|•51•|: Night of Heartbreaks.

52 3 0
                                    

Ariyana Caliya Nishiuchi

Pang-limang araw na namin dito sa Batanes. At araw-araw ay puro lang kami alis at bisita sa mga tourist spots dito. Marami na kaming napuntahan, katulad ng Basco Lighthouse, Rakuh a Payaman, Mount Iraya, Diura Fishing Village, Tayid Lighthouse at House of Dakay. Lahat iyon ay magaganda lalona ang tamawin sa Mount Iraya. Ngunit ang kumuha talaga ng atensyon ko ay ang mga Lighthouses at House of Dakay. Ang ganda sa mga Lighthouse at ang presko. Lalo na ang Tayid Lighthouse, napakaganda doon.

Nakuha naman ng atensyon ko ang ganda ng House of Dakay. Simple pero maganda. Sobrang ganda. Parang honesty coffee shop ito, ang simple pero ang ganda.

Marami na kaming napuntahan at ngayong araw na ang simula ng pahinga namin. Kung hindi kasi kami umaalis ay nags-swimming naman kami. Panay ang kuha ng litrato nila Tal sa beach at ganoon din si Rysii. Kami naman ay lagi lang nasa loob ng bahay, kung hindi kumakain ay nanonood.

Wala ding araw na hindi ako sinundan ni Kevin. Hindi ko alam pero yun ang pakiramdam ko. Lagi nya din akong pinaghahandaan ng pagkain, at ang dami nya pang effort na ginawa. Halos sa kwarto na lang kami mag-usap ni Makoy dahil laging nakabakod si Kevin sa'kin. Mukha ngang napapansin na ng iba na wala naman talaga kaming relasyon nito. Parang mas maiisip pa nila na may relasyon kami ni Kevin dahil sa pamamakod nya.

Ilang araw na din akong nakikipagplastikan kay Andrea. Pag nandyan si Nico ay todo ngiti sya at laging mabait sa'kin. Pag wala naman ay lagi nya akong tinatarayan at lumalabas ang tunay nya na ugali.

Parang buang ka man 'day.

Ngayon ay nasa dapit dagat kami lahat. Nag-iihaw si Lucas at Nicole duon habang ang iba naman ay nags-swimming sa dagat. Ako naman ay nakahiga sa beach bed habang may suot na shades. Naka-see through top ako at naka-two piece sa loob nito. Pinapanood ko lang sila Ashi na nag-babasaan sa tubig habang iniinom ang juice ko.

"Napapansin ko ang lagi nyong pagsasama ni Kevin, magkaayos na ba kayo?"

Napatingin ako kay Anie na syang nasa tabi ko. Ganoon din ang pwesto nya habang nakatingin lang din kila Ashi. Pero sa tingin ko ay kay Antheo talaga sya nakatingin. Busy sa pag-uusap si Antheo at Kevin. Para bang ang seryoso ng pinag-uusapan nila.

Bumuntong-hininga ako saka tumingin kay Kevin na kausap si Antheo habang ang kalahating katawan ay nasa dagat. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko sakanya.

"Nag-usap na kami," sagot ko saka napabuntong-hininga. "Pero hindi ko pa din alam kung ano itong nararamdaman ko. I still love him, I can feel it. But I don't know what to do anymore. I mean, gusto ko syang patawarin pero ang hirap kalimutan ng nakaraan." Emosyonal kong sabi.

Rinig kong napabuntong-hininga sya. "Naiintindihan kita, mahirap nga naman talaga iyon. Mahirap magpatawad kung binabagabag ka pa din ng nakaraan nyo." Bumuntong-hininga muli sya. "Pero, diba, sabi ng matatanda, ang pagmamahal ay pagpapatawad? Nakikita naman nating lahat na pilit nyang inaayos ang meron kayo. Nage-effort sya. Isn't that enough to make you forgive him?"

Sandali akong natigilan habang rumerehistro sa utak ko ang sinabi ni Anie. Hindi pa nga ba sapat ang ginagawa nya, Ariyana? Hindi pa ba sapat?

"Hindi ko sinasabi sayo 'to para pangunahan ka. Alam kong nahihirapan ka din at wala akong karapatang kwestyonin iyon. Pero, ang sa'kin lang, sana 'wag kang magsisi na hindi mo sya pinatawad kaagad. Dahil alam natin pareho na tulad ng iba, kapag napagod sya, susukuan ka nya at pipilitin na lang na kalimutan ka. Kasi sa nakikita ko, nasasaktan na sya ng sobra sa ginagawa mo." Emosyonal na sabi nya.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa mata ko. Kumikirot ang dibdib ko sa isiping kaya nya akong kalimutan. Hindi pa man nangyayari ay parang pinupunit na ng paulit-ulit ang puso ko sa sakit.

Operation: Make him look back (Operation Book #1)Where stories live. Discover now