Chapter 39

1.1K 26 6
                                    

ISANG napakabangong amoy ng sinigang ang nakapagpa-gising kay Amanda. She just woke up from a bit of siesta. At bumungad sa kanya si Manang Lorita na may dala-dalang isang tray na puno ng pagkain.

"Naku, tamang-tama at gising kana."

She sitted on bed and curiously glances at Manang Lorita. "Manang, nasaan po si Gabriel?"

"Naku umalis saglit, may kailangan lang daw siyang asikasuhin. Kaya heto pinagluto ka niya bago umalis. Siya mismo ang nagluto nito para sayo." Masayang pahayag naman nito matapos ilapag sa lamesang nasa tabi ng higaan.

"Eh si Arthur po?"

"Ayun isinama niya. Ibinilin ni Gabriel na pakainin ka pagkagising mo, kaya heto nakahanda na lahat ng niluto niya para sayo, sabihin mo lang daw kung may hindi ka gusto dito."

She smile and nodded. "Ayos na po ito Manang, maraming salamat ho."

Tumango-tango naman ang matanda saka ito nagpaalam na umalis na. "Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka."

She nodded. Isinantabi muna ni Amanda ang pag-iisip sa kanyang mag-ama, dahil saktong nagugutom na siya. She enjoyed eating her food.

Pagkatapos ay napag-desisyunan ni Amanda na magtungo sa vineyard para hintayin ang pagbalik nina Gabriel at Arthur. She stand by in the cottage while watching some farmers in the vineyard.

Minsan sa pagkainip ay kinakausap niya ang iilan doon upang magtanong ng kung anu-ano tungkol sa pag-aalaga ng mga ubas.

Manang Lorita brought her some snacks after some hours passed by.

"Manang bakit ang tagal naman po nila Gabriel, mag-gagabi na po oh." Bakas ang kanyang pag-aalala.

"Huwag kang mag-alala, uuwi kaagad iyon." Simpleng sagot lamang nito.

Hanggang sa sumapit na ang gabi ay wala hindi parin dumadating ang kanyang mag-ama.

Amanda goes to the kitchen where she saw Manang Lorita who was cooking for the dinner. "Manang, pwede ho bang makahirap ng cellphone tatawagan ko lang si Gabriel. Ang tagal naman ho kasi nila dumating baka kung saan niya dinala ang anak ko." Bakas ang pagka-irita na niya.

Napasinghap na lamang si Manang Lorita at walang nagawa kundi ibigay ang kanyang cellphone kay Amanda na kaagad naman nitong pinindot at hinanap ang numero ni Gabriel para tawagan.

Halos hindi mapakali si Amanda na pabalik-balik ng lakad sa kusina habang paulit-ulit na tinatawagan si Gabriel na kung saan ay hindi niya ito macontact. "Out of coverage!" Inis niyang sambit matapos ilapag sa wakas sa lamesa ang cellphone.

"Amanda, huminahon ka muna at baka mapano ka pa. Huwag ka nang nag-aala sa mag-ama mo, uuwi iyon..." Pilit na pangungumbinsi ni Manang Lorita.

"Saan ho ba kasi sila pumunta? Ba't ang tagal nilang bumalik."

"Hindi ko nga alam eh, wala namang sinabi si Gabriel basta ang sabi niya lang may importanteng aasikasuhin lang niya."

She just irritably shrugged her shoulders and walked away from the kitchen.

Dahil sa pagkainip at pagkainis sa paghihintay ni Amanda sa kanyang mag-ama ay nakatulugan na lang niya ito.

     

"MAMA wake up! wake up!" Kanina pang pukaw ni Arthur sa kanyang ina habang naka-dagan siya sa tagiliran nito. Kaya naman tuluyan nang nagising si Amanda. She was a bit shocked realizing that it was already late in the morning.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon