AMANDA was already prepared to go for work. Hinihintay na lamang niya ang pag-sundo sa kanya ni Gabriel when she suddenly recieved a text message from him saying...
"Boss, I'm sorry hindi muna kita masusundo. I have an urgent appointment at the winery, kaya mauna kana sa kompanya. I love you boss, see you later at my office."
Amand sighs heavily after reading his text. She replies "okay". Ganun pa man ay hindi nabawasan ang pagka-blooming at good mood niya ngayong araw. She don't have any choice but to commute.
"Dory ikaw na bahala dito." Paalam niya kay Dory na kasama ng kanyang anak.
"Opo ate, ingat po." Sagot naman nito.
PAGKALABAS na pagkalabas ni Amanda ay nagulat siya ng bumungad sa kanya si Ian. Ilang linggo niya ito hindi nakita at nakakapanibago, kung dati ay maaliwalas ito, ngayon ay tila napag-iwanan ng panahon.His stubbles and mustache are getting longer, hindi katulad ng dati na palagi itong clean shaved, ang buhok ay medyo humaba-haba na rin but despite of it he is a good looking man.
"Anong ginagawa mo dito?" She coldly asked when saw him leaning on his car.
"Amanda, bago mo ako paalisin hayaan mo muna akong humingi ng tawad."
She clenched her jaw. "Pwede ba Ian, tigilan mo na ako at ang anak ko-"
"Hindi kita guguluhin promise." He walk towards her. "I just want to be friends with you again please Amanda, please..." Puno ng pakiusap ang mga mata nito.
"Sige pag-bibigyan kita. Pero sa isang kondisyon, huwag ka nang lalapit sa anak ko at pupunta pa dito." Kalmadong sinabi niya. Pagkatapos ng mga pang-iinsultong naranasan niya dito ay mahirap na itong pagkatiwalaan ulit.
He just looked away. "Sige, kung iyan ang gusto mo." Tila hindi sang-ayon na tono nito.
Amanda ignored him and walks towards the road.
"Papasok kana ba sa trabaho mo? Ihahatid na kita, tutal papasok na rin ako sa kompanya ko."
"Huwag na, salamat nalang."
Hindi pa nakontento si Ian, he walked nearer her side. "Akala ko ba magkaibigan na ulit tayo Amanda? Kahit ngayon lang ihahatid na kita."
"Huwag na nga sabi, Ian!" Inis niyang sambit at hindi ito pinansin.
"Sige kung ayaw mo, dadalaw parin ako dito kay Art."
She glances at her wrist watch. Nataranta siya ng makitang thirty minutes na siyang late.
"Come on Amanda, malilate kana kung magmamatigas ka pa." Pagpupumilit nito.
Inis na hinarap ito ni Amanda. "FINE! Pero huling-huli na ito Ian! Sa susunod huwag ka nang pupunta pa dito!" Sumbat niya pa.
Ni hindi manlang ito natigan. He just smile and opened the car's door for her.
Nanatiling tahimik si Amanda habang panay ang kwento ng kung anu-ano ni Ian sa byahe. Hanggang sa narating nila ang building ng Del Fierro Corporation.
"Salamat sa pag-hatid." She just coldly said and immediately got out of the car.
Ian opened the tinted window and smiles at Amanda as she walks towards the building, "See you again, Amanda!" Sabi pa niya kahit hindi na narinig ni Amanda, saka na siya umalis.
NAGMAMADALING tinungo ni Amanda ang kaniyang opisina. Hindi niya mapigilang magtaka ng makita ang elevator na puno ng rose petals, hanggang sa pag bukas nito patungo sa kanilang opisina ay mayroong mga rose petals na nagkalat sa carpeted floor.
Lalo siyang nagtaka ng makitang nagkanda-taranta ang kanyang mga katrabaho pagdating niya mismo, tila may kanya-kanya itong itinatago sa kani-kanilang cubicle.
"A-anong meron? Bakit may ganito?" Hindi niya napigilang tanong ng mapansin pa ang iilang red balloons na nagkalat sa sahig kasama ng mga rose petals. Kaagad itong niligpit ng ibang naroon.
"Ah... Amanda bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni Sir Gabriel." Tanong kaagad ni Betty, isa sa mga katrabaho niya. Ni isa wala manlang sa kanila sumagot sa tanong ni Amanda.
Nagulat naman si Amanda dahil sabi ni Gabriel kanina sa text nito ay nasa winery ito may gagawin.
"Nandito na si Sir Gabriel?" She curiously asked.
"Oo! Kanina ka pa hinihintay eh, basta! Puntahan mo nalang siya... Kayo nalang daw mag-usap!" Makahulugang sabi nito.
She nodded and excuses herself, kahit nagtataka parin sa mga ikini-kilos nito. She fixed her things first on her cubicle saka tinungo ang opisina ni Gabriel.
She silently entered the office and automatically saw Gabriel, nakatalikod ito at may malalim na iniisip habang nakaharap sa malaking fiber glass wall.
"Boss?" She called and walk towards him.
He heaved a sigh and faced her.
She gave him a halfway smile when noticed his cold expression.
"Akala ko ba nasa winery ka?" She asked and tiptoed as she planted a peck kiss on his lips but he just looked away.
He walk towards the table. Nagtaka naman si Amanda sa biglang hindi nito pag-pansin sa kanya.
"Pupunta nalang ako ngayon." He opened the drawer and get the keys.
"Sasama ako?" She tried to act normal while smiling at him.
He just tiredly shook his head. "Dito kana lang, marami akong gagawin doon." He coldly said and walk out, leaving her with curiousity and without any sweet words and gestures like the usual.
Bigla tuloy nanlumo si Amanda sa sarili. She asked to herself kung ano ang nagawa niya sa bigla nitong ikinagalit ng ekspresyon.
❌❌❌❌❌
BINABASA MO ANG
Fate
FanfictionMeeting you was a fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control. © • • • • • • • MDZ as Amanda Fuentes PRG as Gabriel Antonio Del Fierro