"MISS AMANDA FUENTES." Anang babaeng may hawak sa resume ni Amanda pagkatapos ng ilang katanungan. Basi sa nakalagay na posisyon sa mesang iyon ay hiring manager ito ng wine company na ito.
"You are 35 years old, right?"
Tumango-tango naman kaagad si Amanda.
"You are a college graduate from two years secretarial course, well that's very fine. Ow.. nag-trabaho ka pala dati sa Vino Del Mundo?"
"Yes po Ma'am. I worked as a secretary for two years." Sana lang hindi mo itanong kung bakit ako nag-resign doon. Dagdag pa ng isipan niya.
"Well, maganda naman ang records mo." Mariing binabasa nito ang kanyang mga papel.
Napangiti naman si Amanda. Hindi ito istrikta kaya komportable siyang makipag-usap dito. Nakita niyang Inilapag nito sa lamesa ang mga papel at hinarap si Amanda. "Alam mo kasi, pang-limang secretary na ang na-kick out ng boss namin, at puro lalaki sila. I think this time babae naman para maiba, baka sakaling magkasundo kayo ng boss ko. IF, you are capable to do the job well." May halong diin na pagkasabi nito.
"Of all my experiences in working Ma'am, sanay na sanay po akong makisalamuha sa kahit kanino at kayang-kaya ko po kahit mahirap na trabaho." Positibong sagot ni Amanda.
"Well, hindi naman gaano kahirap magtrabaho sa boss ko. It's just that, medyo istrikto at may pagkamasungit siya. Minsan mahirap din pakisamahan, pero mabait yun." She giggled.
Napatango-tango si Amanda. "Makakaasa po kayo Ma'am, gagawin ko nang maayos ang trabahong ito kapag natanggap niyo po ako."
Napangiti ito. "You're hired Ms. Fuentes, you'll start tomorrow."
"Talaga po Ma'am? Thank you so much po." Napangiti niyang sinabi matapos siyang kamayan nito.
She felt relieve at hindi pa nito inungkat ang dahilan kung bakit nagresign siya sa Vino Del Mundo, dahil talagang hindi siya mag-aatubling sabihin na minamanyak lang naman siya ng boss niya doon na si Ian Del Mundo, mula kasi ng mag-pahayag ito ng pag-ibig sa kanya na hindi niya napaunlakan dahil wala naman talaga siyang gusto kay Ian at dun nagsimula ang hindi magandang pakitungo sa kanya.
That was after his confession, when Amanda refuses his real intention to her...
"Sir Ian, ginagalang ko ho kayo... Bilang boss ko, at iyang nararamdaman mo para sa akin.. Pero, pasensiya na talaga at hindi ko talaga maibabalik ang pagmamahal mo." Marahang sagot niya rito.
Nagulat si Amanda ng hawakan nito ang mga kamay niya. "Wala akong pakialam kung hindi mo ako mahal Amanda." He gripped her hands and pulled her towards him, na lalong ikinataranta ni Amanda. "Just give me your time today... Paliligayahin kita." Masuyong sinabi nito na puno ng pagnanasa. At bago pa man makapag-pumiglas si Amanda ay sapilitan na siyang siniil ng halik nito.
"S-Sir Ian!" She can't even say her words clearly. "BITIWAN NIYO KO!" Sigaw niya ng makawala ang bibig niya sa halik nito. Ngunit hindi naman nakawala ang katawan niya ng yapusin at ikulong siya pinakasulok ng opisinang iyon.
Kung hindi pa sapilitang nabuksan ng security ang opisina ni Ian dahil sa mga sigaw ni Amanda ay baka tuluyan na siyang napilit sa bagay na hindi niya gusto. Nang makawala siya ay mabilisan niyang nilisan ang building na iyon at wala na siyang pakialam kung pinagtitinginam siya ng mga empleyado.
BINABASA MO ANG
Fate
FanfictionMeeting you was a fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control. © • • • • • • • MDZ as Amanda Fuentes PRG as Gabriel Antonio Del Fierro