Ariyana Caliya Nishiuchi
*Tok!* *Tok!* *Tok!*
Napabuntong-hininga na lang ako bago ipagpatuloy ang pagpipintura. Matagal-tagal na din simula nang mag-paint ako, buti na lang at kaya ko pa din.
Ang pini-paint ko ngayon ay isang babae na namamalimos ng atensyon sa isang lalaki. Nakadapa sya saka hawak ang kaliwang kamay ng lalaki. She's begging. Ang nasa atensyon naman ng lalaki ay ang nasa kanang side, kung nasaan ang isang magandang babae.
The girl looks so hopeless. Begging the boy to give her attention and to give her the love she wanted to receive.
Sa likod naman ng nakaluhod na babae ay may isang lalaki na parang pinipilit syang tumayo. A boy who gives her so much attention. A man she didn't even noticed that was there for her. Paying attention at her. Loving her from behind.
Napabuntong-hininga ako bago tignan ang pini-paint ko. Hindi ko maintindihan kung bakit habang ginagawa ko ito ay nasasaktan ako. Hindi ko nga din alam kung bakit ito yung pinintura ko. I mean, madami akong pwedeng i-paint pero saka ko na lang narealize na ito yung nai-paint ko nang makitang patapos na.
Hindi ko na lang pinansin ang narinig kong pagbukas at pagsara ng pinto. Pinagpatuloy ko ang pagp-paint ng color blue sa sky.
"Let me guess, ikaw ang meaning ng painting na yan."
Natigil ako sa pagpipintura dahil sa nagsalita. Agad akong nag-angat ng tingin kay kuya na nakatingin sa painting ko.
Napailing na lang ako bago ito ipinagpatuloy. Tinuro ni kuya ang babaeng nakaluhod kaya napatingin ako dun.
"Ikaw ito, begging for someone's love." Aniya saka tinuro naman ang lalaking nakatayo. "Ito naman si Nico na hindi ka binibigyan ng atensyon--" saka nya tinuro ang babae kung saan nakatingin yung lalaki. "---ito naman yung babaeng dahilan kung bakit nasasaktan ka--" saka nya tinuro ang nasa likod ng babaeng nakaluhod. "---ito naman---teka sino ba 'to?" Tanong nya.
Napailing ako saka pinagpatuloy ang pagp-paint. "Hindi naman kami yan. Wala 'yang kinalaman sa'kin o kay Nico o kahit na kaynino man." Sagot ko saka ito pinagpatuloy.
"Weh?"
Tinignan ko sya ng masama. "Oo nga, wag ka na magtanong." Sagot ko.
"Okay, sabi mo eh." Aniya saka kumuha ng upuan at umupo sa tabi ko. "Eh ang tanong, bakit yan ang nai-pinta mo?"
I was taken a back from his question. Hindi ko din talaga alam kung bakit ito ang nai-paint ko. Napabuntong-hininga ako bago sya nilingon.
"Hindi ko din po alam eh." Sagot ko saka iniba ang usapan. "Bakit nga pala nandito ka? May kailangan ka?" Taas ang isang kilay na tanong ko.
Binatukan nya ako dahilan para mapangiwi ako. Nag-angat ako ng tingin saka sya tinignan ng masama.
"Aray! Ano ba, pupunta ka dito para batukan ako?!" Inis na tanong ko.
Binatukan nya ulit ako. "Wag mo 'kong sagutin!"
"Hindi naman kita pwedeng sagutin kasi kapatid kita! Ayaw ko ng incest!" Sabi ko.
"Aba't pilosopo ka na ah!" Sambit nya. "Wag mo 'kong subukan, Anacali." Banta nya.
Hindi ko naman sya sinusubukan. OA.
Inirapan ko lang sya saka pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko sya pinansin. Bahala ka jan!
"Hay nako, Anacali, bakit nga ba nagpapakatanga ka sa Nico na yan?" Tanong ni kuya pero hindi ko sya pinansin.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...