Chapter 27

1.1K 37 4
                                    

KINAGABIHAN pagkatapos ng trabaho ni Gabriel sa opisina ay inimbitahan niya si Amanda na mag-dinner sa kanilang bahay dahil hindi niya natupad ang pag-imbita niya na kahapon dapat, dahil nga sa pagtatampo niya kaya ngayon sila pupunta sa kanila at dahil na rin matagal nang gusto ng kanyang ama na makilala nito si Amanda na nakwento na niya ito kamakailan lang.

MASAYANG masaya si Don Roman ng salubungin ang anak kasama ang kasintahan nito.
They just arrived at the house while he was sitting on his wheelchair outside at the doorway.

"Pa!" Gabriel approaches his father and planted a peck kiss on his forehead while holding Amanda's hand. "Pa, si Amanda po. Fiancee ko." Pagmamalaki niya.

Nilapitan ito ni Amanda upang mag-mano. "Magandang gabi po."

"Magandang gabi din sayo hija. I'm glad to finally met you. Talagang pagdating sa babae ay matinik pa rin itong anak ko." Sabi pa nito na labis ang tuwa sa dalawa.

They get inside the house while Gabriel pushes the wheelchair of his father.

Sinalubong naman sila ni Manang Rosa na kagagaling lang sa kusina.

"O nandito na pala kayo, sakto nakahanda na ang hapunan." Manang Rosa beamed.

"Untie, si Amanda po." Pakilala kaagad ni Gabriel.

Bahagyang nagulat naman si Amanda ng yakapin siya nito. "Sa wakas at napapayag ka ni Gabriel na bumisita dito." Hinawakan pa nito ang mga kamay ni Amanda ng harapin siya. "Napakaganda mo pala sa personal, alam mo matagal ka na naming gustong makilala mula nung mai-kwento ka ni Gabriel."

She glances at Gabriel whose smiling at her while they're now walking towards the dinning area. "Salamat po." tanging nasabi na lamang ni Amanda.

Naupo na silang lahat matapos maihanda ng iilang kasambahay ang mga pagkain.

Gabriel let his fiancee to be sitted beside him, his Auntie was sitting across to them and his father on his side on the edge of the table.

"Para namang may fiesta dito." Natutuwang sabi ni Amanda.

"Masanay kana, ganito mag-handa si Auntie kapag may bisita." Sagot naman ni Gabriel habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Amanda.

She glances at him. "Ako na, nakakahiya." She murmured.

"Naku huwag kang mahihiya Amanda, welcome na welcome ka dito!" Manang Rosa.

"Gabriel akala ko ba may anak na itong si Amanda katulad ng sinabi mo? Bakit hindi niyo isinama dito para naman makilala ko." Biglang tanong ng kanyang ama.

Samantalang nagulat naman si Amanda dahil hindi niya akalaing naikwento na pala siya ni Gabriel sa magulang nito pati ang anak niya. Ni hindi nga niya alam kung tatanggapin ba siya ng mga ito kahit may anak na siya.

"Next time Papa, we will bring him here. I'm sure matutuwa kayo kapag nakilala niyo si Art."

"Art pala ang pangalan niya? Napakaganda naman." Manang Rosa.

Amanda shyly smiled. "Opo, Arthur yung buong pangalan niya."

"Ilang taon na ba?" Tanong ng ama ni Gabriel.

"Four years old."

"Kailan nga pala ang kasal niyo Gabriel? I can't wait to have many grandchildren." Nakangiting pahayag nito.

Napalunok si Amanda sa narinig nito habang pasimple namang hinawakan ni Gabriel ang kamay niya sa ilalim ng lamesa. "Actually Pa, Untie.. Napag-planuhan ko na yung kasal namin, hindi ko pa ito nasasabi kay Amanda. Pero sasabihin ko nalang ngayon kung papayag siya."

He glances at her. "Pagkatapos sana ng opening ng bar next week, saka kami magpapakasal."

She frowned at that idea.

"I agreed with that." His father said.

Nilingon ni Gabriel si Amanda. "Okay lang ba sayo boss? Kung hindi ka pa handa pwede nating i-move yung schedule." He asked in a low voice.

She sighs and nodded. "Huwag na, Okay na sa akin yung plano mo."

He squeezed her hand and planted a soft kiss on it. "Thanks boss, I can't wait to be your husband."

"Naku! kumain na tayo at baka langgamin pa itong mga hinanda ko." May himig na panunuksong sabi ni Manang Rosa habang tumatawa.

Their dinner went well so far. Kung anu-anong tanong at kwento pa ang naganap. Kaya ng matapos ay napag-desisyunan nang umuwi ni Amanda. Shempre inihatid siya ni Gabriel. And bid goodbye kiss to each other before parting their ways.

  

ALOS mabingi si Amanda sa biglang pag-sigaw ng kanyang kapatid matapos niyang sabihin dito ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Gabriel. Kakauwi lang niya galing kila Gabriel at kinwento ni Amanda ang lahat ng nangyari.

"OMG ate! I'm so happy for you!" Mahigpit siyang niyakap pa nito.

She chuckled. "Thank you. Sandali, Angela hindi na ako makahinga!" Reklamo niya.

Kaagad namang bumitaw si Angela at habang maiiging tinitingnan ang engagement ring sa daliri ni Amanda. "Napaka-ganda naman nito ate! Excited na ako maikasal kayo ni Gabriel!" Kinikilig niyang dagdag. "I'm sure, matutuwa si Art kapag nalaman niya ito."

She heaved a sigh. "Sasabihin ko pa nga lang eh, hindi ako sigurado kung ikatutuwa niya ito."

"Naku! Si Arthur pa ba? Eh sobrang wili yun kay Gabriel!"

   

AMANDA tucked her son on the bed. Saktong hindi pa ito natutulog kaya may pagkakataon pa siyang makausap ito.

She laid beside him. "Anak? May sasabihin si Mama sayo."

Hinarap siya nito saka niyakap. "Ano po yun mama?"

"Magpapakasal na ako kay Tito Gabriel mo."

Napakunot-noo ito. "Kasal? Ano po yun?"

"Kapag ang isang babae ay ikinasal sa isang lalaki ibig sabihin nun mag-aasawa sila at magiging isang pamilya."

"Magiging papa ko na po ba si Tito Gabriel, Mama?" Bakas ang pagkagalak sa mga mata nito.

She nodded. "Okay ba sayo yun?"

"Shempre po Mama! Gustong-gusto ko po magkaroon ng papa lalo na at si Tito Gabriel pa!"

Napangiti si Amanda at mahigpit na niyakap ang anak. "Thank you."

Bigla tuloy niya naisip ang tungkol sa pina-DNA test niya. Kung ano man ang maging resulta nun ay walang mag-babago sa kung anong meron sila ngayon.

    

❌❌❌❌❌

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon