Chapter 19

1.2K 44 18
                                    

GABRIEL was like a greek God who came out from Mt. Olympus, and oozing of sex appeal, wearing his American suit and sunglasses when he got out of the car infront of Amanda's house this morning.

"Ate! May gwapong bisita ka! Nandito sa labas." Sigaw ni Angela mula sa may pintuan habang paalis na siya para sa eskwela. Nakasalubong niya kasi si Gabriel na kadarating lang.

"Sino ba?" tanong naman ni Amanda na hindi na narinig pa ang sagot ng kapatid dahil nag-paalam na itong umalis. She was at the kitchen and washing the dishes though she's already dressed up for work.

Meanwhile, Gabriel silently enters the house. Arthur got shocked seeing him. "Tito Gabriel?!" Pagkaklaro ni Arthur na tila hindi ito makapaniwala.

Gabriel removes his sunglasses, saka dialuhan ito habang nakaupo sa sofa. "Hey Art, how are you. Where's your mom?" He asked when he kissed his forehead.

"Nasa kusina po."

Napangiti si Gabriel habang ginugulo niya ang buhok nito at hinalikan sa ulo. Saka niya nilakad ng tahimik ang daan patungo sa kusina. He playfully smiles with admiration seeing her body figure, wearing a white sleeveless blouse and tucked in with a black pencil cut skirt that was reaching her thighs. Abala ito sa paghuhugas ng pinggan kaya pasekritong nilapitan niya ito, and he automatically wrapped his hands on her abdomen and planted a soft kiss on her left shoulder.

Amanda was a bit shocked when she felt him. Kaya halos mabitawan niya ang hinuhugasang baso. "Jusko naman Gabriel nakakagulat ka!" Gulat na gulat niyang sambit ng harapin ito. And she was more shocked when he planted a kiss on her lips, he kisses her passionately. Nanlaki ang mga mata ni Amanda ng maalalang nandiyan ang kanyang anak sa sala kaya maiging napabitaw siya at bahagyang itinulak si Gabriel.

"Sandali! Baka makita tayo ni Art!" Saway niya.

Gabriel smiled and glances at their back, way to the livingroom. "Wala hindi niya tayo nakita."

Itinuloy ni Amanda ang paghuhugas habang hinahayaan ang mga kamay ni Gabriel sa kanyang puson.

"Bakit pumunta ka pa dito? Papunta na din naman ako sa kompanya." Now she was finally done, kaya kinalas niya ang mga kamay ni Gabriel para magtungo sa sala.

"Sinusundo kita. Para sabay na tayong pumasok sa trabaho."

"Hindi na kailangan, tsaka hindi ba nakakailang yun sabay tayong papasok sa kompanya mo..."

He holds her hand. "Anong masama kung sabay tayong papasok? Come on Amanda."

"O sige." She sighed. "Nga pala, buti at nandito ka. Kasi ipapaalam ko sana si Art kung pwedeng isama ko sa trabaho kasi walang mag-babantay sa kanya, may sakit si Dory."

"Oo naman! That'll be great." Excited na sagot ni Gabriel.

    

NANG iparada ni Gabriel ang kotse sa parking are ng building ay napahawak si Amanda sa braso niya ng bubuksan na ang pintuan ng kotse. "Gabriel, pwede bang mauna kana pumasok saka kami susunod ni Art."

Habang si Art naman ay manghang-mangha na nakatingala sa matayog na building ng Del Fierro, mula sa tinted na bintana ng kotse.

Gabriel frowns. "Bakit naman hindi kung pwede namang sabay-sabay na tayong pumasok Amanda?"

"Hindi pwede! B-baka kung anong isipin nila na magkasama tayo."

"Edi isipin na nila kung anong gusto nilang isipin. Wala akong pakialam sa kanila." Walang pag-aalangang bumaba ng sasakyan si Gabriel. Kinuha niya si Art mula sa backseat at pinag-buksan ng pintuan si Amanda.

Nag-dadalawang-isip pa si Amanda sa pag-baba dahil nag-aalangan talaga siya sa ganitong sitwasyon. "A-ako na mag-dadala kay Art." She was about to get her son, pero umilag si Gabriel.

