Ariyana Caliya Nishiuchi
Mabilis akong pumasok sa student council office. Pagkapasok ko ay masama agad ang tingin sa'kin ni Pres.
"You. Are. Super. Late." Madiin na wika nya.
Napakamot naman ako sa ulo ko. Yan kase landi pa Yana! Sabi ng isang bahagi ng utak ko.
"E-Eh.. sorry na Pres, k-kasi eh..." Wala na akong madahilan, buset.
"Since late ka, ikaw ang may pinakamadaming gagawin. Sige na, maupo ka." Sabi nya at minuwestra yung upuan na katabi ni Maggie.
"Girl, bakit ka late." Mahinang bulong ng baklang Maggie sa'kin.
"Mahabang storya. Kwento ko sayo soon." Bulong ko din at nilabas ang pad paper at ballpen ko.
"Let's start." Ani Pres at binigyan kami ng isa-isang papel na may laman---hindi ko alam kung anong laman.
"School Fest na next week, at gipit na tayo sa oras. Lalo na ngayon na nag-decide ang principal at ang board na maglalagay daw ng rides sa ground floor. I already contacted the person who can help us with the rides, and bukas ay pupunta sya para ibigay sa'tin ang kontrata na kailangan permahan ng principal at ng board." Mahabang sabi ni Pres saka tumingin sa'kin. "Since ikaw ang sekretarya ko, ikaw ang gagawa nun. Ikaw ang makikipag-meet sakanya at ikaw na din ang magpapaperma sa board ng kontrata." Sabi nya.
Magpapaperma? I can do that.
"Gusto kong lahat kayo ay may checklist ng gagawin para sa school fest. Lalo ka na." Turo sa'kin ni Pres. "Kailangan mong kunin ang lahat ng pangalan at ideas ng booth ng bawat clubs and also, dapat sa school fest siguraduhin mong kumpleto lahat ng booths. Alam mo na ang rule, hindi ba? Bawal ang booths na may Violence. Yun lang naman ang rule natin pagdating sa booths." Mahabang sabi ni Pres.
Ang dami ko namang gagawin, huhuhu.
Sinulat ko agad lahat ng gagawin ko. Putek, mukhang sobrang busy ko ngayong week ah.
"So, any suggestions for the school fest?" Tanong ni Pres at nagsimula na silang magbigay ng suggestions.
Ang lahat naman ng suggestions na pumasok ay sinusulat---ko. Ang iba kasi ay may dalang laptop at tinatype lang nila. Unlike sa'kin, hands on talaga. Dahil nga secretary ako kailangan hands on ako sa lahat.
**
Pagtapos namin mag-meeting ng halos buong araw ay pinaalis na kami sa SCO ni pres. Sobrannggggg dami kong gagawin. Like; ako ang bahala sa booths, designs sa school fest, check kung okay ang mga rides, makikipag-meet, ako din bahala sa pag-check ng food stalls ng mga HRM students, ako din bahala sa pagpapaperma sa board ng documents para school fest, ako din magc-check sa mga suggestions ng mga students---ako na lahat! Putek, hindi ko nga alam kung anong hahawakan sa dami kong gagawin.
Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa room nang tumunog ang cellphone ko.
Ashi's Calling~~
"Oh? Pabalik na ako sa room." Bungad ko agad.
["Buti naman girl, anyway, may research tayong gagawin kaya kita tinawagan. Don't worry ka-grupo ka namin ni Yuan. Tapos yung defense daw after ng School fest."] Mahabang sabi nya na halos ikanganga ko.
Defense? Research? School fest? Booths? Meeting? Papaperma---ugh! Napahilot na lang ako sa sentido ko. Ang dami kong gagawin! Ughh!!!!!!
"Okay, okay. Sige, dadaan muna ako ng canteen. Hindi pa ako kumakain ng lunch eh." Nanghihinang sabi ko
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...