|•10•|: Ten ways to make a man fall in love with you

51 4 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

"Ashi, ilang beses ko bang sasabibin sayo na ayos na nga ako. No need to worry." Nakailang beses na ba akong sabi nyan kay Ashi ngayong araw?

"Ih! Ayaw pa din kita iwan 'no! 'Tsaka pupunta si Yuan, kaya sige iyak ka  lang ulit." Sabi ni Ashi.

Ang kulit talaga nang babaeng 'to. Maayos naman na ako, ayaw pa din akong iwan. Wala naman akong sakit o epidemya pero etong babaeng 'to sinabihan pa si Yuan. Parang mga tanga.

"Ashi, bakit ba sinabi mo pa kay Yuan? Okay na nga ako! Paulet-ulet. Boomerang ka ba?" Naiinis na sabi ko.

Inirapan ako ni Ashi. "No, kahit ilang beses mo pang sabihin na okay ka, hindi ako maniniwala. You're on your depressed mode kaya hindi kita iiwan. Mamaya may gawin ka pang kung ano eh.." aniya.

Inirapan ko din sya. "No, 'wag kang OA Ashikira. Hindi ako magpapakamatay kung yan yung iniisip mo." Nakasimangot na sabi ko at pinunasan ang tumulong luha galing sa mga mata ko.

Ewan ko ba. I have this attitude na pag naaalala ko yung nangyari, kahit feeling ko okay na ako, hindi pa din mapigil yung luha ko sa pagtulo.

Hinubad ni Ashi ang uniform nya at kumuha ng damit galing sa drawer ko. Itong babaeng 'to talaga, ang kapal ng mukha eh.

"Hindi nga ako aalis hangga't hindi ka okay. Kahit ipagtabuyan mo ako ng paulit-ulit, hindi ako aalis. Kanina mo pa sinasabing "okay lang ako" pero tumutulo 'yang luha mo. So, yeah, I will never believe that you're okay." Sabi nya saka pumasok ng banyo.

Napairap na lang ako sa hangin bago tumayo at pinunasan muli ang luha ko. Parang timang talaga 'tong luha ko, ayaw tumigil sa kakatulo. Kinuha ko ang laptop ko at ni-open ang Facebook.

Notifications

Denzel Montano added you as a friend. 1 hr ago.

Psychriss tagged you and 3 others in a post. 1 hr ago.

Janine and 3 others added to their stories. 2 hrs ago.

Amelia Gabriel updated her status. 3 hrs ago.

"You know what, Liya. Your t-shirts fitted me well." Rinig kong sabi ni Ashi kaya nag-angat ako ng tingin sakanya.

She's wearing my over-sized shirts partnered it with a cotton short shorts. Yup, she looks good while wearing it. She looks sexy.

"Yeah, I know. You look good, kahit ganyan lang suot mo." Sabi ko at pinunasan muli ang luha ko.

Punyemas na luha 'to, ayaw talaga patalo!

"Caliya, nasa ibaba si Yuan. Hindi rin 'yon pumasok?" Biglang pasok ni mama sa kwarto ko.

"Ma! Don't you know how to knock?!" Gulat na sabi ko.

Natawa si mama. "Bakit naman ako kakatok pa eh wala naman kayong tinatago ni Ashi diba?" Natatawang sabi ni mama.

"Still ma, you should've knocked." Inis na sabi ko at pinunasan ang luha ko ulit.

Natawa lang si mama. "Anyway, nasa baba si Yuan. Paakyatin ko na ha. I'll make cupcakes for the three of you." Aniya at tumingin kay Ashi. "You look good, Ashi. Baka mas lalong main-love si Yuan nyan." Pang-aasar nya.

Namula naman si Ashi. "Tita!"

Natawa ulit si mama. "I'm just teasing you. Pero ship ko kayo ng pamangkin ko." Aniya at kinindatan si Ashi bago natatawang umalis sa kwarto ko.

Natawa na lang din ako habang nakatingin sa namumulang mukha ni Ashi. "Yan ha, may something pala kayo ni Yuan ha!!" Pang-aasar ko kay Ashi.

Pinandilatan nya naman ako ng mata. "Wala 'no! Ako magkakaro'n ng 'something' sa baklang yun?! No way!"

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now