Chapter 36

1K 36 11
                                        

PAWANG isa itong masamang bangungot na bumalik kay Gabriel noong iiwan siya ni Jean sa araw mismo ng kanilang kasal at sumama sa ibang lalaki. Ngayon ay si Amanda, at ito na ata ang pinakamasakit sa lahat. Hindi niya ito kakayanin.

Ilang oras na ang lumipas, dahan-dahang nagsi-alisan na lamang ang iilang dumalo.

"Bro, I'm sorry we gotta go may hinahabol pa akong flight mamaya pabalik ng U.S." Malungkot na paalam ni James kay Gabriel na ngayo'y problemadong nakayuko at nakaupo sa isang baitang ng hagdan sa labas ng simbahan.

Ni hindi na ito ginawaran ng pansin ni Gabriel kahit isa-isa nagpaalam sa kanya ang mga bisita.

"Papa?" Arthur hugs him from the back. He glances at his son and grab him for a hug.

"Gabriel, mauuna na kami ni Art aalamin ko rin kung nasaan si Ate, nag aalala ako." Mahinahongt paalam ni Angela.

He sadly gave a soft kiss on Art's forehead while tightly hugging him na pawang dito na lamang siya kumukuha ng lakas.

"Papa nasaan po si Mama? Bakit po kayo umiiyak papa?" Arthur innocently asked, habang pabalik-balik ang tingin niya sa ama at sa Tita Angela niya.

He just shooked his head, saka hinayaan na itong isama ni Angela.

Nilapitan si Gabriel ng kanyang ama kasama nito ang kanyang Auntie Rosa na tumutulak sa wheelchair ng kapatid. Pati siya ay naiiyak na makita ang kanyang pamangkin sa ganitong sitwasyon.

"Gabriel, anak. Let's go home." Marahang pakiusap ni Don Roman.

He shooked his head. "Dito lang ako, hihintayin ko si Amanda."

"Gabriel, makinig ka sa papa mo. Nakausap na namin ang pari, umalis na dahil may iba pang dadaluhang mesa. Umuwi na tayo." Pakiusap naman ni Manang Rosa.

"Hayaan niyo muna ako Papa, Auntie.. Please.." He coldly said.

Kaya walang nagawa ang mga ito at hinayaan na lamang si Gabriel.

Si Leon ay naroon pa dahil hindi maiwan ang kaibigan lalo na sa mga oras na ito. Kaya ipinaalam na lamang sa kanya ni Don Roman ang anak.

"Ako na po ang bahala, Tito" Sagot ni Leon. "Umuwi na kayo at magpahinga."

"Thanks Leon."

KAHIT anong pilit na makawala ni Amanda sa mahigpit na tali sa kanyang mga kamay sa likuran niya ay hindi siya makawala, her mouth was covered with tape for her to be inable to speak while her legs are also tied.

Tears can't help from streaming to her cheeks matapos siyang kidnap-pin ni Ian at pagbantaan bago siya nito ipakausap kay Gabriel gamit ang cellphone upang ipaalam na hindi siya magpapakasal dito.

Humahangos na pumasok si Ian sa kwartong iyon habang dala ang cellphone at baril na nakaipit sa likuran ng pantalon nito.

Halos mapatalon sa takot si Amanda ng marahas na tanggalin ang packing tape sa kanyang bibig.

"Ano bang ginagawa mo Ian! Pakawalan mo ko dito!" Muling sambit niya habang umiiyak.

He kneeled infront of her on the bed while smiling like an idiot. "Pakakawalan lang kita kung sasama ka sa akin Amanda." He holds her legs kaya bahagyang napaatras si Amanda sa kama kahit wala na siyang maatrasan.

"Kahit anong gawin mo hinding-hindi ako sasama sayo!" She fired back with so much anger.

He clenched his jaw, at gigil na hinawakan ang panga ni Amanda. "Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin! Kukunin ko si Arthur at isasama natin siya! Magpapakalayo tayo, malayong-malayo sa kahit kanino lalo na kay Gabriel!" Pag-didiin pa niyang sabi.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon