|•16•|: Kuya Cadler

41 5 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

Pagbaba ko ay tumakbo kaagad ako papuntang parking lot. Nandu'n nga si Mama, Papa, Yuan, Vynn at Vash. Sinalubong ko agad sila mama at papa ng yakap.

"Oh tama na yakapan, pumasok na kayo sa van. Baka naghihintay na yung kuya nyo du'n." Sabi ni Mama.

Unang pumasok si Vynn at si Vash. Sunod naman ako. Napatingin ako kay Papa nang makitang may tinitignan syang masama. Si Mama naman ay nakatingin lang. Taka kong tinignan si Yuan nang makitang tumabi sya sa'kin.

"Sino tinitignan ni mama 'tsaka papa?" Tanong ko sakanya.

"Sino pa? Edi yun oh." Sambit nya saka may tinuro.

Pagtingin ko dun ay lumaki agad ang mata ko. Mabilis akong bumaba saka nagpunta sa tabi ni mama at papa.

"Nico, bakit ka nandito?" Tanong ni Mama kay Nico.

Napatingin sa'kin si Nico. "Sinundan ko ho kasi si Ariyana. Teka kilala nyo ho ako?" Nagtatakang tanong ni Nico.

Nagkatinginan kami ni Mama. Si Papa naman ay tahimik lang sa tabi namin. Oo nga pala, hindi pala alam ni Nico na kilala sya nila mama. You know.. the past.

"Oo, hijo, kilala ka namin. Lagi ka kasing kinukwento sa'min ni Caliya. Hindi ba, anak?" Sagot ni mama saka tinignan ako.

"Pfft." Rinig ko ang bungisngis ni Yuan at Vynn.

Pinandilatan ko ng mata si mama na nginisihan lang ako. Napailing na lang ako at hinarap si Nico.

"A-Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sinundan nga kita. Sa sobrang pagmamadali mo, hindi mo napansin na may kasama ka." Aniya na parang wala pa sa sarili.

"Ayos ka lang ba?" Kunot noong tanong ko.

Tumango lang sya. Pero nabo-bother talaga ako sa itsura nya. Para bang may bumabagabag sakanya. Nilapitan ko sya.

"Ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" Tanong ko.

"W-Wala." Sagot nya saka ngumiti ng pilit. "Sige na, alis na ako. Parang may gagawin pa ata kayong pamilya---"

"No. You'll Stay. Sumama ka sa'min."

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay papa nang sabihin nya 'yon. Seryoso pa ang mukha nya habang sinasabi yon. Napalunok ako saka napatingin kay Nico na gulat din.

"P-Po?" Tanong ni Nico.

"I said, you're coming with us. Gusto mong tagalugin ko pa? Sabi ko sumama ka sa'min." Seryosong sabi ni Papa.

Lumapit ako kay papa saka hinila ang laylayan ng damit nya. "P-Pa, wag na, may gagawin pa ata si Nico." Bulong ko. "Diba Nico?" Tanong ko at pinandilatan si Nico.

"Wala naman po akong gagawin." Ngiti ni Nico.

Napaface-palm na lang ako. Nico is bad at reading signals. Argh! Baka awayin sya ni papa!

"P-Pa baka kasi---"

"Sinabi na nya, wala syang gagawin." Sambit ni papa at tinignan ako ng masama kaya napalunok ako. "Nagrereklamo ka ba?" Matalim na tanong nya.

"H-Hindi po." Sagot ko saka napayuko.

Nakakahiya, pinapahiya ako ni papa sa harap ni Nico. Huhu, lupa kainin mo na 'ko!

"Sige na, umalis na tayo. Baka kanina pa naghihintay 'yong kuya mo." Sabi ni mama.

Sumakay na ako sa van. Dapat ay katabi ko si Yuan pero nang makita ko ay katabi nya na si Vynn at Vash. Pare-pareho silang nakangisi habang nakatingin sa'kin. Sinamaan ko silang lahat ng tingin bago umupo sa likod.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now