"Ako na. Let's go." He glances at Arthur whose still curiously looking up the building. "Are you excited?"

Tumango-tango si Art. "Oo naman po! Tito Gabriel ang laki naman po ng building niyo? Balang araw gusto ko din ng ganyan kalaki na building."

He chuckled as they walk to the intrance, habang si Amanda naman ay hindi komportable na karga-karga pa ni Gabriel ang anak niya kaya nakasunod lang siya sa dalawa.

"Magadang umaga po Boss Gabriel! Ang gwapo naman ho ng batang yan kaano-ano niyo ho ba?" Salubong sa kanila ni Mang Rey, ang security guard sa intrance.

"Anak ni Amanda."

Bakas naman ang pagka-mangha sa ekspresyon ni Mang Rey. "Akala ko ho kamag-anak niyo boss."

Hindi nga nagkakamali si Amanda at halos lahat ng mga taong nandun ay sa kanila naka-pukol ang tingin lalo na kay Gabriel at sa anak niya. Kaya kung pwede lang ay mag-laho nalang siya na parang bula sa mga oras na ito.

"Anak ba yan ni Sir Gabriel?"

"Ang gwapong bata parang anak ni Sir Gabriel!"

"Baka pamangkin!"

"Kung anak yan, ang bilis naman lumaki?"

Iilan lamang iyan sa mga naririnig ni Amanda na bulong-bulungan ng mga tsismosang empleyado. She glances at her side at isang matalim na titig mula kay Nadia ang sumalubong sa kanya. Inirapan ito ni Amanda ng mamalayan ni Amanda na ibinaba ni Gabriel si Arthur sa harapan niya.

Gabriel squatted infront of Art. "Gusto mo bang mamasyal mamaya?"

"Opo Tito Gabriel! Gusto ko po!"

Ginulo niya ang buhok nito, saka hinalikan pa ang noo. "Alright, later after my work." Saka ito tumayo at palihim na kinindatan pa si Amanda bago pumasok sa opisina niya.

   
"OMG, anak mo pala siya Amanda?" Biglang tanong ni Jade, iyong baklang empleyado na madalas makausap ni Amanda.

Napatango-tango naman si Amanda ng lapitan ang kanyang anak.

"Ang gwapong bata nito oh! Akala ko talaga kamag-anak ni Sir Gabriel."

"Sino po kayo?" Kyuryosong tanong ni Art.

Natawa naman si Jade. "Ako lang naman ang pinakamagandang empleyado sa kompanyang ito! Mas maganda pa sa Mama mo."

"Bakit po maganda eh lalaki po kayo?" Inosenteng sagot nito na ikinatawa ng iilang naroon din. Halos lahat sila ay aliw na aliw kay Art, maliban na lamang kay Nadia na masamang-masama ang timpla kay Amanda.

  

AFTERNOON comes, Amanda recieved a personal text message from Gabriel saying. "Let's have lunch with Arthur."

Kaya kaagad niya itong nireplyan ng pag-sang-ayon, ngunit hindi pa man niya nasesend ang kanyang mensahe ng lumabas na si Gabriel sa kanyang opisina sabay hanap kay Art.

Nag-aalangan siya kung pipigilan niya pa ba ito nang makitang kinarga na nito si Art, at dahil sa mga pagtatakang tingin sa kanya ng kanyang mga ka-trabaho.

"Amanda? Let's go!" Pukaw sa kanya ni Gabriel na nauna ng maglakad habang karga-karga ang bata.

"Ah-eh.. Y-yes sir." Nauutal niyang sabi at sumunod na kaagad. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang isipin ng mga tao doon, bahala na!

They headed to the parking area. Napatigil si Gabriel ng kapain ang kanyang bulsa. Saktong tumunog ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito sabay tingin kay Amanda. "I forgot my keys."

"Ako na ang kukuha. Saan mo naiwan?" Amanda asks.

"Is it okay with you?"

She smile. "Oo naman."

"Nasa drawer sa opisina ko." He said before answering the phonecall.

She nodded and immediately walked back to the building. Tinungo ni Amanda ang opisina ni Gabriel. She found the drawer below the table, kaya binuksan niya ito. She automatically got the keys but she was stopped seeing a very familiar bracelet.

       

❌❌❌❌❌

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon