BAKAS ang kaligayahan sa mukha ni Roman ng makita ang pagdating ng kanyang unico hijo na si Gabriel.
Dinaluhan ni Gabriel ang ama na nasa labas sa harapan mismo ng kanilang mansyon habang nakaupo sa kanyang wheelchair dahil sa pagka-paralisa ng kalahating katawan nito na bunga ng stroke at sakit sa puso kaya hirap na itong makakilos.
"Pa, I missed you." He muttered when he hugged and planted a peck kiss on his forehead.
"Ang tagal mong hindi umuwi dito sa bahay, hijo." Reklamo ng kanyang ama na may tampo pa sa boses nito.
"Nabusy lang po sa trabaho Papa." Simpleng sagot niya.
"Kumusta naman ang kompanya?" Tanong nito sa mahinang boses.
"Ayos naman ho."
"Oh Gabriel mabuti naman at nandito kana!" Bungad ni Manang Rosa na patungo sa kanila, dala ang isang baso ng tubig at gamot. "Alam mo nung isang araw ka pa palaging hinihintay ng ama mo dahil hindi ka umuuwi, sobrang nag-aalala sayo. Sa kompanya kana naman natulog ano?"
Naagaw ang atensiyon ni Gabriel sa ibinigay nitong gamot sa kanyang ama. "Auntie anong oras na po bakit ngayon niyo lang pinainom ng gamot si Papa?"
"Hay naku! Iwan ko ba diyan kay kuya at ang hirap painumin ng gamot kapag wala ka! Mabuti nga at nandito kana, ikaw na mag-painom." Inabot nito kay Gabriel ang mga gamot at tinanggap naman niya ito.
"Mag-hahanda lang ako ng meryenda niyo." Paalam nito bago pumasok muli sa bahay.
Si Manang Rosa ay nakababatang kapatid ng ama ni Gabriel, byuda na ito at walang anak kaya mula nung inabandona si Gabriel ng kanyang ina ay ito na ang tumayong ina niya at tagapag-alaga sa kanyang ama ng magkasakit ito. Dito ito nakatira sa kanilang mansyon kasama nila.
Hindi nahirapang painumin ng gamot ni Gabriel ang kanyang ama. "Babalik ho ako kaagad sa kompanya Papa. May aasikasuhin pa ako."
Napakunot-noo itong umangat ng tingin sa kanya. "Masyado ka nang naaabala sa trabaho anak. Nakakalimutan mo na ang sarili mo simula ng iniwan ka ni Jeam. Nasa tamang edad na rin, kailan mo ba dadalhin dito sa bahay ang mapapangasawa mo pati ang magiging apo ko?"
"Pa, marami pa akong kailangang asikasuhin sa trabaho."
"Limang taon na ang lumipas, siguro naman kaya mo na ulit maghanap ng bagong pag-ibig anak." Pagpapatuloy pa nito na hindi manlang pinakinggan ang paliwanag ni Gabriel.
Napatungo lamang si Gabriel.
ILANG minutong lang ang itinagal niya sa kanila at bumalik ulit sa kanyang kompanya. Naabutan ni Gabriel si Leon na na nakabuntot nanaman kay Amanda patungo sa cubicle nito, panay ang pakiusap na makipag-meryenda kasama ito.
"Oh pare, nandito kana pala. Ini-invite ko lang mag-meryenda si Amanda ha, hindi kami dito magdi-date huwag kang mag-alala." Pangunang paliwanag ni Leon ngunit kunot-noo lamang ang isinagot ni Gabriel nang mag-deri-deritso ito sa kanyang opisina.
Nagtataka namang bumaling si Leon kay Amanda na ngayo'y nakaupo na, nasa pagitan nila ang lamesa. "Ang sungit ng kaibigan ko Amanda! Nakita mo yun, sinungitan ako!" Sumbong niya rito.
Natawa naman si Amanda. "Ba't ba kasi sinabi mo pa yun." She said while busying herself with some paperworks.
"Masama bang mag-paalam?" He moved closer to her. "Amanda, sabihin mo nga sa akin.. Pinupormahan ka ba ni Gabriel?" Seryoso ngunit bakas ang pag-kainis sa boses nito.
Nagulat naman si Amanda sa tanong nito. "Ano? Hindi ah! Huwag ka ngang maingay Leon baka may makarinig pa sayo diyan kung ano ang isipin." She became comfortable to talk with him since it was his third time of visiting here na nandito rin siya. Masaya kasing kausap si Leon, puno ng sense of humor.
"Baka naman kaya tinatanggihan mo ang mga invitations ko sayo kasi si Gabriel ang gusto mo?" He asks again while smirking.
Amanda laughs. "Ikaw talaga kung anu-ano ang iniisip mo! Sige na sige na pumapayag na ako pero ngayon lang dahil ngayon lang ang bakanteng oras ko."
Leon finally smile. "Talaga?"
"Oo na nga! Saan ba tayo magmemeryenda? Sakto medyo nagugutom ako."
Bago pa man makasagot si Leon at tumunog ang intercom na siyang nagpa-putol sa usapan nila.
"Yes po Sir?" Amanda answered.
"Miss secretary. I have an important meeting right now, you'll come with me." Walang pakundang na sabi ni Gabriel sa kabilang linya at hindi manlang hinintay ang sagot pa ni Amanda.
Leon on the other hand, sighed frustrately. "Panira talaga ng pagkakataon."
Amanda chuckled. "O pano yan, pasensiya na ah? Next time nalang promise."
Napakamot sa ulo si Leon. "Next time ha?" He said before leaving.
Natatawang tumango-tango si Amanda habang nag-hahanda ng kanyang gamit. Na sa totoo lang nagtataka siya dahil hindi niya alam kung sino ang ka-meeting ng kanyang boss, infact she's handling his schedule, at wala namang meeting na magaganap ngayong araw. Ngunit baka nga may ibang schedule ito. Kaya napakibit-balikat na lamang si Amanda at tumayo na. Kasabay nito ang pag-labas ni Gabriel sa kanyang opisina.
Kaagad siyang sumunod dito. Hanggang sa makapasok sila ng elevator. "Uhm, Sir, can I ask... Kasi ho, wala sa schedule niyo na may meeting kayo today." Hindi napigilang tanong niya.
"I know." Tipid lang na sagot nito.
Napakunot-noo na lamang si Amanda. Yun lang yung sagot niya? She asked through her thoughts.
"Sir, saan po yung venue ng meeting niyo?" Tanong niya muli ng marating nila ang parking lot na hindi niya inaasahan.
"Just get in the car." Matabang na sagot nito.
Amanda was about to open the backdoor when Gabriel stops her through holding her wrist and while opening the passenger's seat. "Not at the back. Just get in." He commanded.
Bahagya namang nagulat si Amanda sa ginawa nito. Ang totoo ay medyo kinakabahan siya ng konti sa mga ikinikilos nito. Wala siyang nagawa kundi sundin ito.
❌❌❌❌❌
BINABASA MO ANG
Fate
FanficMeeting you was a fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control. © • • • • • • • MDZ as Amanda Fuentes PRG as Gabriel Antonio Del Fierro