. From thy bounty, through Christ our lord, amen." Dasal namin.
"Okay, let's eat na." Nakangiting aya ni Cole.
Tatayo na sana ako para kumuha ng kanin nang biglang tumayo si Kevin saka kinuha ang kanin. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin lang sakanya. Nagulat na lang ako nang lagyan nya ng kanin ang pinggan ko.
"Tsk, tsk, tsk, marupok na naman yan." Dinig kong bulong na naman ni Makoy pero hindi ko sya pinansin.
Nanatili akong nakatingin kay Kevin nang lagyan nya naman ng ulam ang pinggan ko. Nagtataka ako kung bakit ganito sya umasta, samantalang kanina ay nag-walk-out sya sa'kin. Ang gulo nya!
Natapos na syang lagyan ng pagkain ang pinggan ko. "Kumain ka na." Seryosong sabi nya pero hindi tumitingin sa'kin.
Napatingin ako sa pinggan ko nang makita ang pagkain dito. Rice at chicken. Napatingin naman ako sa mangkok na nasa tabi ng pinggan ko. Sinigang.
"S-Salamat." Nahihiyang bulong ko.
Nag-angat ako ng tingin sakanya at ngayon ay ang pagkain nya naman ang inaasikaso nya. Pero nakita ko ang bahagyang pagtango nya na parang sinasabing 'You're welcome'.
Ngayon ko lang napuna na ang tahimik pala ng lahat. Pagtingin ko ay nakatingin na silang lahat sa'min. Siguro, katulad ko ay nagtataka din sila sa ginawa ni Kevin. Nang mapansing nakatingin ako ay halos sabay-sabay silang tumikhim at nag-iwas ng tingin.
Mga baliw
"Oh, baby! Anong gusto mo?"
Nakuha ng atensyon ko ang matinis na boses ni Andrea. Napatingin ako sakanila. Ngayon ay nakangiti na sya kay Nico habang tinatanong kung anong gusto nito.
Nico smiled at her, but I knew it's a fake one. "K-Kahit ano." Sagot nya.
"Okay!" Plastic na ngiti ang ibinigay nya saka inasikaso ito.
Napailing na lang ako bago muling tumingin sa pagkain ko. Nae-excite na ako kumain kasi, bukod sa masarap ito ay si Kevin ang umasikaso.
Errrrrrrrrr! Sabi ko kase naka-move on na ako eh.
Pero, pwede naman sigurong kiligin kahit naka-move on ka na, diba? Ramdam ko ang paghuhurumentado kong puso. Sobrang bilis ng tibok nito na animo'y may karera sa loob.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...