JARED'S POV
Bahagyang kumunot naman ang noo ko ng mapansin na hindi naka-lock ang front door ng bahay namin ni Scorpio.
Siguro nandito na yun, pero sabi niya may duty daw siya ngayon.
"Scorpio?" I called pero wala namang sumagot.
Inilapag ko naman ang purse na dala ko sa sofa at napahinto ako ng may isang bag na nanduon.
At hindi iyon bag ng lalaki.
Kundi ng isang babae.
No fucking way.
Dali-dali na umakyat ako papunta sa kwarto namin at pagkabukas ko ng pinto, I found him.
With another girl.
In our bed.
My heart clenched at the sight but I kept my emotionless face.
"Just go out when you're done, enjoy." I said simply before closing the door again.
Narinig ko naman ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at tuluyan na akong bumaba ulit sa living room.
"Jared talk to me!" He said at hinila naman niya ako para mapaharap sa kanya.
"Wala na tayong pagu-usapan Rio, I get it. We only have an arrange marriage at wala akong karapatan na mag-reklamo kung nambababae ka pero ang dalhin mo yung babae mo dito sa pamamahay natin? Iniinsulto mo na ako niyan." I said.
Nanatiling nakatingin naman siya sa akin bago sumagot.
"It's your fault, nagkaka-ganto lang naman ako dahil ayaw mo akong pagbigyan eh, lalaki ako Jared may--" He said pero bago niya pa matapos ang linya niya ay binigyan ko siya ng malakas na suntok.
"Lalaki ka at may pangangailangan, that is not a enough excuse to bring a woman in this house. How dare you to blame me? blame yourself you fucking cheater. You know what, I'm done." I said at kinuha ko naman ang purse ko na nasa sofa at saka lumakad na papunta sa front door pero bago ako tuluyang lumabas ay nagsalita ako.
"I will file an annulment, baka this week matanggap mo na ang papeles. Don't worry, hahayaan naman kitang maging masaya." I said at saka tuluyan ng lumabas habang pinupunasan ang mga luha ko na nagsimula ng magsilandas sa pisngi ko.
"Jared? are you listening to me?" Tumingin naman ako sa lalaking kausap ko ngayon and it was Lancaster.
My boyfriend.
My try-out boyfriend to be exact.
"I-i'm sorry, may naalala lang." I said.
"Penny for your thoughts?" He asked sweetly.
"I need a million for my thoughts Lan." Biro ko and he rolled his eyes.
"You're a successful business woman now at barya na lang sayo ang milyon." He stated and this time I rolled my eyes.
"Hindi ako kasing yaman mo na may-ari ng isang technology brand." I stated and he chuckled.
"Bakit ba nagkaka-sumbatan tayo ng yaman ha?" He asked.
"Ikaw nagsimula, wag mo akong sisihin." I said at saka sumimsim sa tsaa na in-order ko. "Ano nga palang date ngayon?" I asked.
"Oh, it's October 23, why?" He asked at napahinto naman ako duon.
![](https://img.wattpad.com/cover/204580741-288-k175395.jpg)
BINABASA MO ANG
His Series #9: Scorpio Middleton
Romance3 years. Sa loob ng 3 taon na iyon namuhay si Jared na punong-puno ng galit sa kanyang asawa or should I say dating asawa na si Scorpio. Because of cheating Sa loob ng 3 taon na iyon, pinilit niya ang sarili na kalimutan ang lalaki pero hindi siya n...