Chapter 8

953 32 4
                                    

KARARATING lang ni Amanda sa kanila ng salubungin siya ng yakap ng kanyang anak. This is what she loves in her current life, pag-uwi palang niya ay may sasalubong na kaagad na ngiti, yakap at halik mula sa anak niya kaya parang kontento na siya sa ganitong buhay kasama ito.

"Oh parang sobra mo naman akong namiss?" She said with a bit of baby tone as she scooped him with her left arm and waist.

"Namiss po kita Mama, palagi kana lang nasa work." Sabay nguso nito sa pagtatampong ekspresyon.

Amanda laughs at her son. "Babawi na si Mama." She showed up the paper bag she was holding. "Oh pasalubong."

"What's that Mama?" Arthur curiously peeped inside the paperbag. "Wow grapes?!" He muttered.

Natawa naman si Amanda sa kinakareer na pag-sasalita ng english ng kanyang anak, sa kagagawan ng kanyang kapatid. And she was glad about it for her son.

Ibinaba niya ito ng agawin sa kanya ang paperbag na may lamang ubas. "O dahan-dahan, hindi mo mauubos yan." She said before heading to the kitchen where her sister was already cooking.

"Alam mo ate, kanina pa ako kinukulit ni Art. Gusto niya kasi mamasyal gusto raw niya mag-swimming sa dagat, eh sakto sembreak na namin kaya kung wala kang trabaho bukas.." Angela raised her eyebrow.

"Magandang ediya iyan Angela!" Excited na sagot naman ni Amanda. "Mag-papaalam ako sa boss ko bukas. Tutal eh, sa umaga lang naman yung board meeting niya so pwede akong mag-half day."

"Sakto ate. Tatawagan ko ngayon si Ken para makapag-pa-reserve sa Pearl Farm resort!" Excited na sambit ni Angela

Amanda frowned as she sitted on the dinning chair. "Ken? Sinong ken?"

Napahagikhik naman si Angela. "Boyfriend ko po ate. Pasensiya na ngayon ko lang sinabi. Gusto niya kasi sumama." She shyly confessed.

"Ano ka ba okay lang? Sige isama mo, nang makilala ko din siya." Pangungunsinti ni Amanda. Noon kasi ay istrikto siya sa kapatid pagdating sa ganitong bagay noong pinag-aaral pa niya ito. Ngunit ngayong nakapag-tapos na't may sariling trabaho at nasa tamang edad na ay hinahayaan na ito ni Amanda.

Angela can't help to hugged her sister. "Thank you ate."

 

AFTER having a dinner, and Amanda tucked her son into the bed. Habang tinatapik-tapik niya ito sa likuran upang makatulog dahil mukhang wala pa itong balak na antukin.

Arthur faced his mother while hugging on her waist. "Mama nasaan po si Papa? bakit wala po siya?" He suddenly asked that made Amanda's shocked expression. Since he was born and started to have his own thoughts and talking, ay ngayon lang ito nag-tanong sa ganitong bagay kay Amanda. At ito na nga ang ikina-tatakutan niya.

"Uhm.. Anak saan mo ba natutunan yang mga tanong mo?" She curiously asked.

"Napanood ko sa tv kanina may papa at mama yung baby, bakit po ako walang papa?"

Napahilamos si Amanda sa mukha, siguro ay kagagawan nanaman ito ni Dory dahil sa ka-adikan nito sa panonood ng mga teleserye kaya siguro nadadamay sa panonood si Arthur. And he's being attentive and talkative as he grows kaya hindi na ito kataka-taka.

"Ah, eh.. Ano.. nasa heaven na ang papa mo." Wala siyang ibang maisip na dahilan kundi iyon lamang.

Malungkot namang napa-buntong-hininga si Arthur. "Bakit po siya hindi bumabalik?" He adorably asked.

Amanda caressed his cheek. "Anak, kasi pag nasa heaven na ang isang tao hindi mo na yun makikita at hindi na sila babalik pa kahit kailan." She kissed his forehead. "Huwag ka nang malungkot, nandito naman si Mama, at ang tita Angela mo."

"At si Tito Ian!" He continued.

Amanda frowned. "Bakit naman nasali pa ang Tito Ian mo?"

"Because I like him! Sabi niya Mama, pwede ko siyang maging papa."

Lumalim ang kunot-noo ni Amanda. "Sinabi niya yun?"

Inosenteng tumango-tango naman si Arthur. "Opo."

"Huh! Ang lalaking yun talaga!" Inis niyang sambit sa mahinang boses.

"Mama please gusto ko po siyang maging papa. Sabi ni tito Ian kapag pumayag ka pwede ko na siyang maging papa." Pakiusap nito.

"Anak, hindi ganun kadali yun. Huwag kang masyadong magpapaniwala kay Ian."

Malungkot namang tumango-tango ito.

  

KINABUKASAN ay masyadong naabala si Amanda dahil sa sunod-sunod na appointment ng kanyang boss.

Kanina pa panay ang text sa kanya ni Angela kung nakapag-paalam na siya at hindi manlang niya ito mareplyan dahil ang totoo ay mag-papaalam palang siya ngayon.

She headed inside the CEO's office after asking for permission through intercom.

Naabutan niyang abala si Gabriel sa pagtitipa sa kanyang cellphone. Kaya dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa nito.

"S-sir?"

Awtomatiko na napa-angat ng tingin sa kanya si Gabriel. "Amanda, what did I said to you?" He said with warning tone.

"Ah.. I mean, Gabriel." Nag-aalangan pang sabi niya. "Pwede bang, mag-halfday muna ako tutal tapos na din naman yung mga appointments mo. May pupuntahan lang ako."

"Bakit? Nandiyan ba si Leon? Kasama mo ba siya?" Bakas ang hindi pagka-gusto sa boses nito.

"Hindi, hindi si Leon ang kasama ko yung kapatid tsaka anak ko. Sasamahan ko lang mag-picnic."

Gabriel sighed and fixed his things. He also fixed his suit and tie. "Okay. I'll come with you."

"S-sasama ka?" She asked shockingly.

He smile a bit, at nauna itong maglakad papalabas ng opisina. "Sasama ako Amanda, remember I want to meet your son."

"P-pero medyo malayo yung beach resort na pupuntahan namin. Baka may trabaho ka pa."

"I can handle my time Amanda. I'm coming with you."

Napatango-tango na lamang si Amanda. "Sige na nga." And she walked next to him.

    

❌❌❌❌❌

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon