Ariyana Caliya Nishiuchi
I smiled. "Rysii.." I whispered.
Gulat syang tumingin kay Anie. "M-magkakilala kayo?" Gulat na tanong nya kay Anie.
Lumapit sa'kin si Aniesha at inakbayan ako. "Yep, she's Kevin's girlfriend." Sambit ni Anie dahilan para manlaki ang mata ko at ni Rysii.
Shit! Hindi pala alam ni Ry na kami ni Kevin.
Gulat syang tumingin sa'kin. "K-Kayo ni Kevin?! Akala ko ba---"
"May ipis!" Kunwaring sabi ko dahila para mapatingin sila pareho sa sahig.
"Saan?!" Tanong nila parehas.
"Ay, lumabas na pala." Sabi ko saka napakamot ng ulo.
"Anyways, Sorry, Ry, si Ari talaga nagpabalik sayo. Since he's my best friend's girlfriend and became my close friend, I helped her na." Pag-iba ni Anie ng usapan. "Tara, pasok ka. Dito ka muna mag-stay, since ayaw mong malaman ng parents mo na nakauwi ka na." Dagdag nya at kinuha ang bagahe ni Rysii.
Nakatingin lang ako kay Rysii na nanunuring nakatingin sa'kin. Napabuntong-hininga ako bago sya akbayan.
"What's the meaning of this, Ariyana? I thought you liked Nico?!" Naiinis na bulong nya.
Napabuntong-hininga akong muli. "I'll tell you later, Ry, sobrang daming nangyari nung nawala ka." Bulong ko pabalik saka ngumiti. "Tara, may ni-bake na cake si Aniesha, kain tayo." Pag-iiba ko ng usapan.
Nang hindi sya gumalaw ay napabuntong-hininga na lang ulit ako. Nanunuri pa din ang tingin nya sa'kin.
Ayaw mo ha.
"Come on, Rysii, hindi ka na nga nag-paramdam ng ilang taon. Hindi mo ba naiisip si Tyler? He'd been looking for you for how many years now." I innocently said.
Lihim akong napangiti nang makita ang mukha nyang biglang nanlamig. Natigilan sya habang an mukha ay nanlalamig. So Tyler still has an effect on her. Napailing na lang ako bago sya hilahin.
Si Tyler lang pala makakapag-patianod dito.
Inupo ko sya sa isang high stool sa kusina. Kumuha ako ng platito at tinidor saka ko ito nilagyan ng cake at ibinigay sa harap nya.
"Eat up, Rysii, I know you're tired and hungry. Ang layo kaya ng Switzerland sa Pilipinas." Biro ko.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Don't play shits on me, Ariyana. Matagal na tayong magkaibigan." Matalim na sabi nya.
I smiled sweetly. "At matagal na din kayong magkarelasyon ni Tyler." Sambit ko at biglang nawala ang emosyon sa mukha ko. I gave her a cold expression. "You left us, Rysii. Hindi ka man lang nagpaalam. Do you know what Tyler had been through when you're gone? He almost lost his sane. Muntik na syang mabaliw sa kakaisip kung nasaan ka, kung ayos ka lang ba, kung--bakit mo sya iniwan." Malamig na sabi ko.
A lone tear escaped her eyes. "I-I'm so sorry.. I never wanted to hurt him, believe me, Ariyana. Kinailangan ko lang gawin yun because my parents needed me. I-I'm so sorry.." hingi nya ng tawad habang humahagulgol.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim habang nakatingin ng matiim sakanya. Unti-unting natunaw ang yelo sa puso ko habang nakikita ang itsura nya. Tinatakpan nya ang mukha nya gamit ang kamay nya habang umiiyak. Napalunok na lang ako. I can't stand seeing her like this.
Ugh! Bakit ba napakahirap sa'kin makita ang mga taong mahal ko na umiiyak?!
Napatingin ako sa nakasandal sa pader na si Aniesha. Napabuntong-hininga na lang din sya habang nakahalukipkip at nakatingin kay Rysii.
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Novela JuvenilWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...