Ariyana Caliya Nishiuchi
"Oh? Tapos anong pinag-usapan nyo?" Tanong ni Ashi.
Kasalukuyan kaming nasa garden ngayon. Naging tambayan na naming dalawa 'to ngayon. Ito lang kasi yung tahimik na parte ng school---bukod sa rooftop at library.
"Ayun nga, gusto nya na layuan ko si Nico." Sabi ko at binuksan ang ni-take out namin na pagkain sa canteen.
"Ay ganun? Eh pumayag ka naman ba?" Tanong nya habang binubuksan din ang pagkain nya.
Tinignan ko sya habang nanlalaki ang mata. "Ashikira, malamang hindi! Bakit ko ipagkakatiwala si Nico sa babaeng minsan na syang sinaktan?" Inis na tanong ko at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Ah gano'n? Ayaw mong nasasaktan si Nico pero ayos lang na nasasaktan ka nya?" Inis na sabi nya. "Alam mo, hindi na pagpapaka-martyr tawag d'yan eh. Alam ko tawag d'yan eh.. starts with letter T, sounds like Panga." Aniya at tuluyan nya nang nabuksan ang wrapper ng pagkain nya.
"Grabe naman makapag-wrapper 'tong canteen, ang OA." sabi ko at ayun, nabuksan ko na ang wrapper. Hinalo ko ang kanin at ulam bago sya tinignan. "Ashi, hindi naman pagpapaka-tanga ang tawag du'n. Pino-protektahan ko lang si Nico sa mga taong maaring saktan ulit sya--"
"Yun na nga yun, Liya." Pagputol ni Ashi. "Sa pilit mong paglayo kay Nico sa mga taong pwede syang saktan, ikaw naman ang nasasaktan ngayon. Oh, hindi ba pagpapakatanga yan?" Umiiling na sabi nya.
"Hindi naman ako kayang saktan ni Andrea---"
"Paano ka nakakasiguro?" Tanong nya habang ngumunguya.
"Hindi naman ito ang una naming pagkikita ni Andrea." Sabi ko, mukhang naging interesado sya. "Magkakilala na kami noon pa.." pagsimula ko.
|•Flashback (2 years ago)•|
"Andrea.. please.." kita ko ang pagmamakaawa ni Nico.
Nakaluhod sya habang nagmamakaawa kay Andrea na balikan sya nito. Ang mukha naman ni Andrea ay parang naiinis at naasar.
"Ilang beses ko bang uulitin sayo na ayoko na?! Are you deaf?! Matagal na tayong wala, Nico! So please stop doing this!" Sigaw sakanya ni Andrea.
Nasasaktan ako habang nakatingin sa nagmamakaawang si Nico. Hindi nya deserve ang masigawan at hindi nya deserve magmakaawa sa pagmamahal ng iba. Tanga ba sya?! Nandito naman ako! Tsk!
"Andrea, just one m-more chance, please.." umiiyak na sabi nya.
I wish I can wipe that tear now..
"Ayoko na, Nico. Can't you here me?! I said, AYOKO NA! Hindi na kita mahal!" Sigaw nya.
Kumuyom ang kamao ko. Pinipigilan ko ang sarili na pumunta duon at sampalin si Andrea. Napapikit ako at humugot ng malalim na hininga. Ang sakit sa dibdib na makita kong ganito na si Nico ngayon.
"Baby, please, just one m-more chance.." humikbing aniya.
"Nico, don't.." bulong ko.
"Ugh! Bahala ka jan!" Sigaw nya. "Guards, guards! Paalisin nyo nga 'to!" Sigaw ni Andrea.
Mas lalong kumuyom ang kamao ko at napahigpit ang hawak ko sa punong tinataguan ko nang makita kong pilit inaalis ng dalawang guard si Nico sa kinaluluhudan nya. Umalis na si Andrea at pumasok na sa loob habang si Nico ay pilit pa ding inaalis ng mga guards.
"Bitawan nyo ako!" Sigaw ni Nico at binitawan naman sya.
Padabog syang pumasok sa kotse nya at saka umalis. Pinanood ko lang ang kotse nyang umalis. Napabuntong-hininga ako saka napatingin sa gate ng bahay nila Andrea.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Novela JuvenilWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...