Prologue

1.9K 37 2
                                    


Five years ago...

MALALIM na napabuntong-hininga si Amanda habang nakatutok sa sariling repleksiyon sa harap ng salamin habang nilalagyan siya ni Clarissa ng kung anu-anong kolorete sa kanyang mukha.

"Kinakabahan ako, Clarissa." bakas nga sa mukha niya ang pagka-nerbyos na kanina pa napapansin ni Clarissa.

"Huwag kang kabahan. Kaya mo yan, isipin mo malaki ang kikitain mo rito nang isang gabi lang!" Buong loob na sagot ni Clarissa na tila nag-uudyok ito kay Amanda.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Problemadong sagot naman niya.

"Just go with the flow. Kung anong ipagawa nila sayo, gawin mo. Mascarade party naman yun kaya hindi ka nila makikilala."

"Ano?! kahit anong ipagawa nila gagawin ko?!-"

"Huwag kang mag-alala hindi ka nila pahihirapan!" Putol ni Clarissa at napa-hagikgik pa.

"Siguraduhin mo! Wala pa naman akong experience sa ganung bagay." Sabay kagat ng kanyang ibabang labi.

"Palebhasa kasi, hindi mo ine-explore and lovelife mo kaya wala kang sexlife!" Panunukso ni Clarissa. "30 kana Amanda.. Huwag mong sabihin balak mong maging matandang dalaga?"

Malalim na napakunot-noo si Amanda habang tinititigan si Clarissa sa pamamagitan ng kanilang repleksiyon sa salamin. "Wala pa akong panahon sa mga ganyan Clarissa, kailangan kong unahin ang pamilya ko." Kalmadong sinabi niya.

Napailing-iling na lamang si Clarissa. "Haaay as usual, ganyan naman palagi ang priority mo. Well, hindi naman kita masisisi, ganun talaga ang buhay." Matapos nitong lagyan ng make-up si Amanda ay inayos naman ang buhok nito.

Nang akmang tatanggalin ni Clarissa ang seashells bracelet ni Amanda ay nagulat ito.
"Anong gagawin mo?" Amanda asked.

"Tatanggalin ko, makakasira to sa outfit mo ano ka ba."

"Hindi pwede!" She refused. Napakaimportante ng bracelet na iyon sa kanya, kahit gawa lang sa sea shells ay mahalaga ito kay Amanda dahil gawa mismo ito at bigay sa kanya ng ama bago ito namatay nung 18th birthday niya. Mangingisda kasi ito sa kanilang probinsiya sa dati nilang tinitirahan kaya mahilig ito sa mga bagay na mula sa dagat.

"Bahala kana nga, basta good luck sayo, galingan mo." Pahabol pang bulong ni Clarissa matapos siyang halikan sa pesnge.

Si Clarissa ay kasamahan niya sa trabaho bilang janitress, ngunit hindi lang ang pagiging janitress ang trabaho nito sa araw kundi prostitute sa gabi. Matagal na nitong inaalok si Amanda sa ganung trabaho ngunit ayaw na ayaw niya. But from now, without any choice ay napaunlakan niya ang inalok nitong pakikipag-one-night-stand sa isang groom para sa mascarade stag party nito kapalit ng malaking halagang pera. Nagkataon kasing kailangang-kailangan ng pera ni Amanda para sa graduation fees ng kanyang kapatid at kasabay pa nito ang pambayad sa ospital ng kanyang ina.

Halos magkanda-durog-durog na nga si Amanda sa kaliwa't-kanang paghahanap ng kanilang pang-gastos, lalo na't hindi sapat ang kinikita niya sa pagiging janitress sa isang restaurant dahil halos mabaon na siya sa utang doon sa manager at sa iba pa niyang katrabaho. Nakakatandang anak si Amanda, at dahil sa hirap ng buhay ay kinailangan niyang tumayo bilang breadwinner sa kanyang pamilya mula ng yumao ang kanyang ama at magkasakit naman ang kanyang ina. Maski ang pag-aaral sa kolehiyo ay isinakripisyo niya para sa nakababatang kapatid niya na gagraduate na sa susunod na buwan dahil sa pagsusumikap niyang tustusan ang pag-aaral nito.

HALOS manginig ang kamay ni Amanda habang hawak ang card access niya sa isang hotel room kung saan gaganapin ang stag party. Suot niya ang maskara at maiksi at hapit na kulay itim na dress, kahit hindi siya komportable sa mga ito ay wala siyang magawa.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon