Chapter 11

979 30 3
                                    

GABI na ng magdesisyon silang umuwi na dahil sa sobrang pagod na rin si Arthur. As usual, Gabriel insisted to ride for them in his car, si Angela ay nauna na sa kanilang umuwi at dahil hinatid na rin ng boyfriend nitong si Ken.

Panay ang sulyap ni Gabriel sa isang simpleng two-storey house ng marating nila ang bahay nila Amanda. Pinagbuksan niya ng pinto ng kotse ang mag-ina dahil karga nito si Art na kanina pa inaantok.

"Gabriel, salamat talaga ah? Pasensiya kana dito sa anak ko sobrang kulit." Amanda said while smiling.

"You're always welcome, Amanda." He suddenly caressed Arthur's head whose leaning on Amanda's shoulder. "I like your son, he reminds me of my childhood." He said with sincerity. Napangiti lamang si Amanda.

Gabriel puts his hand inside his pockets. "By the way, Amanda. Next week dadalo ako sa business conference sa Baguio and I want you to come with me."

"Kasama ako?" Pagtataka niya.

"Oo naman, infact you're my secretary."

"Hindi ba't mga CEO at mga may ari lang ng kompanya ang kailangan dun?"

"I want you there, three days lang naman yun."

She smile as nodded. "O sige, pupunta ako."

"Susunduin nalang kita dito sa monday." Bilin ni Gabriel, at bahagya pang ikinagulat ni Amanda ang paglapit ng mukha nito sa kanya.

Only to planted a peck kiss on her cheek. "Good night Amanda." He muttered before going back to his car.

Napabalik lamang sa ulirat si Amanda ng tumunog ang sasakyan ni Gabriel at saka umandar na ito paalis. Hindi mawala ang ngiti ni Amanda ng pumasok ng bahay habang dala-dala pa rin ang anak.

IT WAS weekend kaya walang trabaho si Amanda. She spend her time with Arthur with their usual routine everyday.

Nang dapit-hapon ay napag-desisyunan ni Amanda na mag-grocery dahil marami na ang kulang sa kanilang kusina. Since Angela was always busy of spending her semestral break on lesson planning and other paperworks.

Arthur was very excited dahil isasama siya ng kanyang ina. They were about to leave the house when Ian arrives.

"Tito Ian!" Masayang sambit ni Art ng salubungin ito.

Kinarga ito ni Ian. "I missed you buddy!"

"I missed you too." Sagot naman ni Art.

Ian frowns as he noticed Amanda. "Saan kayo pupunta?"

"Mag-gogrocery lang." Walang ganang sambit ni Amanda.

"Tamang-tama sasamahan ko na kayo."

"Huwag na Ian, baka busy ka-"

"No I insist." Hinarap niya si Arthur. "Gusto mo bang sumama si Tito Ian?"

Tumango-tango naman si Art. "Opo!"

Ian smiles at Amand, he opens the car's door at the front and waited for Amanda.

Napakibit-balikat naman si Amanda at walang choice kundi ang pumasok na sa kotse. Ipinasok naman ni Ian si Arthur sa backseat bago siya bumalik sa harap at para imaneho ang sasakyan.

NAGTAKA si Amanda dahil ipinarada ni Ian ang sasakyan sa isang mall. "Ian, mag-gogrocery lang ako!"

"May grocery naman dito diba?"

Hindi nalang ito sinagot ni Amanda at walang gana itong bumaba ng sasakyan. Karga-karga naman ni Ian si Art kaya hindi maiwasang mahiya ni Amanda at baka mapagkamalan pa silang isang pamilya.

Ito na nga ba ang pinagsisisihan ni Amanda kung bakit hinayaan pa niyang sumama sa kanila si Ian. Dahil ngayon ay nasa toys department sila at kung anu-anong itinuturo at nagugustuhan ni Arthur ay binibili ni Ian.

Kahit naman anong ginawang pag-pigil ni Amanda ay hindi nakikinig si Ian.

"Ian, please tama na yan. Madami pang toys si Art sa bahay."

"Hayaan mo na ako Amanda, gusto niya kaya ibibigay ko." He insists.

"Mag-grocery na tayo, Art tama na yan!" Hindi na napigilang saway ni Amanda ngunit hindi manlang siya pinakinggan ng anak dahil sa atensiyon nito sa mga laruang nabili.

Kaya halos ma-stress si Amanda pagka-uwi nila dahil sa mga pag-pupumilit ni Ian.

IT WAS monday morning when Amanda recieves a reminder text message from her boss, na ngayon ang alis nila papunta ng Baguio para sa business conference. Sinabi rin sa text na susunduin siya ngayon nito kaya maiging nag-handa si Amanda.

"ANAK, three days lang naman. Tsaka bawal ang mga bata doon kaya hindi talaga pwede." Kanina pang paliwanag ni Amanda kay Art habang isa-isa niyang inilalagay sa kanyang luggage ang iilang damit na dadalhin niya sa Baguio para sa business conference ng kanyang boss.

"Kapag big na ako pwede na po ba akong sumama?" Sabi pa ni Art na may tampo sa boses at hindi mawala ang busangot ng mukha. Nagpupumilit kasi itong sumama kay Amanda dahil ayaw malayo sa ina.

"Kapag big kana oo. Pero kapag hindi sa trabaho ang pupuntahan natin, kapag bakasyon balang araw." Pag-aalo ni Amanda.

Nang matapos siyang makapag-ligpit ay bumaba na sila nang saktong tawagin si Amanda ng kapatid dahil nandiyan na raw dumating si Gabriel.

She saw him standing at the door and obviously waiting for her. "Hey Art!" Bati ni Gabriel na kay Art agad ang atensyon.

Sinulyapan lamang ito ni Art na hanggang ngayon ay naka-busangot parin ang mukha. "Hello po tito Gabriel." Matamlay nitong bati saka humarap muli kay Amanda sabay yakap sa mga binti ng ina.

"Hay naku mahihirapan kang umalis niyan ate." Problemadong sabi naman ni Angela.

Kinarga ito ni Amanda habang pilit na inaalo. "Tatawag naman ako promise."

Napatungo lang ito ngunit malungkot parin.

"Anong gusto mong pasalubong?" She asked while smiling.

Nakanguso itong niyakap ang ina. "Strawberry jam." Matamlay na sagot ni Art.

Amanda chuckled. "Okay. Magdadala si Mama ng maraming strawberry jam. Basta smile kana." She planted some kisses on his cheek. "Smile na."

Sa wakas ay napangiti na ito. At tuluyan nang binitiwan ang ina.

Napangiti si Gabriel ng makapasok sila ng sasakyan. "He already missed you, hindi pa nga tayo nakaka-alis." He chuckled while started driving the car.

"Oo nga eh. Ngayon lang kasi kami magkakalayo ng ilang araw kaya hindi sanay si Art na malayo kami sa isa't-isa." Paliwanag ni Amanda.

❌❌❌❌❌

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon