ILANG minuto lang ang ibenyahe nila ng marating ang isang malawak na lupain. Bumukas ang malaking gate at bumungad kay Amanda ang malawak na taniman ng ubas ilang metro lang ang layo mula sa dinadaanan ng sasakyan nila patungo sa isang malaking bodega. Halos mabali ang leeg ni Amanda habang nakatanaw sa labas mula sa bintana ng kotse.
Gabriel stops the car infront of the big warehouse. "Ang ganda naman dito." Manghang sabi ni Amanda pagkalabas niya ng sasakyan. Napabaleng ang atensiyon ni Amanda sa isang two storey wooden rest house na katabi ng bodega ilang metro lang din ang layo. "Bahay niyo?" She asked.
"Rest house. Ito naman ang bodega. Diyan prenoproseso ang alak." Sabay turo ni Gabriel sa warehouse.
"SIR GABRIEL!" Sigaw ng isang may katandaang lalaki na mula sa vineyard at patungo ito sa kanila. May nakasunod na mga trabahador na may kargang mga basket ng ubas. Isa-isa nitong inihilira sa bermudang sahig ang mga basket.
"Oh Mang Ben?" Gabriel approached him.
"Halos kalahati ng harvest ay ganito, dala kasi ng sunod-sunod na ulan nitong mga nakaraang buwan kaya nasira yung iba." Paliwanag kaagad ni Mang Ben ng ipakita kay Gabriel ang isa sa mga basket ng sirang ubas.
Gabriel sighed as he squatted and got some of the grapes to examined it. "It's alright Mang Ben, ganun ho talaga wala tayong magagawa. Dating gawi nalang ho." Tumayo na siya at inutusan ang mga trabahador na i-despatsa ang mga iyon.
Hindi na bago kay Gabriel ang ganitong problema sa vineyard, hindi naman kasi maiiwasan iyon dahil sa panahon.
"Pero marami pa namang harvest." Dagdag ni Mang Ben sabay baling sa kasama ni Gabriel. "Sino naman itong magandang kasama mo hijo?"
"Siya po si Amanda, Mang Ben." Pakilala ni Gabriel, sabay sulyap kay Amanda. "Amanda, si Mang Ben. Siya ang taga-pamahala dito sa vineyard kapag wala ako. Caretaker din siya sa resthouse namin."
Amanda smile at the old man, she offered a handshake. "Magandang araw po, ako ho si Amanda, Sec-" Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Amanda ng pigilan siya ni Gabriel sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay.
"Amanda, gusto mo bang makita ang loob ng bodega?" Gabriel asks just to divert their attention.
Excited namang napa-tango-tango si Amanda. "Sige ba."
"Hindi ba muna kayo mag-memeryenda sa rest house Sir Gabriel? Sasabihan ko si Lorita na ipaghanda kayo ng meryenda." Singit ni Mang Ben. At tukoy nito sa asawa niyang si Lorita na kasa-kasama niya sa pangangalaga dito sa hacienda. Walang anak silang mag-asawa at dito na rin sila nakatira sa resthouse ni Gabriel bilang caretaker ang mga ito.
"Huwag na po Mang Ben, nakapag-meryenda na kami kanina ni Amanda." Gabriel said.
"Kung ganun maiwan ko na kayo at aasikasuhin ko pa iyong mga nag-aani." Paalam ni Mang Ben na may kasiyahan habang nakatingin kay Gabriel.
Bumaleng siya saglit kay dito. "Ngayon lang ulit kita nakitang masaya ang mga mata, Sir Gabriel. Sana tuloy-tuloy na iyan." dagdag nito bago tuluyang umalis.
Gabriel just chuckled while shaking his head.
Bumaleng siya kay Amanda habang hawak parin niya ang kamay nito, nagtungo sila sa loob ng bodega. "Let's get inside."
Namangha si Amanda sa iba't ibang winery equipment na naroon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napansin niya ang naglalakihang wooden drum. "Ano yan? Alak ba ang laman niyan?" She curiously asked.
"Oo. Pagkatapos ng first fermentation ng mga dinurog na ubas ay dito lahat inilalagay. And it takes some months of stocking bago ito maging ganap na alak, pero pina-process pa yan." Paliwanag ni Gabriel habang tinatapik-tapik pa ang isang drum.
Napatango-tango naman si Amanda. "Ikaw talaga mismo ang gumagawa ng alak?" Mangha niyang tanong
"Oo shempre." He goes towards the wine stocks, kumuha siya ng isang bote ng alak. "I have here the oldest wine, ginawa ko ito nung nag-aaral pa ako sa Italy." Ipinakita niya ito kay Amanda.
Hindi naman mapigilang humanga ni Amanda sa ganitong klaseng talento ni Miguel sa pag-gawa ng alak, hindi lang ito talento kundi didekasyon dahil na rin sa nakapag-patayo ito ng sariling wine business.
"Gusto mo bang tikman?" He asked while getting a wine glass.
Amanda nodded. "Sige. Pero baka matapang to ah? Mahina pa naman ang tolerance ko sa alak."
"Ten percent alcohol lang ito." He chuckled while pouring a small amount of wine on the wineglass. He also got some for him. They toss and drink their wine.
Napangiwi si Amanda sa naramdamang konting pait at init na dala ng alak sa lalamunan niya. Halos bumaliktad din ang sikmura niya dahilan ng pagkatapon nito sa dibdib niya.
"Sorry sorry!" Natarantang sinabi niya. "Hindi ko sinasadyang matapon."
Gabriel chuckled as he get his handkerchief. "It's alright. Akin na." He volunteered to wipe the stains on her hand and her chest.
"Mahina kasi talaga ako pagdating sa alak, pero okay naman yung lasa magka-halong tamis at pait." Paliwanag ni Amanda na walang kamalay-malay sa pagkatulala bigla ni Gabriel.
She looked down to his hand and there, she just realized he is wiping her chest while staring deeply on it. Nag-init tuloy ang pesnge niya sa ginawa nito na hindi manlang niya namalayan at hinayaan niya ito.
"A-ako na." She awkwardly said, at hininge ang panyo nito.
Gabriel gulped repeatedly while still keeping an eye at her. Hindi niya napigilan ang sarili, he just remembered the moment he saw some parts of her breast. At bakit ba naalala niya pa iyon.
Napakurap-kurap muli si Gabriel nang mag-balik sa ulirat. "It's okay Amanda, kasalanan ko din kasi pinainom kita ng alak. Alam mo, dapat masanay ka dito." He divert their attention to the wine. "Alam mo may heath benefits din ito sa katawan."
"Oo nga eh."
Gabriel smile as he put back the wine on the stand. "Gusto mo bang magdala ng mga ubas."
"Naku huwag na nakakahiya." She rufuses. "Tsaka ginagamit mo yun sa pag-gawa ng alak."
"Hindi, marami pa naman kaya sige na. Papabalotan kita kay Manang Lorita." Gabriel insisted, at wala na rin lang nagawa si Amanda at tumango-tango nalang.