Chapter Twenty-Five

1.5K 32 0
                                    

[SCORPIO]

Nanatiling nakatingin lang ako sa kotse kung saan nandoon si Jared na ngayon ay umaapoy na dahil sa pagsabog.

Hindi ako makagalaw na para bang tinubuan ako ng ugat sa pwesto ko.

Jared....she...

"Signore! let's get out from here!" Don said with an urgency at sinubukang ialis ako sa pwesto pero hindi ako gumalaw. "Signore!" Don called me again.

"No! we need to save her." I said at inalis ang pagkakahawak niya sa akin and I stepped forward pero kasunon naman noon ay ang pagsabog ulit ng kotse na iyon. "NO! JARED!" I screamed.

Tatakbuhin ko na sana ang pagitan namin ng kotse na iyon nang biglang hatakin ako ni Don and he covered my head dahil narinig ko ang palitan ng putok ng baril sa paligid.

Don pushed me inside of the van at pagkasara noon ay kaagad na umaandar iyon paalis.

"Ibalik mo ako doon Bailey!" I said.

"No Signore, it's not safe!" Bailey said.

"Si Jared! kailangan kong iligtas si Jared! kailangan kong iligtas ang asawa ko!" I said in a panic at sinubukang buksan ang pinto ng van pero bago ko pa nagawa iyon, someone used a taser on me at kaagad naman akong nawalan ng malay.

"JARED!" I screamed at kaagad na bumalikwas sa kinahihigaan ko, tumingin naman ako sa paligid at na-realize ko naman na nasa hospital ako.

At nasa Pilipinas na ako.

Inalis ko naman ang suwero na naka-kabit sa akin at saka tumayo mula sa kama.

Pagkabukas ko ng pinto ay nandoon si Spade.

"Spade! you need to help me." I said at kumunot naman ang noo nito.

"Huh? for what?" He asked.

"Si Jared! sumabog ang sinasakyan naming kotse. Kailangan ko siyang iligtas!" I explained with an urgency.

Spade let out a sigh at saka inilagay ang kamay niya sa balikat ko.

"Scorpio, she's gone." He said at parang huminto naman ang pag-ikot ng mundo at nag-echo iyon sa isipan ko.

She's gone?

No, NO!

"No Spade! we can still save her!" I said while shaking him, tinabig naman niya ang magkabilang kamay ko na nasa balikat niya.

"Scorpio, can't you understand!? SHE. IS. GONE." Spade said raising his voice.

At kasunod naman noon ay ang pagsuntok ko sa kanya.

"Hindi pa patay ang asawa ko!" I said habang umiiling. "Hindi pa patay si Jared!" I screamed.

"I'm so sorry Scorpio.."

"NO!" I said and tears started to fall from my eyes. "Tell me you are joking! tell me na prank lang ito. Hindi pa talaga siya patay diba?" I asked hoping na biro lang ang lahat.

At parang gumuho naman ang mundo ko nang umiling ito.

Tuluyan nang nanghina ang tuhod ko at napaupo ako sa sahig. I cried my heart out habang tumatakbo sa isip ko ang mga nangyari.

"Scorpio.."

"No...i-it's too soon.." I said while shaking my head. "W-we are suppose to die in an old age...w-we still need to go in her dream vacation places."

His Series #9: Scorpio MiddletonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon