Chapter 37

1K 34 7
                                    

GABRIEL took his gun before going to the address that was given to him by Angela. Narating niya ang isang abandonadong gusali, ngunit nanatili siya sa loob ng kanyang kotse. Hanggang sa maanigan niya si Ian galing mismo sa lumang bulwagan.

Mariing ikinuyom ni Gabriel ang kanyang nga kamay sa manibela ng kotse habang pinapanood niya itong papalapit sa kanyang kotse, hawak ang baril..

"Ikaw na ba yan Angela?!" Malakas na sambit ni Ian. Tinted ang sasakyan ni Gabriel, kaya hindi nito basta-bastang nakikita ang sino mang tao sa loob.

Gabriel unlocked his car while holding the gun when he get out of the car.

Nagulat si Ian ng makitang si Gabriel ito. They automatically  positioned their gun to point each other.

"Hayop ka Gabriel! Nasaan si Angela?! Si Arthur dapat kasama niya!" Gigil na sumbat ni Ian habang paatras siya at pasulong naman si Gabriel.

Gabriel clenched his jaw. "I won't ever let you have my son Ian! Nasaan si Amanda? Ilabas mo siya?!"

Ian smiles devilishly. "Gago ka ba? Sa tingin mo sasabihin ko?" Hunalakhak pa ito. "Wala dito si Amanda! At walang nakakaalam kung nasaan siya dahil akin lang siya! akin lang!" Sunod-sunod na sambit ni Ian na tila gustong galitin pa si Gabriel habang nagtututukan sila ng baril at halos dalawang talampakan na lamang ang pagitan nila.

Hindi na napigilan ni Gabriel ang sobrang galit na namumuo sa kanya. Mabilis siyang kumilos upang hampasin ang mga kamay ni Ian, dahil upang matilapon ang baril nito sa sahig. Doon nagkaroon pa ng pagkakataon si Gabriel na hampasin pa ang balikat nito.

Nanlaban si Ian, kaya bago pa man maitutok ni Gabriel ang baril ay nabitiwan na niya ito. Napangiwi siya sa sakit na nararamdaman sa kanyang balikat. Ngunit hindi siya nagpatalo, nakipagsuntukan siya kay Ian hanggang sa nagkaroon siya ng pagkakataong madaganan ito.

Gabriel pinned Ian's neck on the floor when he laid on the dusty floor. Parehong duguan at pasa ang kanilang natamo.

"NASAAN SI AMANDA?! NASAAN SIYA?!" Gigil na gigil na sigaw ni Gabriel habang idinidiin pa si Ian sa sahig dahilan upang hindi na ito makapag-laban sa kanya.

"K-kahit patayin mo 'ko... Hindi ko sasabihin kung nasaan si Amanda!" Hirap na hirap na sagot ni Ian dahil sa sakit na nararamdaman sa mga pasa niya sa mukha.

Sa sobrang inis ay sinapak pang muli ni Gabriel ang pasa sa gilid ng mata ni Ian, dahilan ng pagsigaw nito.

"AHHH! FCK!" Ian screamed, habang iniinda ang sakit.

"Ilabas mo si Amanda!! Nasaan siya?!" Gabriel shouted again.

Kung hindi pa biglang dumating ang mga pulis ay baka natuluyan na ito ni Gabriel.

"Pare tama na, baka mapatay mo siya!" Nababahabalang saway ni Leon na kaagad nilapitan ang kaibigan. Kasama niya kasi ang mga pulis na sinadya niyang huling dumating dito dahil sa pag-aalala kay Gabriel.

Kaagad na dinaluhan sina Gabriel ng mga pulis. Inalalayan siyang makatayo ni Leon, pinatayo naman ng ibang pulis si Ian at agad na sinuotan ng posas. Habang kaagad sinuyod ng ibang pulis ang buong gusali.

Humahangos na tumayo si Gabriel. "I need to find Amanda!"

"Ang nga pulis na ang bahala Gabriel, delikado baka may iba pang kasamahan si Ian dito." Biglang saway ni Leon ngunit binaliwala ito ni Gabriel, at sumunod sa ibang pulis na sunusuyod sa buong lugar.

"I don't care, I need to find her!"

"AMANDA?! AMANDA?!" Sigaw niya habang nilalakad ang bawat sulok ng gusali, nag-babaka-sakaling maririnig siya nito.

Nakita niya ang ilang pulis na galing sa iba't-ibang sulok ng gusali.

"Clear!" Sambit ng bawat pulis na nakakasalubong niya.

Problemadong napakamot sa ulo si Gabriel. "Sigurado ba kayong wala nang ibang tao?!"

"Nasa taas pa ang ibang kasamahan namin, baka sakaling may makita sila doon." Sagot naman ng isang pulis.

Ngunit hindi parin napapanatag si Gabriel. He walked to the other ways. Sa kung saan-saang sulok. Hanggan sa napunta siya sa pinakadulo na bahagi ng gusali.

Nakarinig siya ng tunog kaya sinuyod niya ito, hanggang sa mapansin niya ang isang saradong kwarto ng sulok na iyon, doon nang-gagaling ang tunog na tila pinupukpok ang  door-handle nito sa loob.

Pinihit niya ang doorknob ngunit locked iyon kaya sinubukan niyang hampas-hampasin ang pinto. "Amanda?! Amanda?!" Sambit niya.

"G-Gabriel? Ikaw ba yan?" Dinig niya sa maliit na tunog ng boses nito sa loob.

Halos mahulog ang puso ni Gabriel sa bilis ng dagundong nito. "Amanda?! Makinig ka sa akin... Just stay away from this door! Bubuksan ko 'to!" Pasigaw niyang tugon, kaya ng maramdaman niyang tumahimik ito ay saka siya naghanap ng kahoy sa kung saan saka niya pinagpapalo-palo ang doorknob.

Halos pang-gigilan ito ni Gabriel, dahil hirap siyang buksan ito. Walang silbi ang kahoy na ginamit niyang pampalo kaya marahas niyang sinipa-sipa nalang ang pinto. "Come on!!! Ahh!" He shouted as his sweats are dripping thoroughly. Ni wala na siyang nararamdamang sakit sa kanyang balikat at paa, para hampas-hampasin ang pinto.

Hanggang sa wakas ay masira niya ito at tuluyan na niyang nabuksan ang pintuan.

Bumungad kay Gabriel si Amanda na nakaupo sa sahig habang nakatali sa likuran nito ang mga kamay. Kahit pawisan at pagod ay dinaluhan niya ito.

"Gabriel?!" Amanda cried when she saw him.

He automatically hugs her tighter. "Amanda... Nandito na ako..." He whispered longingly while untying her hands from her back. Halos maiyak siya ng makita ang iilang pasa sa mga braso nito, hinang-hina at halos hindi makagalaw sa posisyon nito dahil sa pagkakatali.

"I'm sorry.." She whispered to his ear while crying.

"Shhh.. no boss, I'm sorry.. Hindi kita naprotektahan." He finally got her hands and caressed her hair while kneeling infront of her. He kissed her forehead.

At bago pa man makasagot si Amanda ay nawalan na ito ng malay.

"No! Amanda?!" He caressed her cheeks while stroking her hair. "Amanda? Wake up! Come on!" He cried as he scooped her in his arms.

    

✖️✖️✖️✖️✖️

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon