Chapter 30

1.1K 33 1
                                    

BAHAGYANG nagising si Amanda ng maramdamang tinatapik-tapik siya ng kapatid. "Ate? Gising ate!"

Kahit inaantok pa siya dahil sa sobrang pag-iyak niya kagabi ay napilitan siyang imulat ang mga mata. "Bakit ba? Inaantok pa ako Angela."

"Si Arthur! Kinuha ni Gabriel!"

Tila naman may kung anong sumanib sa katawan ni Amanda at tuluyang nagising ang kanyang diwa. She got up from bed. "ANO?!"

"Si Arthur! Kinuha ni Gabriel! Sabi niya ipapasyal lang daw niya pero ate iba yung kutob ko parang kinidnap niya yung pamangkin ko!" Natatarantang paliwanag ni Angela.

"Ano?! Bakit hindi mo pinigilan!? Bakit hinayaan mo?!"

"Ito naman kasi si Art eh bigla-biglang lumabas ng makita yung tito Gabriel niya ayun hindi ko na napigilan ng isakay kaagad sa kotse! Sabi ni Gabriel ipapasyal lang daw niya pero parang hindi naman kasi hindi pa nga nakakapag-bihis at almusal yung bata, ki-aga-aga pa!"

"Sana hinabol mo Angela! Sana ginising mo kaagad ako!" Bigong-bigo na sumbat ni Amanda.

"Kanina pa kaya kita ginigising ate!" She scratched her head. "Ayan kasi, ba't hindi mo nalang sinabi kay Gabriel yung totoo na siya yung ama nung bata. Ayun tuloy baka kung anong gawin niya kay Art!"

Napailing-iling na lamang si Amanda at hinagilap ang kanyang cellphone para tawagan si Gabriel. Ngunit nakaraming missed calls pa siya bago nito sinagot ang tawag.

"Hello boss." Kalmado at bakas ang kasiyahan sa boses ni Gabriel ang bumungad sa kanya.

She tightly holds her fist. "Nasaan ang anak ko?! Saan mo siya dinala?!" She coldly asked.

"Relax boss. He's very fine with me, infact he is enjoying my company."

"Ibalik mo siya Gabriel! Kundi tatawag ako ng pulis, idedemanda kita ng kidnapping!" Gigil na gigil niyang sumbat.

She heard him laugh. "Kidnapping? Seriously? Sarili kong anak?! Tingnan nga natin kung maniwala sayo ang mga pulis."

Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa gulat niya sa sinabi nito. "G-gabriel... Please ibalik mo si Art, ibalik mo ang anak ko."

"Anak natin Amanda! Anak natin! Kaya may karapatan ako sa kanya. If you want him, then you need to see me and talk to me sincerely. I want you to listen to my explanations hindi yung basta-basta kana lang mag-dedesisyon na aatras sa relasyon natin nang hindi mo manlang kaklaruhin ang totoong nangyari sa amin ni Jean." Bakas ang hinanakit sa boses nito.

"Labas dito si Art sa problema natin kaya huwag mo siyang idamay."

"Pumunta ka sa opening ng bar mamaya. Dun tayo mag-uusap pagkatapos ng event."

"Hindi! Hindi na ako pupunta kahit kailan sa bar mo na yan kahit pa sa kompanya mo!"

"Fine, then you won't see our child anymore. Bye."

Halos mabitawan ni Amanda ang kanyang cellphone dahil sa inis kay Gabriel.

"GABRIEL!" Maiging pigil niya bago pa patayin ni Gabriel ang tawag.

"Yes boss? Madali naman akong kausap. So you should decide before I turned off this phonecall."

She heaved a sigh. "Sige... Pupunta ako." She calmy said with still a cold tone and trying to control her temper.

Lalong nainis si Amanda ng marinig pa ang mahinang halakhak nito. "See you later boss."

     
Isang masamang tingin naman ang iginawad ni Amanda sa kanyang kapatid matapos niyang ibaba ang cellphone. "Sinabi mo ba kay Gabriel ang tungkol sa anak ko?"

Angela frowned innocently. "Hindi ah! Wala akong nabanggit ate, kasi sabi mo hindi dapat malaman ni Gabriel!" Paliwanag niya.

"Eh paano niya nalamang anak niya si Art?"

She shrugged. "Aba'y malay ko! Basta wala akong sinabi kahit konti!" She denied and walks out of the room.

Problemadong napahilamos na lamang sa mukha si Amanda. Talagang ginamit pa ang anak niya para lang makipag-usap ito sa kanya. Wala siyang magagawa kundi ang sundin ito.

     

DAHIL hapon gaganapin ang launching ng bar ay maiging nag-handa na si Amanda. She wore her simple cut of pink dress that looks more glamorous on her, paired with fuschia pink stilleto heels as if she'll go to a very formal party.

 She wore her simple cut of pink dress that looks more glamorous on her, paired with fuschia pink stilleto heels as if she'll go to a very formal party

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala naman siyang pakialam sa gaganapin na event dahil ang anak niya ang sadya niya.

 

HALOS late na nang dumating si Amanda dahil puno na iyon ng mga bisita at saktong kakatapos lang ng ribbon cutting. Hindi niya malapitan si Gabriel dahil maraming kumakausap dito. Sinubukan niyang hagilapin ng kanyang paningin si Arthur ngunit wala ito.

"Amanda!" Napalingon si Amanda sa bumati sa kanya. It was Leon, at may kasama itong babae.

She smiled at him. Ang tagal din na hindi na ito pumunta sa kompanya kaya nagtataka man siya ay binalewala niya iyon. "Leon? Long time no see."

"Oo nga. Sobrang nabusy lang. Anyway this is Agatha, my girlfriend." Sabay baling sa kanyang kasama. "Babe this is Amanda, siya yung fiancee ng kaibigan kong si Gabriel."

Bahagyang nagulat naman si Amanda, but she manage to remain calm. "Wow. Nice to met you Agatha." She beamed and gave a handshake. Mukhang approachable naman ito dahil sa maamo at magandang mukha.

Tinanggap naman ito ni Agatha. "Nice to met you too Amanda. I'm so happy for you, anyway best wishes to you." Saka bineso pa siya nito.

"S-Salamat." Pag-aalangan niyang sabi.

"Oh by the way where is your ring?" Kyuryosong tanong ni Agatha habang hawak ang kamay niya.

She widen her eyes. "A-h eh.. N-Nakalimutan kong isuot." Dahilan niya.

"Naku you should wear it everyday!"

She just nodded. Naputol lamang ang usapan nila ng mamataan niyang patungo na sa kanya si Gabriel ng magsalita na ang host sa stage.

Leon and his girlfriend excused to leave.

Gabriel automatically holds her hand while smiling. While she coldly glances at him. "Nasaan ang anak ko?! Sabi mo ibabalik mo sa akin!"

He squeeze her hand. "Relax. We'll talk later first."

Inis namang kinalas ni Amanda ang kamay ni Gabriel sa kanya. "Pwede ba Gabriel, huwag mong aksayahin ang oras ko! Ibigay mo na sakin si Art ng matapos na toh!"

Sasagot pa sana si Gabriel ng banggitin na ng host ang kanyang pangalan. "Let us all give a round of applause to the host of this event at the same time the owner of this Vino Infinity bar, Mr. Gabriel Del Fierro!"

Sabay nagpalak-pakan ang mga bisita. Gabriel glances at Amanda as if asking for permission to leave beside her. She just ignored him as he walk towards the stage.

       

❌❌❌❌❌

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon