|•37•|: They left?!

28 2 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

Hinihingal akong tumigil sa gilid ng kalsada. Umupo muna ako sa isang bench duon saka napasandal sa pagod. Wala na akong pera pang-taxi dahil naubos ang pera ko dun sa restaurant. Balak ko sanang mag-jeep kaso piso na lang pera ko.

Lintik kasi si Tyler! Bwisit!

Kinuha ko ang bote ng tubig sa bag ko at tinignan kung may laman pa ito. Napangiwi na lang ako nang makitang ubos ko na ang laman. Lintik! Kanina pa ako naglalakad, pagod na din ang paa ko at masakit na lalamunan ko dahil sa pagod tapos wala pa akong tubig?! Putik!

Sinusumpa talaga kita Tyler Dela Cruz.

Kung saan saan kasi ako dinala ng lintik na Tyler na yun tapos iiwan iwan ako. Napaka nga naman! Kainis!

Gusto ko sanang magpasundo kay Yuan o kay kuya Cad kaso mukhang busy sila parehas. Si Papa naman ay hindi ko matawagan.

Mga lintik!

Napatingala ako sa papalubog na araw. Habang ginagalaw-galaw ang paa ko. Halos buong araw akong naglakad tapos hindi pa din ako nakakarating sa subdivision. Pero, malapit na ko, konting push na lang.

"Kaya natin 'to self." Bulong ko sa sarili saka tumayo.

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsimulang maglakad muli. Tumigil ako saglit at kinuha ang cellphone ko. Napabuntong-hininga na lang ako nang makitang 2% na lang ang battery.

Laking tulong talaga ng cellphone, ano?

Bumuntong-hininga muli ako ng malakas bago ibalik iyon saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Boy you are the reason, the reason to living.. the reason for breathing. You're so wonderful.. and I want you to feel it, 'cause so bad I mean it.. you're the reason for breathing.. so wonderful, yeah, yeah, yeah, yeah.. When the day I said I'm done in the middle of the night when you're fast a sleep my love.. I'm the luckiest girl alive." kanta ko habang patuloy na naglalakad.

Malapit ka na sa subdivision, Yana, konting tiis na lang..

Napangiti ako nang makitang malapit na ako sa subdivision. Lakad-takbo ang ginagawa ko hanggang sa hingalin na naman ako kaya tumigil muna ako saglit.

Hindi ako informed na kailangan ko pa palang mag-marathon dito.

Napatigil ako nang makita ang tatlong lalaki na parang may inaabangan. Malapit sila sa gate ng subdivision namin. Pare-pareho silang naka-itim at mga maskulado.

Anong eme yan? Tambayan nyo na ngayon ang harap ng gate, ganorn?

Medyo nasa tagong parte sila kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi sila sinisita ng guwardya. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang malapit na ako sa gate ay tumingin sa'kin yung isang lalaki at kinalabit ang katabi nya. Ngayon ay tatlo na silang nakatingin sa'kin. Yung dalawa nagbubulungan at yung isa ay matiim ang titig sa'kin.

Oha, gandang ganda sa'kin si koya oh.

Nang makalapit ako sakanila ay ngumiti ako agad. "Hello, good evening po." Bati ko.

Lumapit sa'kin ang isa sakanila. Yung naka-shades. "Ikaw ba si Ariyana Caliya Nishiuchi?" Tanong ni kuya.

Pagabi na nags-shades pa din.

"A-Ahm.." ako ba hinahanap nila? "Y-Yes po, ano hong kailangan nyo sa'kin?" Kinakabahang tanong ko.

Nagsimula nang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba. Nagkatinginan silang tatlo bago ngumiti ng nakakaloko.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now