KANINA pa napapansin ni Angela ang pagkatulala ni Amanda mula nang dumating ito kasama ang anak at si Gabriel. Kaya nilapitan niya ito habang tulalang naka-sandal sa kanilang balkonahe.
"Ate, may problema po ba? Kanina pa kayo tulala tsaka hindi ka pa natutulog." Pag-aalala ni Angela.
Amanda took a deep breathe before facing her sister. "Kasi kanina nakita ko sa drawer ni Gabriel yung bracelet, yung parang yung sa akin."
"Ate talaga matagal nang nawala yun inaalala mo pa."
"Hindi Angela, oo nawala na sa isip ko yun pero nung nakita yun mismo kanina parang yung bracelet ko yun... Hindi talaga ako nagkakamali, akin yun."
"O ba't hindi mo hiningi?"
She sighs and looked away.
"Nawala ko kasi yun nung ano... Y-yung kinwento ko sayo kaya nakapam-bayad tayo sa Hospital bills ni Mama, t-tsaka sa graduation fee mo noon..." She looked at her as if she already have the idea.
Nanlaki ang mga mata ni Angela. "So sinasabi mo ba ate, na baka si Gabriel yung nakapulot nun?"
"Oo, iniisip ko na baka kasama si Gabriel sa mga lalaki sa stag party o k-kaya baka nga siya y-yung ano..." Hindi matapos-tapos na sasabihin niya dahil sa sobrang pag-aalangan.
"Na ano?"
"B-baka siya yung..."
Angela widen her eyes as she got what her sister meant. "OMG ate! Ibig mo bang sabihin, baka siya yung lalaking naka one-night-stand mo pero hindi mo nakilala! At siya ang ama ni Art?!" Gulat at halos pasigaw na sambit ni Angela.
"Huwag kang maingay baka marinig ka ni Art!" Saway niya. "Hindi pa naman ako sigurado.. Malay natin baka sa kung saan-saan nga talaga niya napulot."
"Pero ate, hindi na rin naman kasi katakataka... Kahit nung una ko palang nakita si Gabriel lalo na kapag nagkakatabi sila ni Art, para talaga silang mag-ama."
Mariing napatitig sa kanya si Amanda.
"Malay natin... Siya talaga yun, edi hindi kana mahihirapan pa dahil magkakilala na sila ni Art. Tsaka nagkakamabutihan na kayo."
Napahilamos na lamang sa mukha si Amanda. "Kung siya nga yun, paano ko sasabihin sa kanya at sa anak ko na ganun yung trabaho ko..."
"Sus! Kung talagang mahal ka ni Gabriel, matataggap ka niya ate. Kaya hindi na yan issue. Ang kailangan mong malaman ngayon kung siya talaga ang ama ni Art."
"Pano ko naman malalaman ang totoo?"
"Ipa-DNA test mo!"
Amanda glances at her. "Pero mahabang proseso yun diba?"
"Well yun lang naman yung paraan, wala tayong magagawa." Sabay kibit-balikat ni Angela.
NAPUTOL ang pagkatulala ni Gabriel ng ilapag ni Leon ang apat na bote ng beer sa harapan niya, nasa kusina sila ngayon sa bahay ni Leon.

BINABASA MO ANG
Fate
FanfictionMeeting you was a fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control. © • • • • • • • MDZ as Amanda Fuentes PRG as Gabriel Antonio Del Fierro