Nico Raze Desuasido
Bumuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa papalayong kotse kung saan nakasakay si Ariyana at ang boyfriend nya daw.
My fist clenched when I remembered what that bastard said. Girlfriend huh? Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa isiping sila na ni Ariyana. I just can't stand seeing them together.
Hindi ko alam kung bakit pag si Ariyana ang kasama ko ay nag-iiba ang tibok ng puso ko. It's fun having her around. It's like, I can be me without anyone's opinion.
I love seeing her cute face, her kinda small height and her adorable smile.. damn, I'll do anything to see that smile of hers again.
But faith has been playing with us. Alam kong madaming rason para magkagusto si Ariyana sa Kevin na 'yon, at ayon ang pinaka-ayokong mangyari. Ang maagaw sya sa'kin ng kahit na sino---lalo na ni Kevin.
Damn you Kevin Willbourge.
Pumasok ako sa loob saka dumeretso sa hagdan. Umakyat agad ako at pumasok sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama saka pinagkatitigan ang kisame ng kwarto ko.
Naalala ko bigla ang mga panaginip ko nitong mga nagdaang araw. I don't know if it's real or not. But it feels like it. Lagi kong napapanaginipan ang dalawang bata---well, obviously, the boy is me when I was a kid, but the girl.. I can't recognize her face. It's always blurry.
Pare-pareho lang ang lagi kong napapanaginipan. Yung dalawang bata 'tsaka yung sumasayaw ako sa bar with a girl. We look so happy in that dream. Ang sinasayaw namin dun ay ang sayaw ng kantang my boo ni Usher.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam Kung panaginip lang ba yon o ano pero mukha talaga syang totoo. Parang totoo lahat. Hindi ko nga lang alam kung sino ang babae sa panaginip ko.
But, one thing's for sure.. the little girl on my dream and the girl I'm dancing with in the bar, are the same. Malakas ang kutob ko na iisa lang ang babaeng iyon. I just needed to find her.
Actually, may conclusion na ako kung sino yung babaeng yun. Ewan ko pero ang naiisip ko ay si Ariyana ang babaeng iyon. Malakas ang kutob ko na sya ang babaeng nasa panaginip ko. Gusto ko syang tanungin but I'm afraid that she'll answer me 'no'.
And, what if it's really just a dream? Baka nananaginip lang talaga ako. Na hindi talaga totoo yun. Na gawa lang iyon ng imahinasyon ko. Pero hindi eh, para talagang totoo ang mga nasa panaginip ko. Ewan ko ba.
Dagdag pa sa isipin ko ang nangyari kanina. Bakit magkakilala si Ariyana at ang mga magulang ko? Bakit mukhang close na close silang tatlo? Anong ibig sabihin ng tanong nila kay Ariyana kanina na hindi ko maintindihan? Bakit tawag ni mom and dad kay Ariyana ay Caliya? Bakit parang sobrang pamilyar ng pangalang iyon? Bakit parang narinig ko na ang pangalan na iyon pero hindi ko matandaan kung saan? Bakit parang nabanggit ko na ang pangalan na iyon ng ilang beses pero hindi ko alam kung kelan?
Ang daming tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung paano ko masasagot lahat. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to?
Bumangon ako saka kinuha ang phone ko. Sinaksak ko ang headset saka naghanap ng music. Napatigil ako sa kantang my boo. Pinindot ko ito saka pinakinggan.
There's always that one person that will always have your heart..
You never see it coming 'cause you're blinded from the start.
Know that you're that one for me, it's clear for everyone to see
Oh baby, ooh (yeah, uh, uh, uh) (you gotta rockaway to this one, c'mon)..You will always be my boo
See, I don't know 'bout y'all, but I know about us and, uh
It's the only way we know how to rock
I don't know 'bout y'all, but I know about us and, uh
It's the only way we know how to rock
YOU ARE READING
Operation: Make him look back (Operation Book #1)
Teen FictionWalang perpektong kwento. Walang perpektong tao. Siguro ang ibang kwento ay may happy ending. Ang storyang ito ay walang pinagkaiba sa mga nababasa nyo. Cliché nga sabi ng iba. Ang storya ng dalawang taong ito ay walang pinagkaiba sa mga storyang na...