OUT of curiousity, Amanda picked the bracelet. Bawat shell nito ay inuusisa niya, even the elastic tie that was connecting the different designs of seashells and its arrangement is hundred percent familiar to her.
Halos manlamig ang buong katawan ni Amanda ng maisip na baka ito iyong bracelet niya noon na nawala niya, at nagtataka siya kung bakit meron nito si Gabriel.
"Amanda? Bakit ang tagal mo?" Napaigtad si Amanda sa gulat ng biglang pumasok si Gabriel sa opisina.
"Kanina ka pa hinihintay ni Art." Dagdag pa nito ng lapitan siya.
Sunod-sunod na napalunok si Amanda nang makitang napatingin si Gabriel sa hawak niyang bracelet.
"G-Gabriel, s-sayo ba ito?" Nauutal niyang tanong.
He sighs and immediately got it from her. "Hindi akin yan." Ibinalik niya ito sa drawer sabay kabig sa bewang ni Amanda para kumbidahin na ito papalabas.
"B-bakit meron ka nun? Kanino ba yun?" Pagpupumilit niyang tanong habang papalabas na sila ng opisina.
Ni hindi na manlang namalayan ni Amanda ang gulat na ekspresyon ng kanyang mga katrabaho dahil sa pagkaka-hawak ni Gabriel sa kanyang bewang habang patungo sila ng elevator. At wala siyang pakialam doon.
"I don't know. Napulot ko lang." Tila may pag-aalanganing sagot ni Gabriel.
"Saang lugar mo napulot?" She immediately asked again.
He frowns deeply with curiousity. "I don't remember. Why are you so interested with the bracelet?"
She looked away and shrugged. "Parang... Pamilyar lang kasi, ang ganda."
"Halika na nag-hihintay si Art."
Amanda took a heavy breathe. "Nasaan si Art?"
"Iniwan ko muna kay Mang Rey para puntahan ka dito." Tukoy siya sa security guard sa labas.
She nodded and forced a smile. "Ito nga pala yung susi." Sabay abot kay Gabriel sa susi.
NAGPUNTA sila sa isang high-end fast-food chain na kung saan napuntahan na nila Amanda noong niyaya siya ni Gabriel para mag-meryenda.
"Madalas ka talaga rito ano?" Se curiously asked him.
"It's obvious." He shrugged and glances at Arthur to look for menu.
Hindi mapigilang maaliw ni Amanda habang kaharap niyang kumakain ang anak niya at si Gabriel na katabi nito, they had the same choices of food and the same way of eating.
As usual, gustong-gusto ng anak niya na isinasawsaw ang french fries sa spicy gravy ng fried chicken, na ganun din si Gabriel.
Kaya lalo tuloy bumabagabag sa isipan niya iyong hawak na bracelet ni Gabriel.
Memories of five years ago flashes back on her mind. She was pretty sure that she lost her bracelet on that hotel suite. Dahil pag-uwi niya nung madaling araw na iyon ay wala na sa pala-pulsuan niya ito.
Hinayaan na nga lang iyon ni Amanda at hindi na inisip pa kahit pa labis ang pang-hihinayang niya dahil gawa iyon mismo ng kanyang ama kaya ganun nalang ka-importante ang bagay na iyon sa kanya.
Kaya malakas ang kutob niya na baka isa si Gabriel sa mga lalaking nandun sa stag party na iyon. O di kaya... Paano nga ba kung si Gabriel ang lalaking iyon? Paano kung siya ang ama ni Arthur?
"Are you okay boss?" Napakurap-kurap si Amanda sa biglang tanong nito ng mapansin ang pagkatulala niya.
She sighs. "Ayos lang ako..." Pinag-masdan niya ng maigi ang dalawa habang enjoy na enjoy na sa pagkain.
Even herself, she can't deny the fact that Gabriel and her son were really look good together. Para itong pinag-biyak na bunga.
They have the same shape of face, their tan skin color, their thick black hair, their dark brown pupil and curly eyelashes, even their manly pointed nose although for Art was'nt yet manly, and also their thin lips. They have the same features. Lalo pa siguro kung mas lumaki at mag-binata na itong si Art.
Naguguluhan na si Amanda dahil sa mga naiisip niya ngayon.
"Kumain kana boss, kanina ka pa nakatitig sa amin." Pukaw muli ni Gabriel sa kanya, kaya naman nagsimula na ring kumain si Amanda.
"Ang cute niyo pala tingnan." Hindi napigilang puna niya, na tila ngayon lang niya nakita ang dalawa sa ganoong eksena. She just admired looking at them together. How she wished he was really the father of her child.
"Ngayon mo lang sinabi yan, talaga namang cute kaming tingnan ni Art. Hindi lang kami gwapo, cute din!" pagmamalaki ni Gabriel. "Diba Art?"
"Shempre po Tito Gabriel!" Sabay tango-tango nito saka inilahad ng maliit niyang kamao kay Gabriel, and they did their signature fist-bump.
Amanda frowns while giggling. "Aba, may pa-ganyan na kayo ah?!"
"Si Art ang nag-turo sakin."
She frowns deeply and glances at Art. "Saan mo naman natutunan?"
Art smiles adorably. "Napanood ko lang po sa TV."
"Kakanood mo, baka kung anu-ano nalang matutunan mo diyan."
Gabriel just chuckled.
Pagkatapos nilang kumain ay napagkasunduan nina Gabriel at Art na pumunta sa mall dahil gusto ni Art na makapag-laro sa Tom's World.
Halos hindi nga makasali si Amanda sa nilalaro ng dalawa dahil wala naman siyang alam sa mga ganun. At ang nakakatuwa pa dahil lahat ng gustong laruin ni Art ay pinapatulan ni Gabriel. Para itong bumabalik sa pagka-bata.
Kaya tuwang-tuwa si Arthur dahil sa dami nilang nakuhang tickets at mga prizes.
"Thank you po Tito Gabriel." Masuyong sabi ni Art sabay halik pa sa pesnge ni Gabriel, matapos nilang matanggap ang mga prizes na mga laruan at chocolates.
"You're always welcome Art." He kissed him back while scooping him. Pauwi na sila dahil gabi na.
As usual, inihatid sila ni Gabriel.
❌❌❌❌❌
Thanks for still reading my stories!💕
BINABASA MO ANG
Fate
FanfictionMeeting you was a fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control. © • • • • • • • MDZ as Amanda Fuentes PRG as Gabriel Antonio Del Fierro